Venus Raj is not looking for her special someone: "Hindi ko inilalagay yung focus at attention ko do’n."

Venus Raj moves in two different worlds as a student in community development and as beauty queen-turned-TV host, “Hindi naman po kasi mahirap yung gano’n. Alam din naman siguro ng lahat na gano’n din naman ang buhay na kinamulatan ko.”


Isa si Venus Raj na natuwa sa announcement ni Shamcey Supsup na magkaka-baby na sila ng asawa nitong si Lloyd Lee.

Nangyari ito nitong Martes, June 16, nang nagkatipon silang mga beauty queen kasama si Ariella Arida sa opening ng restaurant ng mag-asawa na Pedro & Coin sa 3rd floor ng Fishermall sa Quezon Avenue, Quezon City.

Si Venus at Ken Alfonso ang nag-host sa event na dinaluhan ng ilan pang models ng Mercator, pati na ang mga magulang, ilan pang kaanak, at iba pang malalapit na kaibigan nina Shamcey at Lloyd.

Dito ay nakausap si Venus ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa tinatahak niyang Master of Arts in Community Development sa University of the Philippines.

“Natapos ko na yung research paper ko na pagkatagal-tagal kong ginawa,” nangiting bungad ni Venus.

“Malapit na akong mag-graduate,” dagdag pa niya.

Masipag na estudyante ang beauty queen at hindi kataka-taka kung mag-graduate ito with honors para sa kanyang master’s degree. Nagtapos si Venus ng Communication Arts in Journalism cum laude sa Bicol University.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HUMBLE BEGINNING. Ngayong July ay nasa Bulacan daw si Venus para sa isang buwang field immersion niya sa mga relocation sites sa probinsiya.

Ibang-iba ang community development sa mundong ginagalawan niya bilang beauty queen at TV host, paano niya napagsasabay ito?

Sabi ni Venus, “Sa akin, hindi naman po kasi mahirap yung gano’n.

“Alam din naman siguro ng lahat na gano’n din naman ang buhay na kinamulatan ko.”

Pero kumportable nang masasabi ang pamumuhay niya sa ngayon?

“Oo, pero masasabi ko na hindi mo pa rin talaga mawawala yung kung anong dating kinamulatan mo.

“Kumbaga, nandiyan na ‘yan kahit magkaroon ka man ng kumportableng buhay sa ngayon.

“Pero kung babalik ka ulit sa gano’ng klaseng pamumuhay, sanay ka na, hindi na mahirap,” paliwanag ni Venus.

Hindi kaya senyales ito ng possible niyang pagpasok sa politics balang araw?

“Ay, wala naman po. Hindi naman po ako nagbabalak.

“Sa ngayon, ang talagang nasa isip ko lang… school, family, at saka yung trabaho.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LOVE AND CAREER. Kumusta naman ang estado ng kanyang love life sa ngayon?

“Masaya, laging nakangiti araw-araw, in love pa rin kay Lord.

"Si Lord ang inspiration every day.”

Wala pa rin daw siyang bagong special someone at wala raw nanliligaw sa kanya ngayon. Bakit?

“Hindi ko lang muna siguro hinahanap, kaya hindi ko inilalagay yung focus at attention ko do’n.

“Hindi rin siya priority sa mga panahon na ito.”

Tungkol naman sa kanyang career, ano ang update?

“Hindi naman ako nawawalan ng trabaho, nandiyan ang manager kong si Jonas [Gaffud of Mercator] na sinisigurong hindi ako mawawalan ng pagkakaabalahan.

“Like yung Philippine Fashion week, mga hosting sa kung anu-anong events, at mga corporate shows.

“Paghu-host ng beauty pageants, nandiyan pa rin, pagdya-judge ng mga beauty pageants.

“And, hopefully, mag-resume ulit kami para sa panibagong season ng Business Flight,” pagtukoy niya sa travel show nila ng businesswoman na si Cristina Decena sa GMA NewsTV 11.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba magkakaroon ng second season ang talent search show nila ni Ogie Alcasid na Rising Star sa TV5?

“Hindi ko pa po alam, so far wala pa namang sinasabi yung management,” saad ni Venus.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close