Deniece Cornejo downplays rumor linking her to Atty. Ferdinand Topacio

Deniece Cornejo ticks off her activities when she’s not battling Vhong Navarro in court: "Nag-recital nga ako last time sa PETA. Bumalik po ako sa styling. And then, yung sa paintings ko, sculpting."


Very visible sa showbiz events si Deniece Cornejo.

Noong June 14 ay dumalo ang controversial personality sa Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation.

Nito namang Huwebes ng gabi, June 18, ay dumalo siya sa The PEP List Year 2, na ginanap sa Grand Ballrrom ng Solaire Resort & Casino.

Sa parehong okasyon ay kasama ni Deniece ang legal counsel niyang si Atty. Ferdinand Topacio.

Sabi ni Deniece tungkol sa pagdalo niya sa mga ganitong showbiz events, “Siyempre para ma-express ko naman yung ano… sa styling at saka also to meet other people din.”

Tuloy na talaga ang pagpasok niya sa showbiz?

“Meron na pong lumapit sa akin na producer, pero hindi pa po ako makapagbigay ng feedback on that,” sagot niya.

Pagpupursigihan niya ang plano niyang pag-aartista?

“Kung bibigyan po ng chance. Kung meron mang maganda projects and I’m open naman po."

Kuwento pa ni Deniece, “Nag-recital nga ako last time sa PETA [Philippine Educational Theater Association].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kakatapos lang po yung workshop ko.

“Marami pa po akong ginagawa, marami po akong inaasikaso.

“Bumalik po ako sa styling, and I’m doing a project this end of month.

“And then, yung sa paintings ko, sculpting. I’ll be doing an exhibit as soon as possible.”


NO INVOLVEMENT. Lagi silang magkasama ng legal counsel niyang si Atty. Ferdinand Topacio.

Hindi kaya malagyan na ng kulay ito at ma-link na sila sa isa’t isa o isipin ng mga tao na sila na?

Sagot ni Deniece, “Ay, hindi po.

"Kahit naman po dati, malapit talaga siya at nakasuporta sa mga client niya.

“At saka po sa akin, siyempre medyo may mga taong hindi maganda yung mga puwedeng mangyari.

“So, siyempre, nandiyan po siya.

“Pagdating lang po sa mga gatherings, kapag may mga maselan na tanong, siya po ang sasagot.

“At saka, I’m friends with everyone po.

“And I focus muna po in my career at sa mga puwede pa pong mangyari sa buhay ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May boyfriend ba siya ngayon?

“Ay, wala po! Hindi ko muna po iniisip,” sabay tawa ni Deniece.

Manliligaw?

“Wala po. I don’t wanna… I don’t have time para diyan.

“Unang-una, ang dami pong na-postpone sa akin kaya focus muna po sa mga puwedeng mangyari."

NO COMMENT. Sa ngayon, medyo humupa na ang ingay tungkol sa kontrobersiyal na kaso sa pagitan nila ni Vhong Navarro.

Matatandaang sinampahan ni Vhong ang grupo nina Deniece at Cedric Lee ng kasong grave coercion kaugnay ng condo incident na naganap noong January 2014.

Kasalukuyang malaya si Deniece dahil sa pinayagan ng korte ang kanilang grupo na magpiyansa.

Pahayag ng modelo, “Dadating naman talaga na tatahimik, e, at masaya naman po ako na nag-lie low lahat.”

Ano ang natutunan niya sa naging takbo ng mga pangyayari kaugnay ng kaso at usapin sa kanila ni Vhong?

“Maging positive pa rin po palagi, at lagi pong harapin ang kahit na anong mangyayari sa inyo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tuloy pa rin ang kaso?

“Ay, opo, nasa court pa rin po siya.”

Nagkikita sila ni Vhong sa mga hearing ng kanilang kaso, ano ang nagiging reaksiyon nila sa isa’t isa?

“Ay, no comment po. Kasi nasa court po siya,” iwas ni Deniece.

Pero siya, ano ang kanyang nararamdaman kapag nagkakaharap o nagkikita sila ni Vhong sa korte?

“I don’t wanna comment on that,” giit niya.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close