Danica Sotto-Pingris hopes Vic-Pauleen relationship will last "till death do us part"

Danica Sotto-Pingris on possibility of her dad Vic Sotto marrying Pauleen Luna: "Serious naman sila, happy naman sila sa relationship nila. Ayoko kasing pangunahan ang mga plano nila. Parang feeling ko, yung mga ganun kasing bagay, dapat kapag handa na sila, sila na lang yung magsabi."


Muling iginiit ni Danica Sotto-Pingris na walang problema sa kanya kung sakaling magdesisyon ang ama niyang si Vic Sotto, 61, na pakasalan ang girlfriend nito ngayong si Pauleen Luna, 26.

Saad ni Danica, “Ako naman, dati pa nga nilang tinatanong yun, mga two years ago pa.

“Basta ako naman, sabi ko, kung ano yung gusto nilang gawin, kahit na maraming tumataas ang kilay dahil sa edad, basta gawin lang nila ang tama sa mata ng Diyos na wala silang tinatapakang tao, e, di go, ‘di ba?

“Minsan, mahirap lang lunukin dahil yung mga tao, ‘yung edad, yung edad…’

“Pero, at the end of the day, sila yung magiging magkasama. Hindi naman sila yung makakasama mo.

“Ang hirap lang manghusga.

“Paulit-ulit lang ang sinasabi ko na all I can do is to be there for them.

“Establish ko ang relationship ko, na iparamdam ko na nandito ako kapag may kailangan kayo.

“Parang tulong, advice o dasal.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakakapag-usap din naman daw sila ni Pauleen, at minsan ay nakakasama niya itong manood ng laro ng mister ni Danica na si Marc Pingris sa PBA.

Dagdag pa ni Danica, “Malapit din siya sa mga anak ko, sa mga bata. Mahilig kasi siya sa mga bata.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Danica sa taping ng TV5 show na Happy Wife, Happy Life, noong June 12, Biyernes.

VIC IS HAPPY WITH PAULEEN. Kung mauwi nga sa kasalan ang relasyon ng kanyang daddy at ni Pauleen, tanggap na niya?

Sagot ni Danica, “Okey naman kami.

“Ayoko lang i-deny na hindi kami agad naging okey.

“Hindi dahil may personal akong problema sa kanya, pero siyempre, dahil sa edad.

“Alam din naman ni Daddy yun at open ako kay Daddy about it.

“Yung parang, ‘Totoo ba ‘to? Seryoso ba ‘to?’

“Yun lang naman, e.”

Aminado naman si Danica na nakikita niyang masaya ang kanyang ama sa piling ni Pauleen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakikita ko namang kuntento si Dad.

“Nakikita ko rin naman kay Pauleen na masaya siya at inaalagaan niya si Dad at napapasaya siya ni Dad.

“Ang prayer ko lang naman, actually… no doubt about the present, e.

“Ang pinagpi-pray ko, yung future. Sana ma-sustain yung ganoong klaseng love.

“Kasi ako, hindi na ako nagda-doubt sa pagmamahal nila sa isa’t isa ngayon.

“Ang prayer ko is, sana hanggang till death do us part na ito.”

Magiging masaya ba siya kapag sa kasalan na nga mauwi ang relasyon ng ama kay Pauleen?

“Oo, kesa naman mag-live-in or mag-anak-anak siya,” sagot niya.

Natawa naman si Danica nang tanungin kung ang ano magiging reaksiyon niya sakaling magkaanak sina Vic at Pauleen.

“I will cross the bridge when I get there, ganun talaga! Medyo masyadong ano pang i-absorb.”

Posible talagang magkaroon ng anak ang dalawa dahil napakabata pa ni Pauleen.

Pagsang-ayon naman ni Danica, “Oo, at saka hindi mo naman puwedeng i-deny yun, kung mag-asawa sila at yun ang gusto nila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

OPEN-MINDED. May impresiyon na sa kanilang magkakapatid, tila si Danica ang pinaka-open-minded pagdating sa relasyon ng ama at ni Pauleen. Totoo ba ito?

