Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Derek Ramsay on having a non-showbiz girlfriend: "Less pressure. I think I can breathe a bit more."

by Ruben Marasigan
Jun 16, 2015
Derek Ramsay on being away from son Austin on Father's Day: "He is in school kasi… dati na siya sa Dubai. He is studying so, unfortunately, I can’t be there. But, marami pa namang panahon."

Hindi makakapiling ni Derek Ramsay ang kanyang anak na si Austin sa pagdiriwang ng Father’s Day sa darating na Linggo, June 21.

Pero makakasama naman ng actor-TV host ang kanyang British dad na si Derek Arthur Ramsay Sr.

Sabi ni Derek, “We always have something to opt for on Father’s Day, whether it’s five minutes together or we spend the entire day together.

“Basta we make sure na bago matapos yung araw, magkita kami.”

Wish daw ni Derek na balang-araw ay maging ganun din ang samahan nila ng kanyang anak, katulad sa kanila ng kanyang ama.

“Most definitely.

“But he is in school kasi… dati na siya sa Dubai.

“He is studying so, unfortunately, I can’t be there.

“But, marami pa namang panahon.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Derek sa 46th Box Office Entertainment Awards noong Linggo, June 14, sa The Theatre ng Solaire Resort & Casino.

Continue reading below ↓

DEREK’S GIRLFRIEND. Kumusta naman sila ng non-showbiz girlfriend niyang si Joanne Villablanca?

“Ayos naman!” tawa ni Derek.

Ano ba ang kaibahan na non-showbiz ang girlfriend niya ngayon?

“Less pressure… less pressure.

“There’s not much difference. Kasi, when you go into a relationship, dapat totoo ka.

“So, ganun lang naman din, e. Pero less pressure.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“I think I can breathe a bit more. And it’s easier to be a little bit more private with your life.

“So, you know, taking things slow. One step at a time na…

“Yun na lang ang kulang sa buhay ko, e, di ba?

“E, ito nga ang sinasabing lucky year ko.

“In 2015, sana yung suwerteng ibigay, tamang babae.”

Sunud-sunod ang nagpapakasal na showbiz couples ngayon. Pinakahuli nga ay sina Toni Gonzaga at Paul Soriano.

Pero si Derek na rin ang nagsabing: “Huwag naman tayong dumiretso sa kasalan!

“Huwag tayong dumiretso muna sa kasalan.

“Pero, you know, one day, iyon ang gusto kong mangyari—gusto ko nang magkapamilya.”

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Derek Ramsay, derek ramsay son
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsay on being away from son Austin on Father's Day: "He is in school kasi… dati na siya sa Dubai. He is studying so, unfortunately, I can’t be there. But, marami pa namang panahon."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results