Melissa Ricks on motherhood: "Mas nagiging realistic ang buhay ko."

Melissa Ricks will not leave her baby for anything, but if work calls, “Mahihirapan, pero kung nandiyan ang opportunity, kukunin ko... kailangan na ngang mag-ipon. Iniisip ko na ang future, sa school, college."


Limang buwan na ang baby girl ni Melissa Ricks na si Kiera Kelly. At bilang nanay, marami na rin daw nabago sa Star Magic artist dahil iba raw pala talaga kapag mommy na.

“Ang lahat pala ng bagay, hindi tungkol lang sa akin,” ang pahayag ni Melissa nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan lang.

Sabi pa niya, “Kaya rin tayo pinalaki ng mga magulang natin, para rin mag-alaga ng ibang tao.

“To treat other people also, kasi dati, puro 'ako.'

“Ngayon, lahat ng desisyon ko, lahat ng pera ko, lahat para dun sa bata.

“Parang umikot talaga ang mundo ko.

“Hindi mo mai-explain, pero kapag may anak ka, iba talaga.”

Kahit na bago para kay Melissa ang mga karanasan ngayon, hindi naman daw niya maitatangging masaya siya sa buhay niya at sa pagiging isang ina.

“Sobra,” nakangiting sabi niya. “Ibang fulfillment yung may anak.”

Saad pa ni Melissa, "Buong buhay ko, ang alam ko pag-aartista, I started very young.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon, parang mas nagiging realistic ang buhay ko.

“Kapag nagti-taping ako, iba na yung dating sa akin.”



HANDS-ON. Inamin ni Melissa na sa umpisa ay hindi raw talaga niya makayang ipagkatiwala sa iba ang pangangalaga ng baby niya.

“Praning ako noong una na maiwan sa iba... ngayon, medyo okey na, hindi na 'ko kinakabahan.

“Kampante na 'ko kasi kilala ko na ang ugali ng bata.

“Hindi na ko masyadong nagwu-worry, so okey naman.”

Ang mommy niya ay sa States na talaga naka-base. Dumating lang daw ito noong manganak siya hanggang mag-tatlong buwan ang baby niya at bumalik na rin sa Amerika.

Kuwento ni Melissa, “Actually, hindi talaga ako kumuha ng yaya.

“Kapag medyo pagod na 'ko, ipinapasa ko muna sa P.A. [personal assistant] ko.

“Kapag ready na ulit ako, kinukuha ko. Malaking bagay rin kasi yun, hindi ka burned out.

“Siyempre, new mom, sobrang overwhelming.”

Kasama naman niya ang daddy ng kanyang anak na si Charles Togesaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas naging focused din daw sila ng kanyang partner ngayong mga magulang na sila.

Sabi nga ni Melissa, “Kami kasi dati, puro fun, labas lang kami ng labas, masaya lang.

“E, ngayon, sobra lang responsibility. Siyempre, we have to save, we have to stay home with the baby.

“Yun nga, yung discipline, kailangang matutunan, lahat nga talaga para sa bata.

“May pang-ipon ako para kay baby, dati may pang-shopping ako.

“Ngayon, sobrang… hindi naman sa pagtipid, pero I’m using my money wisely.”

Dahil hands-on nga raw siya sa anak nila at wala pa ang mommy niya sa tabi niya, kinamusta namin si Melissa kung hindi siya dumaan sa tinatawag na post-partum depression.

“Medyo, pero ako kasi magaling akong magkalma ng sarili, malakas ang patience ko,” saad niya.

Paano niya nasabing dumadaan siya sa post-partum?

“Nararamdaman ko lang, naaawa ka sa sarili mo.

“Pagod na ko, kailangan kong umalis, yung ganyan,” natawa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BACK TO WORK. Natutuwa naman daw siya na nagsisimula na rin siyang muling bumalik sa ilang programa ng ABS-CBN bilang guest.

Kung regular teleserye, handa na ba siyang bumalik?

“Siguro mahihirapan kapag ngayon may offer na iwan ang bata.

“Kasi ang taping ngayon sa ABS, araw-araw na, hindi na tulad dati na every other day.

“Mahihirapan, pero kung nandiyan ang opportunity, kukunin ko.

“Siyempre, kailangan na ngang mag-ipon. Iniisip ko na ang future, sa school, college.

“Now pa lang, gusto ko nang pag-ipunan, pero sana, pumayat muna ko.

“Maybe in a year. Pero kung meron ngayon, tatanggapin ko.”

Ang orihinal niyang ka-loveteam na si Matt Evans ay daddy na rin at kailan lang ay nagsama silang muli sa isang episode ng Maalala-Ala Mo Kaya.

Ano yung pakiramdam na pareho na silang mga magulang?

“Palagi kaming nagkikita, ang saya lang kasi, yung anak namin, halos magkasing-age.

“Sabi ko nga, magkabarkada pa ang mga anak natin paglaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“‘Tapos, makikita nila ang mga projects natin, parang nakakaaliw.”

Dugtong pa niya, “At saka si Matt, parang kapatid ko na rin.

“Kahit na naging loveteam kami, never naman kaming nag-away, never namang naging kami.

“Para lang kaming magkapatid.

“Noong nanganak ang asawa niya, ginawa pa 'kong ninang.

“Sa akin, ninong naman siya, so nakakatuwa.”

Posibleng sa August daw nila pabinyagan si Keira Kelly at ilan pa sa naiisip niyang kunin bilang ninong at ninang ay ang mga kaibigan na sina Bianca Manalo, Julia Montes, Kim Chiu, Empress Shuck, Helga Krapt at Paulo Avelino.

Sabi pa niya, “Marami, e. Mga treinta yun, yung iba, nag-volunteer. Yung iba naman, matagal ko nang nakasama.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close