Tugon niya, “Well, kasi, parang ito yun, e, wala naman kasi ako sa poder ni Daddy na parang, as if, sa pakikipagrelasyon ni Daddy kay Pauleen, pinapabayaan niya ako, nagiging suwail siya na ama dahil kay Pauleen.

“Hindi e.

“Parang feeling ko, nagawa na niya yung… he took care of us.

“I mean, hindi naman natatapos ang pagiging tatay, but I don’t live with him naman anymore.

“So siguro, yung mga bagay na hindi ko na rin siya maaalagaan 24/7, as opposed to a wife who can really be there for him.

“So, ‘di ba, minsan, kapag iisipin mo, hindi mo rin puwedeng i-deny sa kanya ang makakasama, a companion, yung ganun.

“Of course, I always pray, kasi hindi mo naman talaga masasabi kung ano ang mangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You always pray for the best kung ano ang mangyayari para sa kanila.

“Sana they will land on the right decision for them.

“Sana, godly decision talaga ang mangyari.”

Nagpaalam o nagsabi na ba sio Vic sa kanilang magkakapatid na magpapakasal na ito?

Ayon kay Danica, “Basta ang alam ko, nakikita ko lang talaga na they’re very… serious naman sila, happy naman sila sa relationship nila.

“Ayoko kasing pangunahan ang mga plano nila.

“Parang feeling ko, yung mga ganun kasing bagay, dapat kapag handa na sila, sila na lang yung magsabi.

“Kasi, ang dami pang puwedeng mangyari.

“Baka mamaya, ready na nga sila o baka mamaya, may hinihantay, yung ganun.

“Feeling ko talaga, kay Daddy talaga dapat manggaling at sa kanya.

“Baka naman sabihin, anak lang ako.

“Pero siyempre, gusto ko nga maging masaya sila.

“Siyempre, sana maging good example din sila sa mga tao, sa mga apo.”

PRAYS FOR THEM. Sabi pa ni Danica, hindi man ideal ang set-up ng daddy niya at ni Pauleen, walang dahilan para hindi niya ipagdasal ang mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, napakalaki nga ng age gap, pero kapag iisipin mo naman, ano nga ang gagawin mo, you’ll shut the door?

“Hindi mo sila ipagpi-pray? Hahayaan mo na lang sila?

“Siyempre, you cannot do that, ‘di ba?

“Kailangan, maayos ka pa rin humarap sa kanila dahil hindi ka naman nila binabastos.

“Kahit naman napakalayo ng edad ni Pauleen kay Daddy, hindi ko naman naranasang binastos ako ni Pauleen.

“So, parang wala naman sigurong tao na nasa tamang pag-iisip na gagawa ng ganun.

“Gusto mo ngang i-extend sa kanya ang love ni God. Paano mo ipapakita yun kung tataray-tarayan mo siya, ‘di ba?

“Basta ako, ganun na lang.”

Hindi rin itinanggi ni Danica na may mga taong nanggagatong pa at nagsasabing maghihiwalay rin ang dalawa dahil bata nga si Pauleen.

“Ang daming nag-i-inject na, ‘Naku, pagtanda niyan, iiwanan din!’

“Sabi ko, ‘Naku, ang dami nang stress ng buhay! Manahimik na lang tayo, ipagdasal na lang natin sila.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung may mangyari man na hindi maganda, hindi naman sa problema lang nila yun, pero kapag may nangyaring hindi maganda, baka kailangan nilang pagdaanan at saka dapat nandiyan ka pa rin.

“Yun naman ang tunay na pamilya, e. Through thick and thin, nandiyan tayo for Dad.”

Dugtong pa niya, “Siguro, Dad will not get my support kung ang karelasyon niya is somebody na may asawa or nakiapid siya, yun siguro, or siguro naman, yung sobrang minor.

“Baka ta-tumbling na talaga ako kapag 15 years old! Yun talaga, kalokohan na yun.

“Pero as long as wala naman silang tinatapakang tao, instead na kung anu-anong haka-haka, let’s just pray for them na lang.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close