Atty. Lorna Kapunan consults the entertainment press about her plan to run for Senate

Atty. Lorna Kapunan: "Walang solusyon sa bayan natin na instant na mangyayari overnight and do not believe politicians who will promise you the sun, the moon, the stars, and all the items in the world. Walang politician who can save this country. The only people who can really save this country are the people, ang tao mismo, the Filipino people, who must go back to love of country."


Humarap si Atty. Lorna Kapunan sa entertainment press ngayong araw, June 17, para ikonsulta ang plano niya, kasunod ang paglilinaw na hindi ito announcement o kumpirmasyon ng balitang kakandidato siya na senador sa 2016 elections.

Saad ng abugada, “I am not announcing that I will run for the Senate.

“What I am announcing today is I need your comments.

“I need to feel the pulse because hindi naman tayo sanay sa hara-kiri na napapasubo lang, pero wala naman calling, walang need.

“That’s why I’m here.”

Patuloy niya, “My closest friends are really you, in media—whether print, radio or social media—because kayo ang nagsasabi sa akin.

“You’re the ones who write about the things that I do. You’re the ones who help me… help others.

“Now, it’s my turn to ask for your help, give me an honest opinion kung doable ba ‘yan.

“Puwede ba tayong mabigyan ng pagkakataon para magsilbi, not only sa private clients but a bigger clientele—ang bayan natin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Yan ang hinihingi ko sa inyo.”

Sabi pa ni Atty. Kapunan, “I am not too presumptuous.

“Hindi naman ako masyadong mayabang at sasabihin ko na ako ang solusyon sa bayan natin.

“Walang solusyon sa bayan natin na instant na mangyayari overnight and do not believe politicians who will promise you the sun, the moon, the stars, and all the items in the world.

“Walang politician who can save this country.

"The only people who can really save this country are the people, ang tao mismo, the Filipino people, who must go back to love of country.

"Kasi kung love ninyo ang country ninyo, hindi kayo boboto ng mga gunggong.

“Iisipin n’yo who best can serve this country.

“I am not so presumptuous, so conceited, and so proud as to say ‘I am the solution to this country.’

“I am just here to get your honest comments on whether meron ba tayong pag-asa kung iniisip natin ang dream na tumakbo para sa bayan natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kayo ang makapagsasabi niyan.”

Sina Hayden Kho Jr., James Yap, Coco Martin, at Julia Barretto ang ilan sa celebrity clients ni Atty. Kapunan.

Kung sakaling matuloy ang kanyang senatorial candidacy, hihingin ba ni Atty. Kapunan ang suporta at endorsement ng mga kliyente niya?

Sagot niya, “Sila po ang magsasabi kung gusto nila na mag-endorse.

“Kasi naman, although hindi tayo hihingi ng endorsement, siyempre welcome ‘yan kasi tinulungan…

“The test of really natulungan natin, e, kung without asking, mag-o-offer sila na tutulong, siguro hindi na kailangan manggaling sa akin ‘yan.

“I will feel so blessed if without asking, they will come and endorse.”

Ilan sa mga rebelasyon ni Kapunan ay ang pagkakaroon niya ng lovelife dahil siyam na taon na ang relasyon nila ng political economist na si Jimmy Regalario; fantasy niya si Robin Padilla dahil may prinsipyo ito; nagbitaw siya bilang legal counsel ni Janet Lim-Napoles dahil sa simple reason na “You don’t lie to your lawyer”; at pinanood niya ang sex video ni Hayden Kho Jr.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close