James Yap spends advance Father’s Day celebration with son Bimby

Tila pinakinggan ni Bimby ang payo ng inang si Kris Aquino na bigyan ng isa pang pagkakataon ang amang si James Yap, pagkatapos magtampo ng bata sa kanyang ama. Ngayong araw, June 17, nag-bonding muli ang mag-ama bilang advance Father’s Day celebration nila.


Mukhang naayos na ang tampuhan sa pagitan ng mag-amang James Yap at James ‘Bimby’ Aquino Yap Jr.

Nagkasama na kasi ang dalawa ngayong araw, June 17, para sa isang advance Father’s Day bonding.

Ito ay base na rin sa Instagram posts ni James at ng ex-wife nitong si Kris Aquino, ang ina ni Bimby.

Unang ibinahagi ni James sa kanyang Instagram account ang larawan nilang mag-ama na tila naglalaro habang nagmi-merienda.

Sabi ni James sa caption: “Advanced father's day bonding with Bimb. #happy #proudpapa

Advanced father's day bonding with Bimb. #happy #proudpapa

A photo posted by @jamesyap18 onJun 17, 2015 at 2:58am PDT

Sa kasunod na post ni James, ibinahagi naman nito sa kanyang followers ang regalo ng anak sa kanya.

Dito ay pinasalamatan ng basketbolista ang anak.

May note pa ito mula mismo kay Bimby.

Mensahe niya sa ama: "Papa, Happy Father’s Day. Love, Bimby.”

Mensahe naman ni James, “Thank you Bimb for my gift. #iloveyou #verynice #happyfathersdaygift 😊"

Thank you Bimb for my gift. #iloveyou #verynice #happyfathersdaygift 😊👍

A photo posted by @jamesyap18 onJun 17, 2015 at 4:53am PDT

Ang regalo ni Bimby sa ama ay mga T-shirt, na ayon sa kaibigan nina Kris at James na si Bernard Cloma ay mismong si Bimby ang bumili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang cute ng regalo ni bimby.sa papa nya binili nya pa sm shoemart iron men na.tshirt.for fathersday saya nya

A photo posted by bernardcloma (@bernardcloma) onJun 17, 2015 at 3:07am PDT

Matatandaang nitong Lunes, June 15, naisiwalat sa publiko na tatlong buwan nang may tampo si Bimby kay James nang patulan ni Kris ang isang basher na nagtanong kung bakit hindi si James ang kasama ni Bimby sa pagtanggap nito ng Most Popular Male Child Performer trophy sa 46th Box Office Entertainment Awards.

Sa halip ay ang matalik na kaibigan ni Kris na si Vice Ganda ang kasama ni Bimby.

Read: Kris Aquino reveals son Bimby’s tampo with dad James Yap; does not consider "very brief dating" with Mayor Herbert a relationship


“GOD’S PERFECT PEACE INDEED.” Sa hiwalay na post ni Kris, ikinuwento naman nito ang buong araw nilang pamilya, kabilang na ang naging bonding ng mag-amang James at Bimby.

Sa naturang post din ni Kris, ipinakita nitong hindi lang si Bimby ang nakasama ni James kundi pati ang panganay niyang anak na si Joshua.

Sabi ng Queen of All Media sa caption ng post niya kasama ang photo collage nila: “This has been our day, I'm still here in Antipolo taping. Bimb wrote his Father's Day Card & prepared his gift, then the 2 boys (w/ @gemaligane, #Bincai, @jacksalvador & @bernardcloma) had merienda w/ James & I was able to make a very meaningful pilgrimage to #OurLadyofPeaceandGoodVoyageShrine. (God's perfect timing & God's perfect peace indeed.)”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nitong umaga lang din, sinabi ni Kris na kinausap niya si Bimby na bigyan ng isa pang pagkakataon ang ama para magkakilala pa silang mabuti.

Ito marahil ang tinuran ng TV host-actress na “God’s perfect timing & God's perfect peace indeed” sa kanyang caption.

Read: Kris Aquino encourages son Bimby to give dad James Yap another chance


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close