Wenn Deramas encourages Vice Ganda to try another director after doing several movies together

Wenn Deramas gets sentimental about fatherhood: “Bilang magulang, yun ang pinakawalang kapantay na award pag ang anak mo, mabait sa iyo, sumusunod sa iyo, mahal ka. Mas yun ang pinakaimportanteng award kaysa sa lahat ng award na puwedeng ibigay sa akin.”


Sa ika-anim na pagkakataon ay itinanghal si Wenn Deramas bilang Most Popular Director of the Year ng Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF).

Nakatatlong pelikula si Direk Wenn noong 2014: Maria Leonora Teresa, Moron 5.2: The Transformation, at The Amazing Praybeyt Benjamin.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Direk Wenn, sobra ang pasasalamat niya sa taun-taong pagkakaloob sa kanya ng Guillermo ng nasabing karangalan.

“Bale pangwalo kasi may nakuha na rin akong dalawa bilang manunulat naman, kaya sobrang pasasalamat sa Guillermo dahil wala silang sawa na ibigay sa akin ito.

“Mas dapat akong magpasalamat sa mga nanonood... sila talaga ang dahilan kung bakit kami nabibigyan ng parangal na ganito.

“Yung totoo, siyempre alam na namin, ina-announce naman yun before, pero nae-excite pa rin ako.

“Kasi pag nasanay ka na, parang mahirap pag binawian ka.

“But, of course, open naman ako na darating yung panahon na may ibang kukuha ng award na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang importante, gagawa at gagawa pa rin ako ng pelikula para mabawi siya.”


BONUS. Ayon sa box-office director, lagi niyang inaalis ang pressure sa tuwing may gagawin siyang pelikula.

“Lagi kong sinasabi na ang trabaho ko ay gumawa ng nakakatawang pelikula.

“Bahala na ang producers paano magbebenta ng ganito, sila na yun.

“‘Pag nabenta nila nang tama at nakasigurado tayo na yung pelikula ay nakakatawa and very entertaining, papanoorin yun ng tao.

“Kumbaga, maski papaano, mayroon na kaming nabuo nila Vice Ganda na pati team-up namin, nakakatawa.”

Bonus na lang daw ang pagkakaroon ng awards.

“Siyempre importante na kumikita ang pelikula mo kasi trabaho ko ito.

“Pag hindi kumikita ang pelikula mo, wala nang kukuha sa iyo, wala ka nang trabaho.

“Yung mga awards naman, gusto mo, excited ka pa rin dun, welcome, pero bonus na lang.”

NEW DIRECTOR FOR VICE? Gagawin daw ni Direk Wenn ngayong taon ang pelikulang pagsasamahan nina Vice Ganda at Coco Martin, at sa 2016 ay may mga nakalinya pa rin silang gagawing pelikula ng komedyante.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sana makapasok sa MMFF [Metro Manila Film Festival] yung sa amin nina Vice and Coco," asam niya.

Samantala, kinumpirma ni Direk Wenn na nag-suggest siya kay Vice na sumubok gumawa ng pelikula na iba naman ang direktor, pero mismong ang pamunuan ng ABS-CBN at Star Cinema raw ang hindi pumayag sa ideya.

“Nung victory party ng The Amazing Praybeyt Benjamin, sinabi ko sa kanya [Vice] na i-try naman niya sa iba.

"Pang-ilan na ba namin... pito, walo?

“Mula dun sa first movie niya na Apat Dapat… ayaw daw ng bayan.

“Sabi niya na darating at darating yung time, hindi naman puwede na kami lang nang kami.

“May ibang pelikula akong ginagawa, siya gusto ko rin ma-try niya yung ibang direktor, ibang style ng papagawa sa kanya.”


MOVIE WITH AI-AI? Isa sa pinakamalapit na kaibigan ni Direk Wenn si Ai-Ai delas Alas, kung saan ilang beses din silang pinarangalan ng Box-Office Entertainment Awards dahil sa tagumpay ng mga pelikulang ginawa nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa direktor, bukas pa rin ang komunikasyon ng dalawa at may plano silang gumawang muli ng pelikula kahit nasa GMA Network na ang komedyana.

“Lagi naman kaming magka-text ni Ai-Ai at masaya ako para sa kanya kung anuman ang desisyon niya.

“Maya’t maya ang mga tawagan, textan, saka Viber-to-death hanggang madaling-araw.

“Open ang communication namin ni Ai.

"Ang hindi lang talaga, yung balak namin na magkape-kape.

“Hindi man kami makakapagsama sa TV dahil magkaiba yung istasyon namin, ayroon naman kaming pelikulang gagawin. Abangan nila.

“Sa TV exclusive, sa film hindi.

"GMA Films? Bakit hindi, puwede naman."

FATHER'S DAY. Nalalapit na ang Father’s Day. Paano niya ito iseselebra kasama ang mga anak?

Pero paglilinaw ni Direk Wenn, “Ina ako, ayoko ng ama!

“Mayo [Mother's Day] sinelebrate ang pagiging magulang ko, maraming salamat sa mga babati."

Dagdag niya, “Bilang magulang, yun ang pinakawalang kapantay na award pag ang anak mo, mabait sa iyo, sumusunod sa iyo, mahal ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas yun ang pinakaimportanteng award kaysa sa lahat ng award na puwedeng ibigay sa akin.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close