JC de Vera on having more projects now as a Kapamilya: “Blessed lang ako na magaganda yung naibibigay sa akin ng network..."

“Nakita lang din siguro nila na may potential ako dahil na rin sa magagandang characters na naibibigay nila," JC de Vera said about the continuous projects and the treatment he received after becoming a Kapamilya.


Dalawang taon nang Kapamilya ang aktor na si JC de Vera pero hanggang ngayon ay tila hindi pa ito makapaniwala sa mga nangyayari sa kanyang career.

Parang “surreal” daw ang pakiramdam niya, nakangiting sabi ni JC nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, June 11, sa launching niya bilang pinakabagong celebrity endorser ng Boardwalk.

Pahayag niya, “Oo, hungry for more. Hungry for more pa rin ang feeling. Ang daming first time, ang daming ngayon lang nangyayari sa buhay ko.

“Hindi ko alam kung too late ba siya o ngayon lang ba talaga ang perfect timing. Parang after eleven years sa show business, ngayon ko lang na-experience ang lahat ng ito.

“Buti na lang, ngayon lang din siya nangyari… ang lahat-lahat ng ito dahil, siyempre, mas equiped na 'ko ng mga experiences.

“Mas mature ako ngayon, mas focused ako compared before.

“Kaya mas alam ko kung paano i-handle ang mga bagay ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Perfect timing ni God.”

ALL POSITIVE. Ayon kay JC, hindi raw talaga siya ang tipo ng artistang naghahangad ng mga malalaking bagay na puwedeng mangyari pa sa kanya.

“Never akong nag-expect and, I think, yun ang secret ko sa sarili kung bakit nangyayari pa ‘to.

“At kung bakit sobrang interesado ako sa mga ibinabato ngayon.

“Kasi never akong nag-expect ng sobra-sobra sa sarili ko.

“Gusto ko, simple lang ang lahat ng bagay… very low key lang.

“Para kasi sa akin, mas okey yun, mas nagiging happy ang environment ko.

“Mas carefree, worry-less, less hassle, lahat very positive lang.

“Kapag merong binigay sa ‘yo, grateful and thankful ka lang.

“Kapag wala namang binigay, thankful ka pa rin.”

CONCERT. Nabanggit niya na “hungry for more” siya, ano pa yung mga gusto niyang gawin?

“More on characters pa, ‘tapos, ‘eto may concert.

“Never siyang nag-cross sa isip ko, sa buong eleven years ko, never siyang nag-cross sa isip ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pagka-offer, nag-yes kaagad ako, hindi ako nagdalawang-isip.

“Growth, e, kesyo hindi maganda ang gawin mo sa work o hindi maganda ang ipakita mo sa concert, it doesn’t matter.

“Ang mahalaga ro'n, ma-experience ko at ma-explore ko ang options ko.

“Kung makita ng mga tao na may potential ka, bakit hindi ko siya i-grab?

“Mas magkaka-experience ako at mas maggu-grow ako as an actor, as a celebrity. Lahat naman siya nasa positive side.

“Mas naa-appreciate ko ang mga nangyayari ngayon.”

NEW TELESERYE. Sa isang banda, ilang buwan na rin daw na nagte-taping si JC ng bago niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Will Never Say Goodbye kunsaan sila ni Jessy Mendiola ang magka-partner.

Kasama rin dito sina Richard Gomez at Dawn Zulueta, at posible raw na sa September ito magsimulang umere.

Kumusta sila ni Jessy?

“Ngayon, nasa side na kami na maganda na ang comfortability namin as partners.

“Siyempre, yung mga first part ng show, medyo ilang ka, gamayan pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon, relax na, gamay na namin ang isa’t isa, medyo comfortable na.”

Ika-apat na pagsasama na raw nila ni Richard sa isang teleserye mula pa sa pagiging Kapuso nila dati.

Pareho silang naging Kapatid at ngayon nga ay magkasama sila bilang Kapamilya naman, napag-uusapan ba nila yun?

“Si Kuya Goma naman, institusyon na ‘yan.

"Kahit saan siya magpunta, tinatawanan na lang niya, ganyan,” nakangiting sabi niya.

BEING KAPAMILYA. Ano ang pakiramdam na dahil sa naging maganda ang pangyayari sa career nila ni Paulo Avelino mula nang lumipat sa ABS-CBN, parang ginagawa silang batayan ng ibang artista pagdating sa paglipat ng network.

Sabi naman ni JC, “Alam mo, honestly, hindi ako nakikinig sa mga ganyan.

“Kasi kahit ako sa sarili ko, parang natsa-challenge ako.

“Blessed lang ako na magaganda yung naibibigay sa akin ng network, ng ABS-CBN.

“Nakita lang din siguro nila na may potential ako dahil na rin sa magagandang characters na naibibigay nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, kasama na rin yung kasikatan ng ABS-CBN, wider rin ang range ng audience niya worldwide.

“Most likely, mapapansin at mapapansin ka talaga. Pero ako, hindi ko ine-entertain yung thought na yun.

“Para sa akin, iba ang personal ko, iba ang work, e. Itong ginagawa ko, work ‘to.

“And to each his own naman.

“Siguro kami ni Paulo, dalawa kami sa blessed na na pagkalipat, nabigyan ng magandang opportunity.

“Si Pau, nag-excel, nabigyan siya ng mga awards.“

ENDORSER. Pinakabagong Boardwalk celebrity endorser naman ngayon si JC. Ayon sa kanya, wala raw siyang alam na pinalitang endorser.

Pang-25th celebrity endorser siya ng brand at tatlong taon daw ang pinirmahan niya na kontrata.

Overwhelmed ang pakiramdam ni JC nang makausap namin.

“Binigyan nila 'ko ng warm welcome, ipinakita nila ang appreciation nila sa akin.

“Ipinakita nila ang appreciation sa personality from teeny-bopper, nag-evolve sa pagiging drama actor to naging hunk.

“'Tapos ngayon, naging leading man. Nakita nila ang different phases ko sa buong career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ipinakita nila from day one ng work ko, 2004 hanggang ngayon, yung bawat details ng personality ko.

“Very, very new yun para sa akin dahil hindi ko na-experience yun dati.”

Medyo nagulat kami sa sinabi niyang hindi niya naranasan dati ang ganoong pagpapakita ng importansiya sa kanya, samantlang naka-tatlong network na siya.

Sabi naman ni JC, “Hindi naman ako endorser dati, e.

“So, ito, lahat ‘to, bago. Yung mismong president [ng company] nga, kakauwi lang ngayon mula sa ibang bansa.

“Talagang umuwi siya para rito. Nakaramdam ako ng sobrang… lahat ng mga boss sobrang ganda ang welcome sa akin.

“Parang, sobrang important ko pala, ‘tapos, yun nga, very thankful nga ako.

“Kasi nga, very well-appreciated. Nakita nila ang strength ko.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close