Lea Salonga hits back at bashers over her Independence Day tweet

The Voice of the Philippines coach Lea Salonga received negative comments about her Independence Day tweet: "Our country is not yet debt-free, poverty-free, crime-free, or corruption-free. So what are we free from exactly and why do we celebrate it?"


Umani ng iba’t ibang reaksiyon ang tweet ni Lea Salonga noong June 12, matapos siyang maghayag ng kanyang saloobin tungkol sa pagdiriwang ng Independence Day sa Pilipinas.

Sa kanyang tweet (@MsLeaSalonga) ay hayagang sinabi ni Lea na ang ating bansa ay hindi pa lubusang malaya dahil hindi pa tayo malaya sa utang, sa krimen, at kurapsyon.

Maraming followers ni Lea ang sumagot sa tweet niyang ito at sinabing kung hindi dahil sa Independence Day na ito ay hindi niya malayang maihahayag ang kanyang saloobin.

Ayong naman sa Twitter follower na si @kentaryll:

Agad naman itong sinagot ni Lea:

Ang palitan ng tweets ni Lea at ng isang @ragingbulex ay umani ng 95 retweets at 245 favorites.

@MsLeaSalonga only stupid people will like this tweet. you're family is not perfect so what's your reason to be proud of them?”

Sagot ni Lea: “Your. Not you're. Before you wipe the dirt off my face, you may wanna look in a mirror at your own.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasundan pa ito ng sagot mula kay @ragingbulex: “@MsLeaSalonga that's the best you can do? to correct my grammar?

Marami man ang bumatikos sa kanyang tweet ay nanindigan ang international singer sa kanyang saloobin tungkol sa pagdiriwang ng Independence Day sa bansa.

Sa palagay ninyo, may punto ba si Lea sa usaping ito?


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close