Mark Neumann on what being "artista" means to him: "...kailangan maging role model ka rin at maging inspiration ka..."

Mark Neumann on being chosen as Operation Smile and Read-Along ambassador: “For me, it’s very fulfilling and it’s feels great that you can do good for others lalo na sa mga bata."


Masayang-masaya ang TV5 Kilig Prince na si Mark Neumann dahil sunud-sunod ang blessings na dumarating sa buhay niya ngayon.

Una na riyan ang pagiging bida niya sa primetime teleserye ng TV5 na Baker King, na mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 9:30 p.m.

Natutuwa ngang ibinalita ni Mark na tumaas ang ratings ng Baker King nang lumabas na siya bilang ang bidang si Takgu.

“Siyempre parang for me, unang-una pinagkatiwalaan ako ng network, so dapat may ipapakita dapat ako.

"And, of course, happy ako na okay naman yung ratings, hindi bumaba.

"At least may konting improvement, that’s better than going down, 'di ba?

"So itutuloy ko lang yung pagbibigay ng best ko sa tapings, itutuloy ko lang yung hard work para whatever happens, I can say na ibinigay ko ang lahat,” sabi ni Mark.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark sa pocket presscon na ibinigay ng TV5 para sa kanya nitong tanghali, Hunyo 11, sa Mario’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HOSTING STINT. May kasunod pang blessing ito dahil isa si Mark sa mga host ng bagong Kapatid game at musical variety show na Happy Truck ng Bayan, na magsisimulang umere sa Linggo, Hunyo 14, 11 a.m.-1 p.m.

Makakasama ni Mark dito ang iba pang TV5 stars na sina Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Derek Ramsay, Gelli de Belen, Mariel Rodriguez, Jasmine Curtis-Smith, Ritz Azul, Eula Caballero, Empoy Marquez, Tuesday Vargas, Vin Abrenica, Sophie Albert, Akihiro Blanco, Chanel Morales, Shaira Mae, Tom Taus, at Kim Idol.

“Ang nakakatuwa po sa Happy Truck, talagang pupunta kami sa mga barangay.

"Yung ii-air po sa June 14, sa Tondo po kami pumunta at ang daming taong pumunta.

"Ang segment ko po ay yung 'Bida sa Dance Floor,' so sasayaw po ako.

"May segment din po yung kilig loveteams like kami ni Shaira Mae and then sina Vin at Sophie, at saka sina Aki at Chanel.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SMILE AMBASSADOR. Pero kakaibang kasiyahan daw ang hatid kay Mark na mapili siya bilang bagong Smile Ambassador ng Operation Smile Philippines.

Ito ay isang international non-profit medical service organization na nagbibigay ng free surgery sa mga kabataang may cleft lip, cleft palate, at iba pang facial deformities.

Ipinost pa nga ng Operation Smile Philippines sa official Facebook account nila noong May 20 ang pag-welcome nila kay Mark.

“A big Operation Smile welcome to our newest Smile Ambassador, Mark Neumann!!! Mark Phillip Neumann is a TV5 artist and Artista Academy alumnus who plays the lead role of Tak Gu in the latest primetime series of the Kapatid network, ‘Baker King.’ Welcome to the Operation Smile family, Mark. We look forward to creating more smiles with you.”

Malaking honor nga raw para kay Mark na maging Smile Ambassador. Paano siya napili rito?

“Tinext po ako ng TV5 through my road manager [Al Sumayo]. ‘You have a meet up with the president of Operation Smile Philippines.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, sabi ko, ‘O, sure!’

"Siyempre, of course, I have an idea what it is because may nakita akong commercial before about Operation Smile, so parang alam ko na.

"And then I made research din.

"And then when I went there, sinabi nila sa akin yung details.

"So, when they told me that I’m going to be a Smile Ambassador, siyempre tuwang-tuwa ako. Of course, it’s a big honor for me.”

Nakatakda nga raw dumalo si Mark sa Martes, Hunyo 16, sa Gift of Smiles medical mission na gaganapin sa Sta. Ana Hospital sa Sta. Ana, Manila.

“Ano yun, mag-register ng new patients for operation. So, pupunta ako doon and siguro magbabasa ng stories for the kids and talk to the parents.”

READ-ALONG AMBASSADOR. Ini-enjoy din daw ni Mark ang pagiging Read-Along Ambassador niya, kasama si Jasmine Curtis-Smith, para sa isang major broadsheet.

Ibinahagi nito ang mga ginawa niyang activities para sa mga bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I read for them twice na. And this June mayroon ulit.

"Ano po yun, storytelling po for the kids, as in interactive reading.

"So noong nagbasa ako para sa mga bata, mayroon akong microphone na parang headset. E, ang story, parang may gumugulong-gulong, so ginawa ko talaga para ma-enjoy nila.

"Siyempre medyo boring naman kung nagbabasa ka lang, so mag-interact ka na, kumuha ako ng mga bata, ganun.

"‘Simangot ang mukha. Ikot sa floor,’ ganun,” kuwento ni Mark.

ROLE MODEL. Natutuwa si Mark dahil mas napapalapit daw siya sa mga bata ngayon.

Dahil dito, puwede na siyang ituring na idolo ng mga kabataan.

“For me, it’s very fulfilling and it’s feels great that you can do good for others lalo na sa mga bata.

"Kaya talagang ini-enjoy ko yung mga read-along para sa mga bata.

"And, of course, iba rin yung sa Operation Smile. Mas seryoso yun kasi yung mga bata roon yung may cleft palate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi when they go out in the streets, pinagtatawanan sila, binu-bully. Yung ibang bata, hindi pa nila naiintindihan.

"So yung maging part ka ng medical mission para maayos yung kalagayan nila, it’s really fulfilling and masarap sa pakiramdam na somehow nakatulong ka para maging maganda ang smiles nila.”

Mas maingat na ba siya ngayon sa mga ikinikilos niya bilang ang image niya ay magandang ehemplo sa mga kabataan?

“Of course, you have to be careful sa mga actions mo and sa mga sinasabi mo.

"I always take note of that naman kahit noong hindi pa ako ambassador.

"Kasi bilang artista rin at may mga fans ka na mga bata, kailangan maging role model ka rin at maging inspiration ka sila in a good way, 'di ba?”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close