Christopher de Leon on two major family trials: “Just hang on to the Lord.”

Masayang ibinalita ni Christopher de Leon na uuwi na sa Pilipinas ang pangalawang anak na si Juan Carlos Miguel upang dito mag-celebrate ng kanyang kaarawan. Nagpapagaling na ngayon ang anak mula sa matagumpay na testicular cancer operation.


“I’m very, very, very happy that he is well.”

Ito ang masayang pahayag ng actor na si Christopher de Leon na cancer-free na ang anak nitong si Juan Carlos Miguel de Leon.

Repost from @juliesdeleon via @igrepost_app, it's free! Use the @igrepost_app to save, repost Instagram pics and videos, This guys is telling me he's "ugly". This guy who coded once and was declared critical more than twice, who had borderline stage 3 germ cell cancer on the right lung and the wall of his heart, who had about 35 sessions of chemotherapy, who survived an open heart and lung surgery, whose two upper ribs were taken out, whose whole right lung was taken out and is now living off with one lung, the smaller left lung to be exact... This 29 yrs old young man thinks that he has become ugly because of his weight loss and battle scars. I beg to disagree. Everything that he went through only made him more beautiful, inside and out. Do you agree? He is the strongest man I've ever known.

A photo posted by Sandy_Andolong de Leon (@sandy_andolong) onMar 10, 2015 at 4:52am PDT

Agosto ng taong 2014 nang ma-diagnose na merong testicular cancer ang pangalawang anak nina Christopher at asawa nitong si Sandy Andolong na si Juan Carlos Miguel.

Read: Christopher de Leon and Sandy Andolong's son diagnosed with testicular cancer

Sa live guesting ni Christopher sa Startalk ngayong Sabado ng hapon, June 13, naitanong ng host na si Butch Franciso kung paano nag-cope ang kanyang pamilya lalo't mismong asawa din nitong si Sandy ay may sakit din.

Sagot ng award-winning actor, “Si Sandy, we were ready for that kasi years back, talagang her kidney was deteriorating.

"We we’re just…parang inaayos lang namin sa medication. Talagang eventually kailangan ng transplant.

"Ito nga nangyari nangyari muna yung kay Miguel.

"That was very ano… saddened. And then we had to go to San Francisco, kasi si Miguel based in San Francisco, he lives in San Francisco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Very hard, it was almost like… there are days na you would shake na hindi mo alam kung ano, out of stress or nervousness. But you know, I just kneeled and thanked God.”

Hindi naman daw nagbago ang pagtiwala nila sa Diyos kahit pa magkasunod ang dagok ng kanilang pamilya.

Sabi pa ng aktor, personal niyang inalalayan ang anak na si Miguel sa operasyon nito sa Amerika.

At pagbalik naman daw niya sa Pilipinas, ospital pa din ang kanyang bagsak para naman sa operasyon ng asawa.

Pero maluwag sa dibdib nitong sabi, “You really had to hang on to the Lord.”

Sa ngayon, nagpapagaling na ang asawa sa kanilang bahay matapos ang matagumpay na kidney transplant nito last March.

Read: Christopher de Leon says wife Sandy Andolong "recovering very well" after kidney transplant

Pauwi naman daw na ang anak dahil magsi-celebrate ito ng kanyang kaarawan dito sa bansa.

CANCER-FREE. Sa pamamagitan ng Skype, nakapanayam ng Startalk si Miguel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento nito, February 14, 2015 nang sabihin ng mga doctor na cancer-free na raw siya.

Ngayon, nakaka-exercise na ito nang kaunti at nakakakain na nang tama.

Mensahe nito sa apat pang mga kapatid, “To my brothers and sisters, stay safe always. Take care of our parents. I’ll always love them.”

Para naman sa inang si Sandy, sabi ni Miguel, “Nanay, I know you’re strong.

"Get well soon. So you can come back here or you can go home so that we can have a proper time together as a family.”

Binati rin nito ang ama dahil sa nalalapit na selebrasyon ng Father’s Day.

Kasalukuyan namang nagti-taping na si Christopher sa bago nitong serye sa GMA, ang Beautiful Strangers.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close