PEPtalk. How do Gabbi Garcia and Ruru Madrid maintain their on-screen chemistry?

Kapuso teen stars Gabbi Garcia and Ruru Madrid lead GMA-7’s primetime drama series Let The Love Begin.


Pinakilig ng tambalang Gabbi Garcia at Ruru Madrid ang pinakabagong episode ng PEPtalk.

Sina Gabbi at Ruru ang mga bida ng primetime series ng GMA, ang Let The Love Begin na kinabibilangan din nina Ai-Ai delas Alas, Donita Rose, Gardo Versoza, at Mark Anthony Fernandez.

Sa kanilang panayam, tinanong PEP Senior Staffwriter na si Bernie Franco at Web Producer na si Rizza Benedicto ang Kapuso teen stars kung ano nga ba meron ang love team nila na wala sa iba.

Unang sumagot si Gabbi at sinabi nito hindi nila pinaplano ang kanilang mga gagawin, bagkus ay natural lang na lumalabas ang chemistry sa pagitan nila ni Ruru.

Sabi ni Gabbi, “Kami as a love team kasi, we really don’t plan the things we do.

“So very natural lang. Kumbaga yung asaran namin, ganun lang talaga kami.

“And kasi ‘and’on yung care namin sa isa’t isa and we really can’t fake it on cam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So I guess dun din kami humuhugot ng chemistry.”

Ikinatuwa rin ni Ruru na napapakilig din nila ang director ng kanilang teleserye na si Gina Alajar.

Kuwento ni Ruru, “One time, parang narinig ko si Direk Gina [Alajar], ‘In fairness sa inyong dalawa, kinikilig ako, a.’

Dagdag niya, “Si Direk Gina kasi director namin sa Let The Love Begin, so parang sabi niya, ‘In fairness sa inyong dalawa, kinikilig ako. Basta 'wag n'yo lang ipilit.’

“‘Wag n'yong ipilit na magpakilig kasi yung pagiging natural n'yo pa lang nakakakilig na.”

Pagpapatuloy pa ni Gabbi, “So, we don’t plan, kunyari may guesting kami or may performance, may duet kami, wala lang.

“Kung ano lang yung maramdaman namin ganun lang.”

PETTY FIGHTS. Inamin naman ng dalawa na nagkakaroon din sila ng tampuhan sa isa’t isa.

Sabi ni Ruru, “Siyempre hindi naman po nawawala sa magkakaibigan yung pagtatampuhan, e.”

Dagdag pa niya, hindi naman daw nila hinahayaan ang simpleng tampuhan na makahadlang sa kanilang trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Ruru, “Pero siyempre, bilang mga aktor, dapat maging professional kami.

“Kasi siyempre iba yung trabaho sa relationship n'yo bilang magkaibigan, e.

“So dapat ipakita n'yo pa rin sa mga tao, sa mga viewers na okey kayong dalawa, na hindi kayo magkaaway.”

“Kasi yun yung binebenta n'yo, e. Yung pagiging magka-love team n'yo, e.

“'Tapos mag-aaway kayo sa harap nila. So magiging pangit, 'di ba?”

Paglilinaw naman ni Gabbi, hindi pa raw sila nagkakaroon ng matinding awayan.

Aniya, “Hindi pa naman kami nag-aaway na away talaga, like petty stuff lang.”

Biro naman ni Ruru, madalas daw ay pagkain ang kanilang pinag-aawayan.

Sinabi pa ni Gabbi na mas matampuhin daw si Ruru kesa sa kanya.

Aniya, “Si Ruru kasi very ano siya, matampuhin, sobra!

“‘Tsaka pikon si Ruru. Pikon na matampuhin!

“Pero kapag siya na ang nang-aasar, hindi ako puwedeng mapikon.

“So dun kami nag-start na, ‘A, 'pag ako hindi pwede, 'pag ikaw puwede?’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa tanong naman kung ano ang kanilang reaksyon sa pagkukumpara sa kanila sa ibang mga love team, sagot ni Ruru, “Since Protégé pa lang hindi ko po inisip makipag-compete sa iba.

“Parang kumbaga, mas inisip kong makipag-compete sa sarili ko.

“Kasi siyempre, once na makipag-compete ka sa sarili mo, parang every day, nag-iimprove ka.

“Kasi kailangan mas galingan mo pa, e.

“Kung ano yung nagawa mo ngayon, kailangan bukas mas galingan mo pa.”

Panoorin ang bahaging ito ng kanilang PEPtalk interview at iba ang pang episode ng #GabRuOnPEPtalk.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close