Vice Ganda reveals attempted suicide in the past: "I am just so blessed na hinarang ng Diyos yung pangit kong trip nung panahon na yun."

Vice Ganda shares learned lesson from his attempt to take his own life at 19: “Sa lahat ng mga batang may pinagdadaanan, kung ano man ang pinagdaanan ko noon, kung ano man ang pangit na binabalak niyo, ‘wag niyo ituloy. Sayang dahil may maganda palang plano ang Diyos, mas maganda sa mga pinaplano natin.”


Dahil sa sunud-sunod na tagumpay na tinatamsa ngayon ni Vice Ganda, hindi niya maiwasang alalahin ang kanyang mapait na karanasan noong siya ay teenager pa lamang.

Sa June 15 episode ng ABS-CBN noontime show na It’s Showtime, ibinahagi ng Phenomenal Box Office Star na minsan siyang nagtangkang magpakamatay dahil sa sobrang depresyon.

Lahad ni Vice, “Kagabi kasi nakahiga ako, sabi ko, ‘Ang taray, 'no, apat na taon, sunud-sunod, ako yung binibigyan ng Phenomenal Box Office Awards.

“I am just so blessed.

“Tapos bigla akong flumashback...

"Kasi dun sa ilang nakakaalam ng istorya ng buhay ko, yung mga nakanood ng MMK [Maalaala Mo Kaya] ko dati, way back, na-realize ko lang kasi, nung edad ko pong 19 years old, nag-attempt akong mag-suicide sa sobrang depression.”

Ang tinutukoy ni Vice ay ang February 2009 episode ng MMK kung saan ipinakita ang eksenang naospital siya matapos magtangkang magpakamatay.

Sanhi ito ng matinding kumprontasyon sa pagitan ni Vice at ng kanyang boyfriend, na ipinagpalit siya sa isang babaeng ka-schoolmate nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagsisiwalat pa ni Vice, “Nag-attempt ako mag-suicide.

“Uminom ako ng iba-ibang gamot.

“Nagising na lang ako nasa ospital na ako, kasi yun naman ang intensiyon ko, magpakamatay dati.”

Fast forward to present time, laking pasasalamat daw ni Vice na hindi umepekto ang ginawa niyang tangkang pagpapakamatay.

Lalo pa’t sobra-sobra pa sa inakala niya ang mga biyayang natatanggap niya ngayon sa larangan ng show business.

“Sabi ko, kung natuloy talaga pala yun, di hindi ko na-achieve ‘to, kung anong posisyon meron ako dito, ‘di ba?

“Kaya sabi ko, I am just so blessed na hinarang ng Diyos yung pangit kong trip nung panahon na yun.

“Dahil kung hindi, hindi ko na-experience lahat ng napakagagandang bagay sa mundo na nararanasan ko ngayon.”

NEVER GIVE UP. Nanawagan din si Vice sa lahat ng kabataang huwag sumuko at patuloy na magsikap sa kabila ng kung anuman ang hirap na pinagdadanan nila sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng 39-year-old comedian-TV host, “May this inspire lahat, lalo na ang mga kabataan, kasi Southeast Asia ang may pinakamataas na rate ng suicide sa mga bata because of depression.

“Sa lahat ng mga batang may pinagdadaanan, kung ano man ang pinagdaanan ko noon, kung ano man ang pangit na binabalak niyo, ‘wag niyo ituloy.

“Sayang dahil may maganda palang plano ang Diyos, mas maganda sa mga pinaplano natin.”

PROUD TO BE ME. Samantala, nabanggit din ni Vice na may magandang idinulot ang kanyang paglabas sa It’s Showtime na walang anumang kolorete sa mukha at katawan.

Paliwanag ni Vice kung bakit wig at hindi hair extension ang suot niya noong araw na iyon, “Yung hairline ko, tumutubo yung buhok.

“Nung nagpakita ako ng anit sa madlang pipol, parang nawalan ako ng stress, nawala yung takot ko, ngayon tumubo siya.

“Kaya hindi ako puwede magdikit ngayon, kailangan saklob lang.

"Pero hindi anit ang isyu dito!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maliit man na bagay, naniniwala si Vice na ang simpleng pagtanggap sa sarili nang hindi natatakot sa panghuhusga ng ibang tao ay nagdudulot ng tunay na kasiyahan sa buhay.

LOOK: Vice Ganda reveals no makeup look on It's Showtime


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close