Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Ryza Cenon will not confirm rumored closeness of her friend LJ Reyes and Paolo Contis

by Rommel R. Llanes
Jun 18, 2015
Apart from her showbiz commitments, Ryza Cenon is also busy with the food business she set up in partnership with LJ Reyes, “Nag-start kami sa bazaars pero we are now accepting delivery and pickups and event catering."

Ayaw kumpirmahin o itanggi ni Ryza Cenon ang balitang may namamagitan na sa kaibigan niyang si LJ Reyes at sa aktor na si Paolo Contis.

Sabi niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Mas maganda po na sila ang tanungin ninyo!

“Hindi ko kasi pinakikialaman ang lovelife ni LJ.”

May naikukuwento ba si LJ sa kanya?

“Hindi naman namin masyadong pinag-uusapan yung lovelife namin,” giit ni Ryza.

Kung totoong sina LJ at Paolo na, susuporta ba si Ryza bilang kaibigan?

Sagot niya, “Kung maging sila man, bilang kaibigan, kung saan masaya si LJ, dun rin ako at susuportahan ko siya.”

Magka-batch sina Ryza at LJ sa second season ng StarStruck ng GMA Network, kung saan si Ryza ang itinanghal na Ultimate Female Survivor at si LJ naman ang First Princess o runner-up.

DATING A NON-SHOWBIZ. Kumusta naman ang lovelife ni Ryza?

“Wala pa rin. Date-date lang muna!” tawa niya.

Continue reading below ↓

Non-showbiz daw ang lalaking nakaka-date ni Ryza at exclusively dating daw sila.

Kapag wala siyang taping ay ang pagiging negosyante naman ang pinagkakaabalahan ni Ryza.

“Kapag wala po akong taping, inaasikaso ko po yung business namin ni LJ na Paburrito by Bahilya po.

“Ang concept po niya is paboritong Pinoy na ulam in a burrito.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Dito din galing ang name, yun pong original concept is a contemporary Filipino fusion restaurant.

“In the process of recreating Filipino dishes, naisip na i-combine ang burrito at ang mga common favorite Filipino dishes.

“Similarity sa Mexican [burrito] at Filipino food ay rice.

“Ang advantage po niya is complete meal at handy."

Sabi pa ni Ryza, “Nag-start kami sa bazaars, pero we are now accepting delivery and pickups and event catering.

“Follow lang po kami sa Instagram: @bahilya o sa Twitter: @BahilyaInc at sa Facebook: www.facebook.com/Bahilya sa details po ng delivery, caterings and events.

"Or email po kami paburrito.bahilya@gmail.com.”

Continue reading below ↓

MAGPAKAILANMAN EPISODE. Incidentally, magkasama sina Ryza at Paolo sa upcoming episode ng Magpakailanman, na pinamagatang "Tapat Na Asawa, Baliw Na Ina: The Ompong and Vangie Pagunsan Story", na idinirek ni Laurice Guillen.

Challenging daw para kay Ryza ang role niya dito.

“Ang challenge siguro sa akin yung first time ko makatrabaho lahat ng cast.

“At saka Direk Laurice siya, so dapat focused ka at ibigay mo ang one hundred percent mo sa lahat ng eksena.”

Kasama rin sa Magpakailanman episode na ito sina Ina Feleo, Carl Acosta, Manie Lapus, at Bryan Benedict.

Sa taping ba ay napagkukuwentuhan nila ni Paolo si LJ?

Sagot ni Ryza, “Hindi, e, kasi mabibigat ang mga eksena ni Paolo kapag ako ang kaeksena na niya, so focused siya sa mga eksena.

“Ako si Elena na magkakagusto kay Ompong [Paolo] at mag-aalaga habang nasa mental hospital yung asawa niya.”

Gaganap na asawa ni Paolo si Ina bilang si Vangie.

Continue reading below ↓

Ipalalabas ang naturang episode ngayong Sabado, June 20.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Apart from her showbiz commitments, Ryza Cenon is also busy with the food business she set up in partnership with LJ Reyes, “Nag-start kami sa bazaars pero we are now accepting delivery and pickups and event catering."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results