Iñigo Pascual and Sofia Andres want to work together again

Iñigo Pascual and Sofia Andres won Most Promising Loveteam at the 46th Box Office Entertainment Awards, but the young actor is now being paired with Julia Barretto. So, Sofia has this wish: "Sana, in the future, we can be together again onscreen."


Sina Iñigo Pascual at Sofia Andres ang pinarangalang Most Promising Loveteam sa 46th Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation.

Ginanap ang coronation at awarding ceremony noong Linggo ng gabi, June 14, sa The Theatre ng Solaire Resort & Casino.

Pahayag ni Iñigo tungkol sa natanggap nilang karangalan, “Siyempre happy!

“This is my first award sa pagiging artista, so sobrang masaya.

“It’s cool! It’s a blessing, so we’re thankful.”

Sabi naman ni Sofia, “Ganun din, masaya siyempre once na makatanggap ka ng ganito.

“Wow, Most Promising Loveteam!

“E, sana, in the future, we can be together again onscreen.”

May pannghihinayang ba silang nararamdaman dahil sa kabila ng binigyan sila ng recognition bilang Most Promising Loveteam, pero ngayon ay ipinapareha si Iñigo kay Julia Barretto?

Sabi ni Iñigo, “I was thinking about that.

“Sabi ko lang po, what’s good about us is parang…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit hindi po kami magka-loveteam ngayon is that we remain good friends, and we received this award together. Yun po.

“Wala naman pong bad thing about it.

“I mean, it would be cool if we work together in the future.

“You know, wala naman pong mali dun. So, yun po.”

Hindi rin itinanggi ni Sofia na may panghihinayang siyang nararamdaman na hindi sila ni Iñigo ang pinagtatambal ngayon.

“Siyempre po, may konting panghihinayang.

“Siyempre po kasi parang nawala din, but we’re still hoping.”

GOOD FRIENDS. Kumusta ang samahan nila ngayon?

Sagot ni Sofia, “We’re friends!

“Hindi naman po mawawala ‘yon kasi sayang din, e.”

Dugtong na sabi naman ni Iñigo, “Good friends po kami.

“Kasi po, we have to somewhat… kasi hindi na kami nakakapag-usap every time. But we’re still friends.

“That’s the good part of our friendship, we remained close, na parang good vibes.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PAPA PIOLO. Kung si Iñigo ay tumanggap ng Most Promising Loveteam award, katuwang si Sofia, ang kanya namang ama na si Piolo Pascual ang itinanghal na Box Office King sa 46th Box Officed Entertainment Awards.

Sabi ni Iñigo tungkol dito, “It’s cool nga. We were talking about the awards tonight.

"Kasi he is receiving the Box Office King award and I’m receiving my first award.

"So, sabi ko, it’s really cool.

“Kasi it’s one of his dreams na ma-receive that award.

"Parang it’s cool na I’m receiving my first and he is receiving his dream award."

Congratulations to us! Congrats Pa. The Box Office King. #46thBoxOfficeEntertainmentAwards

A photo posted by Inigo Dominic Pascual (@iminigopascual) onJun 14, 2015 at 10:12am PDT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close