Asia’s Next Top Model finalist Monika Sta. Maria on joining beauty pageant: “Hindi ko talaga trip... feeling ko, matatapilok ako."

Monika Sta. Maria was advised by her boyfriend, Charlie Sutcliffe of Juan Direction, to take it easy as a contender for Asia’s Next Top Model. She relates, "He knows how I put my heart too much into things," and if she does not make it, "there’s always something greater planned for you... Kailangan may hope lang talaga."


Si Monika Sta. Maria ang nag-iisang Pilipina na nananatiling contender sa Asia’s Next Top Model Season 3.

Ang mga natitirang kalaban na lang ni Monika ay ang mga modelo mula sa Singapore (Aimee Rose Cheng-Bradshaw), Indonesia (Gani Ayu), at Japan (Barbara Akemi Katsuki).

Nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Asia’s Next Top Model noong Miyerkules, June 10, sa GMA Network Center.

Pahayag ni Monika, “As beauty queen as that may sound, it’s true, what can I do?

“Ganun talaga. I really wanted to to give something to our country in my own way and that’s modeling.”

MODEL, NOT BEAUTY QUEEN. Sumali raw si Monika sa Century Tuna Super Bod, pero never pa raw sa kahit na anong beauty pageant tulad ng Binibining Pilipinas.

“Hindi ko talaga trip, hindi ko alam,” at natawa ito.

“They keep saying that I look like a beauty queen pero hindi ko alam, kasi feeling ko, matatapilok lang ako.

“Hindi ko alam e parang hindi ko nakikita.”

Ano ang kaibahan ng Asia’s Next Top Model sa Binibining Pilipinas o sa Miss World-Philippines?

“Sa Asia’s Next Top Model kasi parang fierce-fierce, gusto ko mas ano, mas astig, ganun,” at muling tumawa si Monika.

“E, feeling ko pag beauty queen, yung parang girly.

“Hindi kasi ako girly na tao, although I don’t know, maybe it might come in the future, baka mag-change yung mind ko.

“Pero as of now… siyempre kakasali ko lang ng something, sasali na naman ako.

“For now, masaya talaga akong maging model kaysa sa beauty queen,” sinabi pa ng 23-year-old na si Monika na may taas na 5’10.”

LONG-TERM BF. Taken na si Monika dahil boyfriend niya si Charlie Sutcliffe, ang half-British, half-Filipino na miyembro ng Juan Direction, isang grupo ng mga foreign guys na talents ng TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Super long-term! Four years na kami, I met him way, way before, like beginning pa lang ng modeling career ko.”

Naging magkarelasyon sila bago pa maging miyembro ng Juan Direction si Charlie. Nagkakilala raw sila sa mga fashion shows.

“Noong bagu-baguhan pa kami, yung parang for fun lang yung fashion show, hindi pa seryoso, ganun.’

Hindi naman daw mahirap na foreigner ang boyfriend niya.

“Half-Pinoy naman, e, yung salita niya is British, which is cool.

“‘Di ba bongga pag may English accent,” at tumawa si Monika.

Supportive naman daw si Charlie sa pagsali nya sa ANTM.

“But he knows how I put my heart too much into things so he told me, ‘Monika, please be careful.’

“Kasi masyado akong competitive, pag when I put my heart into it, parang ako, give na give talaga.

“And what are the chances na ako ang mananalo or hindi, ‘di ba?

“‘So sabi niya, ‘Monika, please huwag kang masyadong… you have to be careful.

"'Huwag masyadong give na give baka ma-break yung heart mo.’

“Iyon lang naman.”

WHAT IF? Kung halimbawa ngang hindi siya ang manalo, paano niya ito iha-handle?

“Of course I will cry at first but you have to move on.

“And kasi I’m very religious na if things don’t go as you planned, there’s always something greater planned for you.

“Kailangan may hope lang talaga.”

Kung hindi siya ang tatanghaling Asia’s Next Top Model, sasali na ba siya sa Binibining Pilipinas?

“Hindi ko talaga nakikita ang sarili ko, hindi ko talaga nakikita.”

Talent ng Mercator Artists & Model Management ni Jonas Gaffud si Monika, papasukin ba niya ang showbiz?

“It’s not my plan, pero sinasabi ko nga na if the opportunity comes, ‘Monika o gusto mo ba mag-try mag-host?’

“‘Sige, let’s try it! O bigyan mo ako ng workshop muna, ha?’"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So parang mas gusto niya ang career path ng kapwa niya Mercator talent na si Venus Raj na sa hosting nalilinya.

“Kung puwede, bongga yun, ‘di ba? Oo, I can try ‘tapos tingnan natin if it works.

“Baka naman I’m so bad at hosting, ‘di ba? Pero of course hindi ako magno-no.

“Go lang! If it’s an opportunity, siyempre tanggap, oo! I’m game naman.”

Hosted by Georgina Wilson, napapanood ang Asia’s Next Top Model tuwing Linggo, 9:30 to 10:30 ng gabi sa GMA (SNBO) at ang repeat telecast tuwing Sabado 9:15 p.m. to 10:15 p.m. pagkatapos ng Taste Buddies sa GMA News TV.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN