Bianca Gonzalez says husband JC Intal seems to be the one who is "naglilihi": “Siya ang mahilig mag-crave ng kung anu-anong food.”

Going on her fifth month, Bianca Gonzalez relates her pregnancy cravings center on her husband JC Intal, “Yung iba raw kasi, nagiging ayaw ang amoy ng asawa. Pero ako, gusto ko lagi siyang nakikita.”


Excited daw si Bianca Gonzalez at ang husband niyang si JC Intal ngayong malapit na silang maging mommy at daddy.

Hindi naman daw hirap ang actress-TV host sa kanyang pregnancy.

“I was always sleepy before,” aniya nang mag-guest siya nang live sa Aquino & Abunda Tonight kagabi, Huwebes, June 11.

“Yung una, second, at third month…talagang laging pagod, laging antok.

“Walang ginagawa, pero pagod na pagod ka na, lagi mong gustong matulog.”

Maganda at blooming pa rin si Bianca. Paniwala ng karamihan, kapag ganito ang aura ng isang nagdadalantao ay baby girl ang ipinagbubuntis.

“We don’t know yet,” ani Bianca hinggil sa gender ng magiging baby nila ni JC.

“I am eighteen weeks…four-and-a-half months, mga five months daw bago malaman yung gender ng baby.”

Sa kaso ng pagbubuntis ni Bianca, parang ang mister daw niyang si JC ang naglilihi.

“Siya ang mahilig mag-crave ng kung anu-anong food.”

Pero lagi raw niyang hinahanap at gustong makita si JC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung iba raw kasi, nagiging ayaw ang amoy ng asawa. Pero ako, gusto ko lagi siyang nakikita.”

PBB. Isa pang ikinai-excite daw ni Bianca ay ang nalalapit na muling pagbubukas ng Bahay ni Kuya.

Dalawa sila ni Robi Domingo na co-host ni Toni Gonzaga sa Pinoy Big Brother (PBB) 737.

Marami ang naiintriga sa 737 sa 10th year offering ng PBB, ano ba ang ibig sabihin nito?

“Actually ito yung season na pinaka-secretive sila, hindi talaga nila sinabi sa amin.

“Pero since nandito ako to promote it, binigyan nila ako ng konting clue.

“It’s a combination of personalities at saka twists.

“And then through the course of the season, saka namin iri-reveal kung anu-ano ang mga ‘yon.”

Halos lahat ay nagawa na sa loob ng Bahay ni Kuya, may aabangan pa ba ang viewers?

“I’m sure may aabangan, kasi hindi nila isi-secret nang ganito kung wala.

“’Yung puwede ko nang sabihin is that starting next week…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Usually kapag nag-launch kami, do’n mo pa lang makikilala yung mga housemates.

“Pero starting next week, sa iba’t ibang programs ng ABS-CBN, mari-reveal na. Ipapakilala na namin yung mga housemates.

“Bago sila pumasok sa Bahay ni Kuya, makikilala na sila, gano’n.

“May mga patikim throughout the week kaya abangan ninyo ‘yan.

“Kasi at least, you’ll get to know the housemates.”



COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close