Shamcey Supsup pregnant, expecting first child with husband Lloyd Lee

Kinumpirma ni 2011 Miss Universe 3rd runner-up Shamcey Supsup na seven weeks pregnant na siya sa una nilang anak ng kanyang mister na si Lloyd Lee.


Buntis na ang beauty queen na si Shamcey Supsup sa unang anak nila ng kanyang mister na si Lloyd Lee

“I think seven weeks,” pagkumpirma ng 2011 Miss Universe 3rd runner-up nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa opening ng Pedro ‘n Coi, ang restaurant na pag-aari nila ni Lloyd sa Fisher Mall, sa Quezon Avenue, Quezon City, ngayong Martes, June 16.

Kailan nila nalaman na nagdadalantao na siya?

Ayon kay Shamcey, “Last... last week lang.

“Well, I had a feeling, kasi nga parang lagi akong walang ganang kumain, ganyan.

“And then, siyempre ako, alam mo naman sa Internet, ise-search mo na agad, like yung symptoms, ganun-ganun.

“Tapos sabi ko, parang maraming symptoms na napi-feel ko.

“So, I told him, ‘Siguro better to take a pregnancy test.’

“So we took it and, yun nga, it turned positive.”

Patuloy niya, “Pero isa lang yung binili namin [na pregnancy test kit], hindi kami bumili nung… di ba, yung iba, madami?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Once lang, and then siyempre ayaw pa maniwala nung iba, nung parents namin.

“Sabi, parang hindi naman lahat daw reliable, yung mga ganun.

“So, we had it checked na talaga last week lang, sa doctor.”

Nang nakumpirma nilang buntis nga si Shamcey ay labis daw ang kasiyahang naramdaman ni Lloyd.

“Sobrang happy!” bulalas ng mister ni Shamcey.

“Actually, ini-expect namin yun, e.

“Na we were planning na before thirty, kasi natatakot ako na after thirty pa si Sham manganganak.

“Sabi kasi niya, yung mom niya medyo nahirapan nang thirty-two nanganak, so isa lang siya.

“So, kami, parang ang target namin, dapat before thirty.

“So, nakuha naman namin yung wish namin.

“We prayed for it.”

.

Twenty-nine years old ngayon si Shamcey.

Ilan ba ang hangad nilang maging anak?

Sabi ni Shamcey, “Ako, right now… it depends.”

Si Lloyd naman, kung ilan ang gusto ng misis niya ay ayos din sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero kung siya ang masusunod?

“Okay na yung [isang] boy and girl,” sabi ni Lloyd.

Bakit isa lang ang gusto ni Shamcey na maging anak?

Sagot ng beauty queen, “Well, right now, medyo nahihirapan ako. Nahihirapan ako sa pregnancy.”


SHAMCEY’S CRAVINGS. Hindi raw nararanasan ni Shamcey ang paglilihi, pero ang morning sickness daw ay hindi lang sa umaga niya nararanasan kundi buong araw.

“So, hindi ko alam kung kaya ko pang dumaan ulit ng ganito.

“Depende, we’ll see. We’ll never know, e, so…”

Sa pagkain naman daw ay wala siyang specific na cravings o napaglilihian.

“Like, gusto ko lang fruits, ganyan, or gusto ko ng chicken, gusto ko adobo, or gusto ko beef steak.

“Basta ang kine-crave ko, actually, yung mga luto sa probinsiya.

“Nami-miss ko yung luto ng papa ko. Mga ganyan, so parang gusto kong umuwi.”

Taga-General Santos City si Shamcey.

“Gusto kong umuwi kasi yung papa ko magaling magluto ng tinola, tapos yun ang… yung magpiprito ng tilapia, mga ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nami-miss ko yung ganung pagkain. Yung maglalaga ng saging.”

SHAMCEY’S FEAR. Hindi raw nangangamba si Shamcey na baka masira ang figure niya oras na lumaki ang kanyang tiyan.

“Hindi, ang fear ko is the panganganak itself!” natawang sabi niya.

“Kasi medyo mababa yung tolerance ko for pain.

"Tsaka once pa lang ako na-hospitalized, so I don’t like going to the hospital.

“So, takot ako sa injection, mga ganyan.

“So, pag nakakarinig ako ng injection, natatakot ako.

“So, sana normal, kasi takot akong mahiwa.”

Hindi raw niya inaalala na baka tumaba siya at hindi na niya maibalik ang kanyang kaseksihan.

“Wala naman. Hindi ko alam… kasi love naman niya ako kahit na mataba daw ako!” tawa ulit ni Shamcey.

Hindi naman daw problema kay Lloyd kahit tumaba ang misis niya.

Sabi pa ni Lloyd, “Isa lang ang wish ko for her, maging normal yung pregnancy niya, tapos yung baby maging healthy, iyon lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Whether boy or girl, I’m happy.

“Wala akong preference, boy or girl.”

Babae naman ang gustong maging unang anak ni Shamcey.

“Para, ‘di ba, cute damitan, ganyan.

“Tsaka pag lalaki kasi, mas makulit, e!

“Kaya feeling ko, mas behaved pag girl.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close