Rich Asuncion on relationship with Philippine Volcanoes’ Benjamin Mudie: "It’s worth the wait!"

Rich Asuncion on her new relationship: “Ako naman kasi, gusto ko lang ng normal na relasyon, mai-date ako, maging proud sa akin, hindi mahihiya na ilabas ako. Never akong nakapag-date sa mall, never akong nakanood ng sine na okey talaga. So, first time ko lang siyang nararanasan ngayon, like kumain sa labas. Ito ang first time kong nararanasan ‘to.”


Hindi maitago ng Kapuso actress na si Rich Asuncion ang kanyang kilig at kasiyahan kapag napag-uusapan ang tungkol sa kanila ni Benjamin Mudie.

Si Benjamin, isang Filipino-Australian, ay miyembro ng Philippine Volcanoes o ng Philippine rugby team.

Ayon kay Rich, ang kaibigan at co-star niya sa Yagit na si Yasmien Kurdi ang nagpakilala sa kanilang dalawa ni Benjamin.

“Kapitbahay niya, tapos noong ipinakilala, ayun, nahulog agad…”

Pero bawi niya, “Joke lang!

“Mabait kasi siya, gentleman, tapos, wala… basta, from day one, okey talaga.”


WORTH THE WAIT. Naghahanap ba talaga siya ng puwedeng maging boyfriend kaya siya ipinakilala ni Yasmien kay Benjamin?

“Actually, ang dinig ko, siya talaga ang naghahanap ng maganda!” natawang sabi ng StarStruck alumna.

“Hindi, ako naman kasi, matagal na rin akong single… two years.

“May dinate ako, pero hindi ako nagkaroon ng relationship for two years.

“So, yun, ipinakilala lang. Una kaming nagkakilala sa premiere ng Avengers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“After nun, nasundan ng dates, ganun.

“Pero yun nga, from fay one, okey kami. Parang tama lahat ng nangyayari.

“Kasi… basta, ang saya ko. Yun lang.

“At lahat ng hiniling ko, lahat ng pinag-pray ko…

“Ako naman kasi, gusto ko lang ng normal na relasyon, mai-date ako, maging proud sa akin, hindi mahihiya na ilabas ako.

“Never akong nakapag-date sa mall, never akong nakanood ng sine na okey talaga.

“So, first time ko lang siyang nararanasan ngayon, like kumain sa labas.


“Ito ang first time kong nararanasan ‘to.”

Ilan sa mga naging karelasyon ni Rich ay sina Aljur Abrenica at Ervic Vijandre.

Naiintindihan naman daw ni Rich kung bakit hindi niya nagagawa ang mga bagay na nabanggit niya noong karelasyon niya ang dalawang aktor.

Sabi pa niya, “Perfect ang situation ngayon.

“At saka, yun ang hiniling ko—non-showbiz.

“Yun ang number one requirement ko talaga, non-showbiz.

“Masaya ako ngayon kasi nararanasan ko. It’s worth the wait.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NEW RELATIONSHIP. Bago pa lang daw kung anuman ang meron sila ngayon ni Benjamin.

Pero kahit halatang sila na, hindi pa ito masabi nang hayagan at diretso ni Rich.

Paliwanag niya, “Honest naman ako, pero ang mga foreigner, hindi nila pinag-uusapan na ganun, ‘O, tayo na. Monthsary…’ walang ganun.

“Ang inaano ko lang, parang yung pinapa-feel niya sa akin, yun ang nararamdaman ko.

“At sinabi rin naman niya sa akin na ako lang ang idine-date niya. Kung paano niya ko tini-treat.”

Kuwento pa ni Rich, “Kunwari, isang beses nanonood kami ng sine, may kausap siya sa phone, ang sabi niya, ‘I’m actually with a friend, a girlfriend.’

“So, walang definite, walang sabihan, pero para sa akin talaga, happy naman ako.”

Kasalukuyang nasa Australia si Benjamin. At hindi itinanggi ni Rich na nami-miss niya ito.

Saad niya, “Ang gusto ko talaga, half-Pinoy pa rin.

“Kasi gusto ko na may Filipino values pa rin at gusto ko yung umi-English.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dati ‘to, ha, bago ko siya makilala.

“Tapos matalino siya, nagma-Master siya.

“Ang pinaka-goal niyang talaga, maging school teacher.

“Nagpi-placement na siya at nag-o-OJT sa British school. Kaya tinatapos niya lang ngayon ang OJT niya sa Australia.

“Dapat kasi, half ng ano niya, sa Australia, para eligible pa rin siya doon.”


MEETING HER FAMILY. Naipakilala na raw ni Rich sa pamilya niya sa Bohol ang rugby player, at naipasyal na rin niya si Benjamin sa kanilang probinsiya.

Sabi pa ni Rich, “Ang bilis talaga ng mga nangyayari, pero ako, open naman ako sa kanya.

“Everything happened so fast and parang, ‘Teka lang, ang bilis lahat!’

“Sabay pa namin sinabing it’s not the quantity, it’s the quality.

"Kasi nga, every time na magkasama kami, parang okey talaga.

“Hindi ko ma-explain, pero nararamdaman kong okey talaga.”

Masaya siya talaga ngayon?

“Oo, ang saya ko talaga ngayon!” bulalas ni Rich.

Kahit bago pa lang ang relasyon nila, umaasa si Rich na sana ay si Benjamin na ang makatuluyan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kapag may boyfriend ka, iisipin mo naman talaga yun,” sabi niya.

Sa August pa raw ang balik ni Benjamin sa Pilipinas dahil may laban na ang Philippine Volcanoes.

Pero magbi-birthday daw ang rugby player ngayong July at inimbita siya nitong pumunta ng Australia.

Yun nga lang, may taping pa raw si Rich ng Yagit.

“Hindi ko alam kasi, yung Yagit extended.

“Pero kung papayagan ako ni Madam, pupunta ako.

“Tapos, nakilala ko na rin naman ang family niya rito.

“Pumunta yung mom niya at saka kapatid niya, lola niya, mga pinsan niya. Ang babait din nila.

“Halos walang problema. Parang everything fell into the right places... may ganun!” natatawang sabi niya.

Nakilala na rin daw ni Benjamin ang tatay ni Rich bago pa man sila magpunta ng Bohol.

Kuwento pa ni Rich, “Tanggap niya ang family ko.

“Yun naman ang requirement ko talaga, kung mamahalin ako, mamahalin din ang family ko at sobrang simple lang din.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya raw si Rich na okey ang personal na buhay niya at okey rin ang career niya.

Sabi nga niya, “Masaya ako sa Yagit kasi first time ko yatang nagkaroon ng show na extended. Sobrang saya ko lang din.

“Actually, yung mga shows ko dati, naka-cut short pa, pero ‘eto, sobrang extended.

“Although, hindi naman palagi rin na nandoon ako sa taping, pero masaya ako na parang parte ka ng show na talagang nag-hit.

“Halos magwa-one year na kami.

“Nag-prepare kami dati, July, so halos magwa-one year na rin kami.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close