Angelica Panganiban denies split with John Lloyd Cruz

“Parang tanga lang…” ang tanging nasabi ng Kapamilya actress na si Angelica Panganiban sa mga nagsasabing hiwalay na sila ng boyfriend na si John Lloyd Cruz.


Mariing itinanggi ni Angelica Panganiban na on the rocks ang relasyon nila ng nobyong si John Lloyd Cruz.

Sa panayam sa Kapamilya actress, na lumabas sa Philstar.com ngayong araw, June 17, sinabi nitong: “Hindi, parang tanga lang ang gumagawa ng ganun.”

Dagdag pa ni Angelica, hindi nila napag-usapan ni John Lloyd ang mga ganung klaseng intriga.

Hindi rin nagpaunlak ng mahabang panayam si Angelica sa media na dumalo sa Gawad Urian kagabi, June 16.

Tatakbo pa raw kasi siya sa airport dahil susunduin niya si John Lloyd, na galing sa show nito sa Spain.

Unang lumabas ang balita tungkol sa pagkakalabuan diumano nina Angelica at John Lloyd sa kolum ni Ricky Lo sa Philippine Star noong June 9.

Ayon daw sa kanyang 'VDPA (Very Deep Penetration Agent)', na malapit sa dalawang Kapamilya stars, “John Lloyd and Angelica haven’t been talking to each other for three weeks now.

“The same thing happened last year but they were able to patch things up before they got worse.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"This time, feel ko tuluyan na silang maghihiwalay."

Pero ayon naman sa source na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), naayos na ng magkasintahan ang naging gusot nila at “still together” pa rin ang mga ito.

Sabi pa ng PEP source, “They’re still together daw, ok na,”

Read: John Lloyd Cruz and Angelica Panganiban are “still together” amid split rumor


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close