Nash Aguas not courting Alexa Ilacad: “Hindi pa... bawal pa.”

Like any popular teen star, Nash Aguas (in photo, with onscreen partner Alexa Ilacad) has his share of stalkers. He says, “Nakakatuwa, nakaka-overwhelm kasi pati bahay namin, pinipiktyuran nila."


Itinanghal bilang Most Promising Performing Group ang Gimme 5—na binubuo nina Nash Aguas, Joaquin Reyes, John Bermundo, Brace Henry Arquiza, at Grae Fernandez—sa 46th Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation noong June 14.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment News) at Cinema News kay Nash, sobrang pasasalamat ng teen actor sa ipinagkaloob na award sa kanilang grupo.

“Sobrang blessed and honor kasi first year pa lang namin, nabigyan na kami ng ganitong award.

"Reminder yun na maganda ang ginagawa namin, so nakakatuwa na mabigyan kami ng ganitong parangal."

Saad pa ni Nash, “Nagte-training kami, nagwo-workshop kami halos araw-araw.

“Every day, nagha-harmony workshop kami kasi pag grupo, dapat talaga nagbi-blend.

"Eight A.M. to 3 P.M. ang oras namin, parang pumapasok ka sa school."

May offer din daw sa kanilang grupo na mag-concert.

“Oo, may offer to have a concert, pero ‘di pa ganun ka-concrete yung plans.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kailangan naming mag-training kasi ‘di naman kailangang makuntento kami kung ano ang mayroon kami.

“Wala pang definite date kung kailan pero, hopefully, matuloy.

“Pag mall shows, kaya namin.

"Pero pag concert, iba yun, maraming songs, dapat yung stamina namin kaya."

SOLO ARTIST. Huling napanood si Nash sa teleseryeng Bagito at sa ngayon, ang grupong Gimme 5 ang focus niya.

“Yung album namin ni-release during Bagito, medyo naudlot yung mga promotions.

“Ilu-launch na namin yung third single namin, 'Aking Prinsesa.'

“Kung may darating na teleserye, pagsasabayin natin, ipipilit natin.

“Siyempre blessing yun, work, kaya ‘di puwedeng pabayaan.”

Bago pa man nabuo ang Gimme 5 ay kilala na si Nash bilang isang child actor. Ngayon ba ay mas gusto niyang makilala as solo actor o bilang parte ng grupo nila?

Sagot ng teen actor, “Depende, alangan naman na grupo kayo sa teleserye.

“Pag sa singing or sa dancing, grupo kami.

"Pero pag sa teleserye, solo-solo, kasi parang awkward."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LOVETEAM WITH ALEXA. Samantala, sa The PEP List Year 2, na ginanap nito lamang June 18, nanalo naman si Nash at ang ka-loveteam niyang si Alexa Ilacad bilang Most Promising Stars.

Patuloy lamang ito ng mainit na pagtanggap ng publiko sa kanilang tambalan—ang NLex.

Nang kumustahin ang panliligaw niya sa kapareha, agad niyang nilinaw na hindi pa puwedeng ligawan si Alexa.

Fifteen years old pa lamang si Alexa, habang si Nash ay 16.

Sabi ni Nash, “Ayos naman, hindi naman nawala, continuous yung friendship, nag-uusap.

“Hindi pa nanliligaw, bawal pa.”

STALKER. Bilang isa sa pinakasikat na teen star sa kasalukuyan, aminado si Nash na nararanasan na rin niya kung paano ma-stalk ng ilang mga tagahanga.

“Kasi ngayon, nalalaman nila kung saan ang bahay ko, ‘tapos nagpi-picture sila sa labas.

“Nakakatuwa, nakaka-overwhelm, kasi pati bahay namin pinipiktyuran nila.

“Privacy? Medyo nawala, pero ‘di naman ganun kagrabe.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close