Isabelle Daza’s beach trip hashtag #siquiwhores draws flak from her Instagram followers

Inalmahan ng netizens ang ginamit ni Isabelle Daza na hashtag #siquiwhore dahil nagbibigay umano ito negatibong konotasyon sa mga naninirahan sa probinsiya ng Siquijor. Ito ang kabuuan ng caption ni Isabelle sa kanyang Instagram post noong June 13: “We’re here to insta! Lol #siquiwhores #dumagetiton.”


Umani ng pambabatikos ang Kapamilya actress-TV host na si Isabelle Daza sanhi ng kanyang pag-uugnay ng isang hindi magandang salita sa lalawigan ng Siquijor.

Kaugnay ito ng Instagram post ni Isabelle noong June 13, kung saan makikita ang kanyang selfie sa isang beach sa Siquijor kasama ang kaibigan at fashion blogger na si Martine Cajucom.

Sabi ng 27-year-old actress-TV host sa kalakip na caption ng kanilang larawan: “We’re here to insta! Lol #siquiwhores #dumagetiton.”

Agad na nakatawag-pansin ang hashtag na #siquiwhores na pinagsamang salita ng “Siquijor” at “whore,” na ayon sa google.com ay isang “derogatory noun” na ang ibig sabihin ay “prostitute.”

Maging ang Kapamilya TV host na si Luis Manzano ay tila nagulat sa hashtag base sa kanyang “shocked emoticon” reply sa comments thread ng Instagram post ni Isabelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Habang si Bianca Gonzalez at celebrity photographer na si Mark Nicdao ay natawa lang sa hashtag ni Isabelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Iba-iba rin ang reaksiyon ng netizens na nakabasa ng caption ni Isabelle sa naturang larawan.

May ilang netizens, na diumano’y taga-Siquijor, ang umalma sa pag-ugnay sa probinsiya nila sa salitang “whore.”

Ito ay sa kadahilanang mayroon itong negatibong konotasyon na maaaring maugnay sa mga residente ng Siquijor.

Sabi pa ng isang netizen, showbiz personality man o ordinaryong mamamayan, bawat tao ay may responsibilidad na maging maingat sa paggamit ng mga salita sa social media.

"I think there's always a choice to choose words appropriately or inappropriately. People who chooses to live in such a public eye, unfortunately has pressure in that field. I personally think it doesn't matter if you a re a celebrity or ordinary person. #wordplay or not integrity is always a choice."

Narito ang ilan pa sa mga komento base sa thread ng Instagram post ni Isabelle:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, may ilan ding netizens na agad ipinagtanggol si Isabelle at sinabing walang masamang intensiyon ang Kapamilya actress sa paggamit niya ng hashtag #Siquiwhores.

Isa lamang umano itong “word play” at hindi dapat gawing malaking isyu ng ibang followers ni Isabelle sa Instagram.

Sabi pa ng isang netizen, na diumano’y residente rin ng Siquijor: “Hello to my fellow Siquijodnons - it's a play on words - no harm meant I believe. Stay classy, educated and beautiful."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Narito pa ang ilang comments ng netizens na nagtanggol kay Isabelle:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close