Liza Soberano on wardrobe malfunction: "I don’t think it’s really a big deal to bash me or my stylist that night.”

Liza Soberano talked about the wardrobe malfunction she experienced while performing with Enrique Gil during the results night of Your Face Sounds Familiar.


Nagsalita na si Liza Soberano tungkol sa pinag-uusapang wardrobe malfunction na nangyari sa kanya sa grand showdown ng Your Face Sounds Familiar.

Noong nakaraang Linggo, June 7, nagkaroon ng opening song and dance number sina Liza at Enrique sa nasabing reality show ng ABS-CBN.

Sa hindi inaasahang pangyayari ay nagkaroon ng wardrobe malfunction ni Liza habang kumakanta at sumasayaw.

Look: Liza Soberano has wardrobe malfunction; Enrique Gil kisses Liza at YFSF finals

Kuwento ng Kapamilya young actress, “Ang nangyari po kasi noon, yung top ko kasi ay may design na lace na white at may white tube din inside.

"Noong medyo sumasayaw po kami ni Enrique, medyo nalalaglag po siya.

"Kaya habang sumasayaw at kumakanta ay inaayos para hindi tuluyang malaglag.”

Habang nangyayari raw iyon ay walang kamalay-malay si Enrique.

Sabi ng young actor, “Hindi, e. Pero naka-smile siya sa ‘kin na parang binubulong sa akin na nalalaglag yung damit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko naman naririnig yung bulong niya, pero naka-smile siya sa akin.

“Pero kung nakita ko yun, siyempre tutulungan ko siya na ayusin yun.”

Dagdag pa ni Liza, “Tsine-check ko kung hindi siya halata, kaya inaangat ko siya para hindi malaglag.”

Sobrang kaba raw ni Liza noon kahit hindi niya pinapahalata.

Aniya, “Kinabahan po ako, pero after ng lahat ng nangyari, hindi ko iniisip na lalaking ganun kalaki yung issue as the people made it.

"Kasi para sa ‘kin, wardrobe malfunction lang naman yun at hindi naman nila ako nakitaan.

"It’s just that I was just pulling up my clothes.

"I don’t think it’s really a big deal to bash me or my stylist that night."

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Liza at Enrique nang dumalaw sila sa newly-opened restaurant ni Richard Yap sa Serendra, Bonifacio Global City, sa Taguig City noong June 11.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LIZQUEN MOVIE. Sa kabilang banda, nagsalita rin sina Liza at Enrique tungkol sa nalalapit nilang movie na Just The Way You Are.

Sabi ni Enrique, “Super excited! Super excited kami for the movie, first launching movie namin yun.

"I just want them [the viewers] to be fun and happy.”

Sabi naman ni Liza, “Oh, my God! I’m super excited.

“Dapat abangan ang opening sequence, at siyempre lahat dapat abangan.

"Kasi it’s very different sa Forevermore, and it’s a new Liza and Enrique that you will see."


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close