Lovi Poe amused by kissing scene between BFF Heart Evangelista and BF Rocco Nacino in new soap

Lovi Poe on her relationship with boyfriend Rocco Nacino: "It’s a lot lighter now, less drama siguro dahil mature na kami when we met each other. Parang nagkataong right timing. Bata pa ako noon... I’m young pa naman, pero at least marami na akong natutunan."


Kasalukuyang ginagawa ni Lovi Poe ang bagong teleserye sa GMA Network na Beautiful Strangers, na pinagsasamahan nila ng kasintahan niyang si Rocco Nacino at best friend niyang si Heart Evangelista.

Kuwento ni Lovi sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Masarap na nakakapagod [ang taping].

“Sobrang bigat ng character ko, siguro first time kong may prosthetics.

“Hindi ko siya puwedeng sabihin kung bakit siya sobrang mabigat, pero may isang araw na buti na lang may hugot moment ako.

“Buti na lang kargado ako that day dahil sobrang bigat ng character ko.”

Sa kuwento ni Lovi tungkol sa Beautiful Strangers, nag-iba ang hitsura niya dahil sa isang aksidente.

Nakausap ng PEP ang Kapuso actress nang mag-show ito sa Kuwait para sa selebrasyon ng mga kababayan natin doon ng Independence Day, noong June 12.

AWKWARD. Kumusta naman ang pakikipagtrabaho uli nila ng kaibigan niyang si Heart, na una niyang nakasama sa Legacy (2012)?

Sagot ni Lovi, “Masaya, masaya sa set, pero most of the time ngayon, hiwalay pa kami, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nai-excite ako sa loveteam nila ni Rocco, magti-team up sila ni Rocco.

“Maganda yung story nilang dalawa. I’m looking forward to their kissing scenes.”

Natawa si Lovi nang kinumpirma niyang meron kissing scene sina Heart at Rocco sa kanilang teleserye.

“Oo, merong mga ganun, kaya I’m so excited. Kakaiba siya.”

Okey lang ba sa kanya na ang best friend at boyfriend niya ay maghahalikan?

Tugon ni Lovi, “Oo naman, okey lang naman sa akin.

“Like, joke ko kay Rocco ‘yan, e, it’s his time to shine every time may kahalikan siyang iba.

“Okey lang naman, it’s part of the job.

"And si Heart naman ‘yan. So, parang of all people, siya naman yung mapagkakatiwalaan.”

Pinag-usapan nila ni Heart yung kissing scene?

“Natatawa siya, nao-awkward siya nong una, 'So, Rocco and I are having a kissing scene?'

“Sabi ko, ‘Oh, yeah!'

"'Oh, my God! That’s parang incest or something?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos tawa kami nang tawa.”

Ano naman kaya ang reaksiyon ng mister ni Heart na si Senator Chiz Escudero?

Ayon kay Lovi, “I don’t know... Chiz naman knows it’s just a job.

“Wala, it’s just a kissing scene.”


JUST WORK. Kung hindi si Heart ang makakahalikan ni Rocco, maiilang ba siya?

Saad ni Lovi, “Alam ko naman parte 'yan ng trabaho.

“I watch Rocco’s series, if I see him kissing other girls, parang wala lang sa akin.

“Kasi, I do the same thing din naman, it’s part of the job.

“Siyempre, sa part ko, minsan mahirap, I’m uncomfortable naman talaga.

“Pero wala, e, trabaho talaga siya, e.”

Ano naman ang feeling ni Rocco na makakahalikan niya ang best friend ng girlfriend niya?

Natatawang sabi ni Lovi, “Hay, naku, I’m sure masaya siya!

“Si Ben [Benjamin Alves] nga, inggit siya dahil makakapareha ni Rocco si Heart... kasama namin siya sa teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m sure Rocco is very excited kasi siyempre that’s Heart.

“Sobrang ganda ni Heart, di ba, and everything. I’m sure excited siya.”

Gusto ba niya nandun siya kapag kinunan ang kissing scene nina Heart at Rocco?

“Kahit ano, okey lang.

"Parang kapag nandun ako, feeling ko, sila yung mao-awkward.

“Parang it’s a given na bawat loveteam may nangyayaring kissing scene.

“Pero to do it with my boyfriend and my best friend, it’s a different thing. Parang nakakatuwa.”


CONFIDENT. Ang pagiging magkaibigan daw nila ng kasintahan niyang si Rocco ang isa sa mga dahilan kung bakit kampante si Lovi sa kanilang relasyon.

Importante raw sa kanya na napapanatili nila ni Rocco ang kanilang friendship kahit walang kasiguraduhan kung sila nga ang magkakatuluyan sa bandang huli.

Saad pa ni Lovi, may mga batikos silang natatanggap sa social media pero hindi naaapektuhan ang kanilang samahan.

Kay Rocco lang tanging naging bukas sa publiko si Lovi tungkol sa kanyang lovelife, partikular na sa social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang itinago nito ang nakaraan niyang relasyon kay Ronald Singson.

Nauwi rin sa hiwalayan ang relasyon nila ng Kapamilya actor na si Jake Cuenca, na hindi nalaman ng karamihan na may namagitan pala sa kanilang dalawa.

Ano ang pagkakaiba noon at sa relasyon niya ngayon kay Rocco?

Sagot ni Lovi, “It’s a lot lighter now, less drama siguro dahil mature na kami when we met each other.

“Parang nagkataong right timing.

"Bata pa ako noon... I’m young pa naman, pero at least marami na akong natutunan."

Napag-uusapan na ba nila ang kasal?

“No, wala pa, kasi may sari-sarili kaming mundo.

“Meron siya, meron din ako.

"We don’t want na kami palagi, we have plans separately.”

Hindi sila nag-aaway?

“Meron naman, pero sandali lang.

“After few minutes, natatawa na ako, kasi hindi ako sanay… tawa kami after.”

Nagkataon lang daw na ang naging boyfriend ni Lovi ay artista ulit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Nagkataon, I think dati iniwasan ko ang taga-showbiz.

“But it just happened… nag-click kami talaga ni Rocco.

“Ever since nung nagkatrabaho kami, naging friends, iba na yung bonding namin.

“We get along so well.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close