Regine Velasquez admits missing late dad Mang Gerry during her concerts

Regine Velasquez on having another child: "Kung bibigyan pa kami ni Lord ng isa pa, I’d be so happy. Pero kung hindi, sobrang kuntento na kami, sobrang happy na kami [kay Nate]."


Aminado ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez na nami-miss niya ang kanyang yumaong ama na si Gerardo “Mang Gerry” Velasquez kapag nagsu-show at nagku-concert siya.

Katulad na lamang sa first leg ng kanyang Regine Series Mall Tour na nagsimula nitong Linggo, June 14, sa Robinsons Magnolia.

Natanong ng press si Regine tungkol kay Mang Gerry dahil malapit na nga ang Father’s Day, sa Hunyo 21.

“Nami-miss ko kasi.

“Alam mo naman iyon, basta may concert, nasa unahan iyon, natutulog!” biro ni Regine.

Pero seryoso niyang dagdag, “Ngayong Father’s Day… siyempre it’s our second Father’s Day na wala siya, so we’ll probably go to the puntod.

“Kasi last year, ganun ang ginawa namin, tapos nag-picnic kami doon. Ganun lang.

“We miss him siyempre. Ako, I miss him terribly.”

Ano ang pinaka nami-miss niya kay Mang Gerry?

Sabi ni Regine, “Siyempre siya, yung mahawakan siya, makausap siya.

“Tapos iyong makita siyang nanonood ng mga concert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But it’s okay, kasi I know that tired na rin siya, e. So, it’s okay.”

OGIE ALCASID. May isa pa naman daw tao na puwede niyang bigyan ng sorpresa sa Father’s Day—ang asawa niyang si Ogie Alcasid, na ama ng kanyang anak na si Nate.

Sabi ni Regine, “Siyempre meron naman akong Daddy O.

“So, siyempre mayroon din naman kaming special day for my husband.”

May idea na ba si Nate tungkol sa Father’s Day?

“Kahapon, pinabati ko si Ogie [sa video], sabi ko sa kanya [Nate], ‘Happy Father’s Day, Daddy!’

“Kasi kahit anong sasabihin ko, sasabihin naman niya, e.

“Ang cute niya! At alam na niya, sabi pa niya, ‘Tomorrow, it’s Nate’s Day.’

“It’s Nate’s day naman daw [pag Sunday].

“Kasi may Father’s Day, so dapat may Nate’s Day naman daw.”

NEXT BABY? Tila may baby boom sa showbiz ngayon dahil maraming female celebrities ang buntis, gaya nina Marian Rivera, Bianca Gonzalez, at ang pinakabago ngang nabalita ay si Judy Ann Santos, na kaibigan nina Regine at Ogie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba naiinggit si Regine kay Juday? May balak pa ba silang sundan si Nate?

Sabi ng 45-year-old Songbird, “I’m so happy for Juday, of course, kasi sila bata pa sila, they should really have more kids.

“Kami naman, in our case, we are so blessed to have Nate.

“Di ba, noong una, nung tinatanong n’yo ako kung magbe-baby, e matanda na ako nun, e, parang miracle na nga na nagkaroon ng Nate, e.

“So, kung bibigyan pa kami ni Lord ng isa pa, I’d be so happy.

“Pero kung hindi, sobrang kuntento na kami, sobrang happy na kami [kay Nate].

“At saka may dalawang girls na rin kami, so tatlo na sila.”

Ang tinutukoy ni Regine na dalawang girls ay sina Leila at Sarah Alcasid, na mga anak ni Ogie sa una nitong asawang si Michelle Van Eimeren.

Close si Regine sa pamilya ni Michelle.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close