Vice Ganda shows off fourth Phenomenal Star award to his haters: "I’m very sure this will offend all of you."

Vice Ganda to his haters: "Sorry to bring you this very bad news. I’m very sure this will offend all of you. Allow me to present to you my 4th Box Office Award. Yes, THE PHENOMENAL STAR OF PHILIPPINE CINEMA is ME, VICE GANDA!!!"


Nagbigay ng mensahe si Vice Ganda sa kanyang haters, sa pamamagitan ng Instagram, ngayong hapon ng Lunes, June 15.

Ipinost ng Unkabogable Star ang kanyang recent award—ang "Phenomenal Star of Philippine Cinema" sa 46th Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, na ginanap sa Solaire Resort and Casino sa Pasay City, noong Linggo, June 14.

Ito ang ika-apat na taon na pinarangalan si Vice ng naturang award, na nakuha rin niya noong 2012, 2013, at 2014.

Simula ni Vice sa caption ng nasabing post, “To all my haters, I know this is such a sad day for all of you.

“Sorry to bring you this very bad news. I’m very sure this will offend all of you.

“Allow me to present to you my 4th Box Office Award. Yes, THE PHENOMENAL STAR OF PHILIPPINE CINEMA is ME, VICE GANDA!!!

“I share this achievement to all my supporters. And to all my haters, SORRY NOT SORRY! Heheheh! Peace!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kalakip pa ng nasabing caption ang hashtag na “#PambwisitSaMgaBwisitLOL.”

Bago ang Instagram post niyang ito, ipinagtanggol ni Vice ang sarili laban sa mga bashers na pumuna sa kanyang kakaibang outfit noong awards night.

Caption ni Vice sa larawan: “Ito ang aura ko kagabi sa Awards Night.

“Sa mga fashionista ang tawag nila sa ganyang look ay avant garde o couture.

“Sa mga pangkaraniwang tao naman ang tawag nila sa ganyang style ay #ShabuPaMore!!! Kanya kanyang trip lang yan! Heheh!#Freedom #DiNyoKaya.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close