Louise delos Reyes admits to dating a musician

by Rose Garcia
Jun 16, 2015
Louise delos Reyes on the guy that she is dating now: "Medyo cheesy kung sasabihin ko na sobrang… ayokong magkaroon ng ideal man. Minsan, too good to be true. Pero swak sa kanya yun."

“Iba ang kulay ng buhok ko, nagpa-bangs ako!”

Ito ang natatawang sagot ng Kapuso actress na si Louise delos Reyes nang pansinin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na tila blooming siya ngayon, nang makausap namin siya sa GMA Kapuso Family Day, sa Enchanted Kingdom, noong Sabado, June 13.

May nagpapa-blooming ba sa kanya ngayon?

“Let’s just say that I’m happy,” nakangiti niyang sagot

Pero sabi rin ni Louise, “Ano lang, I want to keep it private muna.

“Kasi, for the past two relationships that I had, medyo open book.”

Inamin naman ni Louise na related din sa showbiz ang bagong nagpapasaya sa kanya ngayon, na kalaunan ay nalaman naming miyembro ng isang kilalang local band.

“Ano lang… ayoko lang i-reveal kasi we’re just starting pa.

“And medyo private person siya kahit exposed din siya.”

May commitment na sila ng taong ito o opisyal na ang relasyon nila?

Sagot ni Louise, “Hindi pa ganun ka-official kasi parang he came from a relationship, a two-year relationship.

Continue reading below ↓

“Tapos ako naman, parang this year kasi, gusto ko sana talaga to focus on myself.

“Kaso, hindi mo naman alam kung sino ang darating sa buhay mo.

“So ngayon, mas pinapalalim namin ang friendship, yung foundation namin.”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Paano sila nagkakilala ng lalaking tinutukoy niya?

“Dati ko na siyang kilala! Basta, high school crush ko siya, e.”

Masasabi niyang exclusively dating na sila?

“Basta, we just hang out.

“At saka, ang hirap kasi may nakapagsabi sa aking friend na to enter a relationship sa isang musikero, parang ang hirap labelan.

“Ang hirap, pahirapan sa kanila.

“Parang ako, hindi rin naman ako nagmamadali.

“Kung hindi mag-work, hindi mag-work.

“Gusto ko lang talagang magkakilanlan kami.

“So far, magkasundo kami.”

Nabanggit noon ni Louise na kung magkakaroon siya ng karelasyon, gusto niyang ito na talaga ang nilalaan ng Diyos para sa kanya.

Ang musikerong ito na ba ang ipinagdarasal niya?

“Actually, medyo cheesy kung sasabihin ko na sobrang… ayokong magkaroon ng ideal man.

Continue reading below ↓

“Minsan, too good to be true.

“Pero swak sa kanya yun.”

Pero dagdag niya, “Ayokong pangunahan muna! Baka masaktan lang ako.”

Read Next
Read More Stories About
louise delos reyes
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Louise delos Reyes on the guy that she is dating now: "Medyo cheesy kung sasabihin ko na sobrang… ayokong magkaroon ng ideal man. Minsan, too good to be true. Pero swak sa kanya yun."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results