Allen Dizon wins his seventh Best Actor trophy for Magkakabaung

Allen Dizon on winning Best Actor in local award-giving bodies: "Mas masarap talaga na manalo dito sa atin, siyempre, para sa akin. Kasi, yun nga, ang sabi ko kanina, mas magagaling ang mga Pilipino. Mas talented ang mga Pilipino at alam kong mas maraming Pinoy na aktor ang mas magaling sa akin."


Matapos tanghaling best actor sa 38th Gawad Urian, na ginanap sa Studio 10 ng ABS-CBN kagabi, Martes, June 16, masasabi raw ni Allen Dizon na kumpleto na ang pagiging artista niya.

Nanalo siya para sa mahusay niyang pagganap sa indie film na Magkakabaung.

Sabi ni Allen sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media, “Ito [Urian] lang kasi ang kulang ko, e. So, kumpleto na ako ngayon.

“Parang si Ms. Eula [Valdes, na nanalo namang Best Actress for Dagitab] na ito na rin lang yung kulang niya.

“Napakalaking bagay para sa akin itong award na ito.”

Tinalo ni Allen sa Best Actor ang iba pang mga nominado na sina Robert Arevalo (Hari Ng Tondo), Noni Buencamino (Dagitab), JM de Guzman (That Thing Called Tadhana), Sandino Martin (Esprit de Corps), Robin Padilla (Bonifacio: Ang Unang Pangulo), at Arnold Reyes (Kasal).

Patuloy pa ni Allen, “Ako yung kinakabahan, e, dahil sampu kaming best actor nominees.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lahat sila magagaling, so hindi ko in-expect na ako yung makakuha ng parangal.”

LOCAL AWARD. Sa kanyang acceptance speech, sinabi ni Allen na mas masarap manalo ng acting trophy sa Pilipinas kesa sa abroad.

Nakatatlong international best actor awards na siya.

Ang una ay sa Harlem Film Festival sa New York, ikalawa ay yung sa Hanoi sa Vietnam, at ang ikatlo ay sa Dublin, Ireland.

“Mas masarap talaga na manalo dito sa atin, siyempre, para sa akin.

“Kasi, yun nga, ang sabi ko kanina, mas magagaling ang mga Pilipino.

“Mas talented ang mga Pilipino at alam kong mas maraming Pinoy na aktor ang mas magaling sa akin.

“So, nung sinabi sa akin na ako ay na-nominate sa Gawad Urian, iyon lang, para na ako nanalo.

“At ngayon, ako yung pinarangalan.

“Pero ito ay para rin sa mga kapwa ko nominado dahil magagaling nga sila.

“Pero ako yung suwerte ngayon, ako yung pinarangalan ngayon, so ako muna ang magtatago ng trophy na ito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Allen, “Pang-apat na award ko na ito sa local.

"So, pito na lahat yung best actor trophy ko sa Magkakabaung.

“So, napakalaking bagay sa akin ang Magkakabaung.

“Kasi, ito nga ang nagbigay sa akin ng maraming parangal at siguro mas gagalingan ko pa.”

STAYING POWER. Mula sa pagiging sexy actor, unti-unti ay napanday ni Allen ang kanyang sarili bilang isang mahusay na aktor hanggang maabot niya ang estado ngayon bilang multi-awarded actor.

Saad niya, “Siguro yung staying power ko ang naging pambato ko rito. Kumbaga, hindi ako nainip.

“Naghintay ako ng tamang project, ng tamang panahon para makapag-shift ako sa pagiging seryosong aktor.”

Pinagsisihan ba niya ang naunang pagsabak niya sa mga pelikulang sexy ang tema noon?

Sagot ni Allen, “Kasama ‘yon sa tagumpay ko ngayon, e.

“Kung hindi rin ako naging sexy actor before, siguro hindi rin ako magiging best actor ngayon.

“Kasi lahat ‘yon, naipon ko lahat ‘yon mula nung nag-start ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon, nagtiyaga ako, nagsumikap ako. Mas ginalingan ko when it comes to acting.

“Siguro, iyon ang bunga sa akin.”

KING OF INDIE FILMS. Dahil sunud-sunod ang ginagawang indie films ni Allen, na pawang mga critically-acclaimed at nananalo pa siya ng award, siya na ngayon ang binabansagang “King of Indie Films.”

Pahayag niya tungkol dito, “Masaya ako.

“Maraming nag-start sa indie films, sumikat, nagkapangalan, at dumami ang pelikula.

“So, ako ngayon siguro ang maraming ginagawang indie film, at napapansin.

“At, yun, ang Magkakabaung, malaking bagay na umikot siya halos buong mundo dahil sa mga festival.”

Mas choosy na ba siya ngayon sa roles?

Sagot ni Allen, “Hindi naman. Kumbaga, kapag may trabaho, trabaho.

“Kapag bagay sa akin yung role, maganda yung pelikula, magaling ang direktor, okey sa akin.”

Pagkatapos ng Magkakabaung, ano ang mga bagong pelikula niyang aabangan?

“Meron akong ginawa, yung Iadya Mo Kami. Tungkol naman ito sa isang pari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasama ko rito sina Eddie Garcia, Diana Zubiri, Ricky Davao, at Aiko Melendez. Si Mel Chionglo ang direktor namin.

“May mga naka-lineup pang iba. Hindi pa lang kami nag-i-start mag-shoot kaya hindi ko pa puwedeng sabihin ang detalye.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close