Atty. Ferdinand Topacio on being linked to his client Deniece Cornejo: “Ito ba namang pagmumukhang ito, iniisyu pa?"

Atty. Ferdinand Topacio says the Claudine Barretto-Raymart Santiago case is proceeding smoothly. “Ang nalalabi na lang na pag-uusapan ay yung pagparte ng mga ari-ariang naipundar nila nung kasal sila.”


Madalas nakikitang magkasama si Atty. Ferdinand Topacio at ang kanyang kliyente na si Deniece Cornejo.

Noong Linggo, June 14, ay dumalo sila sa Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, na ginanap sa The Theatre ng Solaire Resort & Casino.

Kagabi, June 18, magkasama ang dalawa sa The PEP List Year 2 ng Philippine Entertainment Portal), na ginanap naman sa Grand Ballroom ng Solaire.

Dahil dito, nalalagyan ng kulay at malisya. May mga naiintriga at naghihinalang baka may relasyon sila.

Pahayag ni Atty. Topacio tungkol dito, “Hindi natin maiiwasan iyon, pero hindi puwedeng mangyari.

“Kaya nga nandito ako sa kasong ito, dahil I’m a very close family friend ng mga Cornejo.

"Lalo na si Manong Rod Cornejo [Deniece's grandfather], di ba, na isang kilala sa media rin.

“So, they’re like family to me, kaya imposibleng mangyari na magkaroon kami ng relasyon ni Deniece.

“Parang niligawan ko na rin yug pamangkin ko, di ba? Parang apo ko na nga, e!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


CLAUDINE’S CASE. Kumusta naman sila ni Claudine Barretto na kliyente rin niya?

Sagot ni Atty. Topacio, "We’re okay. We’re fine."

Yung kaso ba nina Claudine at Raymart Santiago, tuloy pa rin?

“Yes, medyo hindi natuloy yung last hearing, kasi si Raymart yata, nag-abroad. He asked for a postponement.

“But everything is going well. Okey na yung suporta sa mga bata, okey na rin yung visitation.

“Ang nalalabi na lang na pag-uusapan ay yung pagparte ng mga ari-ariang naipundar nila nung kasal sila.”

Bakit may lumabas na balitang binitawan na niya ang kaso ni Claudine?

Paglilinaw ng abugado, “Yung iba, yung tungkol sa mga maids [na idinemanda ni Claudine ng qualified theft].

“Kasi ‘yon ang usapan naman namin doon, temporary lang hanggang makahanap siya ng ibang abugado.

“Kasi ang abogado naman niya talaga doon ay si Atty. [Junelet] Mataro na naging judge.

“Nag-takeover lang naman ako pansamantala until such a time na makahanap siya ng lawyer doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi ang dami nang masyadong hina-handle ko, baka hindi na keri ng powers ko!

“Pero yung main case ni Claudine kay Raymart, ako pa rin ang abugado nila. Ongoing pa rin ‘yon.”


ALJUR’S CASE. Kumusta naman ang reklamo na inihain ni Aljur Abrenica laban sa GMA Network?

“May mga nagsabi na gusto daw makipag-areglo ng GMA.

“Pero parang gusto nila, direkta na kay Aljur makipag-usap.

“Sabi ko naman, e, kung ano ang ikabubuti ng aking kliyente, gagawin ko.

“Kung kailangan magbitaw, para hindi naman sagabal yung nandun ako bilang lawyer niya at magkaayos sila ng GMA.

“Kaya nagbitaw ako, sinabi ko naman.

“Kasi may mga tao yata sa Artist Center na naiilang sa akin at naiintindihan ko.

“Kasi parang may history kami nung tungkol kay Bea [Binene] noon.

“So, I understand it. Okey lang naman.”

Okey na ba sila ngayon ni Bea?

“Oo naman, mahirap namang nagtatanim ng ano, e… ng galit.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ba ang pakiramdam niya kapag nagkakaroon ng isyung inili-link siya, gaya nga kay Bea dati at ngayon naman ay kay Deniece?

Sabi ni Atty. Topacio, “Well, natatawa na lang ako.

"Ewan ko ba, ito ba namang pagmumukhang ito, iniisyu pa?

“Pambihira! Magkakagusto ba sa akin yung mga ‘yan?

“Tanders [matanda] na tayo, e!

“Pero may mga gusto pa ring maggawa ng ganung issue.

“Sabi nga, 'What you say may not be true, but I love every word of it!’”

Enjoy ba siya pagiging legal counsel ng mga kilalang artista?

Sagot ni Atty. Topacio, “Well, it’s just any other case.

"Marami naman tayong hawak na kaso, e.

“May mga ipinagtatanggol tayo na mga libre, yung mga hindi kaya na magbayad ng abugado.

“E, siguro ito lang kasi ang nababalita, yung mga high-profile.

“But pantay-pantay naman ang turing natin ke iyan e mahirap o mayaman.

"Sikat o anonymous, e, ganun din ang trato natin sa bawat kliyente."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close