Sheena Halili jokes about being single when her Starstruck batchmates are now either married or have children

Sheena Halili on settling down: “Hindi na kasi ako bumabata. So, kapag nakapag-commit ako, gusto kong pag-isipan, kasi ang next level nun, marriage na. Hindi puwede na twenty-eight ako ngayon, so kung may magkakagusto, sige. Kikilalanin ko kayo para, at least, bago man lang ako pumunta sa stage na yun, na-enjoy ko na, ‘Ay, ang ganda ko pala!’"


Nananatiling single hanggang ngayon ang Kapuso actress at StarStruck alumna na si Sheena Halili.

Tatlong taon na rin daw siyang walang boyfriend, at hindi naman niya ikinakaila na ang huli niyang nakarelasyon ay ang Kapuso actor na si Rocco Nacino.

“Lovelife, ano... wala pa rin akong boyfriend. Pero, may mga nagpaparamdam,” sabi ni Sheena nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa GMA Kapuso Family Day, sa Enchanted Kingdom, noong Sabado, June 13.

Ipinaalala namin kay Sheena na may nabanggit siya noon na nanliligaw sa kanyang non-showbiz na kasamahan din niya sa church.

Ano na ang nangyari sa kanila?

Sagot niya, “Meron naman, pero hindi rin, e.

“Siguro, once pa lang ako nakipag-date na exclusively dating, non-showbiz, hindi rin nag-work.

“May mga umaaligid pa rin ngayon, pero hindi pa ako nakikipag- date na kaming dalawa lang.”

Diin niya, “Masaya naman ang aking puso.”

Pero hindi pa rin daw niya masasabing dito na siya makakapag-commit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang katuwiran ni Sheena, “Hindi na kasi ako bumabata.

“So, kapag nakapag-commit ako, gusto kong pag-isipan, kasi ang next level nun, marriage na.

“Hindi puwede na twenty-eight ako ngayon, so kung may magkakagusto, sige.

“Kikilalanin ko kayo para, at least, bago man lang ako pumunta sa stage na yun, na-enjoy ko na, ‘Ay, ang ganda ko pala!’

“Kasi noong kabataan ko, medyo hindi puwede, maraming bawal.

“Siguro ngayon, talagang time na makilala ko ang sarili ko.

“Kung sino ba talaga ang gusto ko at sino ba talaga ang makakasama ko habang-buhay, yung ganun.”


GOOD INTENTION. Sa original batch ng StarStruck, siya at si Jade Lopez na lang ang walang asawa o anak sa hanay na mga babae.

May mga anak na ang mga ka-batch nilang sina Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi, Katrina Halili, at Cristine Reyes.

Bagamat wala pang anak, may asawa na rin si Nadine Samonte.

Gusto na rin ba niyang mag-asawa at magkaanak?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Sheena, “Well, inaano ko naman sa kanila na bago ako ligawan, hindi na ako ganito, ganyan. 'Kung gusto mo ng ano… ‘wag na ‘ko.'”

May mga lalaki bang nag-a-attempt pero kapag nalaman na gusto niya ay kasal na talaga ang kasunod, natatakot at umaatras?

“In fairness naman, yun din ang intention nila sa akin, maging asawa.

"Naks! Ang taray!” natawang sabi niya.

Dagdag pa ng aktres, “Sinasabi nila, ‘Sheena, ipinag-pray ko ‘to kay Lord na sana ikaw na ang makatuluyan ko.’

“Nagugulat ako! Teka, proposal na ba ‘to?”

Anong nagiging problema kung ganun naman pala intensiyon sa kanya ng lalaki?

“Siyempre, pag-iisipan ko pa rin.

"Hindi naman porke’t nakarinig ako ng matatamis na salita, e, igo-go ko na.

“Panghabambuhay ‘to.”

Dahil siya na lang ang hindi pa committed sa kanilang mga babae sa original batch ng StarStruck—si Jade ay may boyfriend na at karamihan nga ay may mga anak na—walang inggit sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng 28-year-old Kapuso actress, “Nagkakalokohan sila, mag-e-expire na raw ako!

“Pero ayokong magmadali. Kung darating yun, darating.

“Ganun lang talaga ang life.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close