Nadine Lustre vs. James Reid as competing interpreters in Philpop 2015

Nadine Lustre is excited over her participation in Philpop 2015 as interpreter of a song entry, "Nakakatuwa po! Parang ito po yung passage, parang ito po yung nag-confirm... As in parang I belong, OPM artist ako!”


Itinuturing ni Nadine Lustre na malaking blessings para sa kanya ang maging isa sa interpreters sa 4th Philippine Popular Music Festival o Philpop 2015, isang songwriting contest na inorganisa ng Philpop Foundation.

Sina Nadine at Kean Cipriano ang interpreter ng kantang "Sa Ibang Mundo," na komposisyon ni Mark Villar.

“This is one of the biggest blessings that I’ve got, kasi legit na ako na OPM artist.

“Parang ito po yung passage, parang ito po yung nag-confirm.

“Ito po yung magiging susi, kasi yung mga kasama namin The Company, Side A, sina Thyro, Yumi…

“So nakakatuwa po,” saad ni Nadine nang nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa announcement para sa interpreters ng 12 finalists ng Philpop 2015.

Ginanap ito last June 16 sa Hive Hotel sa Scout Tuazon, Quezon City.

Idinagdag pa ng Viva artist na supporter talaga siya ng OPM.

“Like I listen to a lot of OPM bands dati, yung mga Calla Lily, sina Kuya Kean, Sponge Cola, Rivemaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Even before po noong mas bata pa ‘ko, pinapakinggan ko na sila.”

So ano’ng feeling na ngayon ay nakakasama na niya ang mga dati ay pinapakinggan niya lang?

“Oo nga po e, nakakatuwa po! As in parang I belong, OPM artist ako!” saad pa ng singer/akters.

Ano ang masasabi niya sa kanilang entry rito sa Philpop 2015?

“Noong una kong narinig yung song, nagandahan talaga ako.

“With the recording naman, I’ll be honest, medyo nahirapan ako kasi medyo mataas yung range ng sa babae.

“Si Kuya Mark, parang he trusts me na kaya kong bigyan ng justice yung kanta niya.

“And it’s a risk, kasi siyempre ito yung entry niya.

“Pero pinili niya ako, so I feel really thankful for that.”

Paano niya ide-describe ang song nila?

“Ito po kasing song namin ni Kean, ang theme niya is forbidden love, iyong sa ibang mundo, parang ganoon.

“Parang kung nasa ibang mundo tayo, puwede kong hawakan yung kamay mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Like yung relationship natin ay pwede nating ipakita sa iba, ganyan.”

Sinabi rin ni Nadine kung gaano siya ka-excited sa kantang ito.

“Ay super po! Pero kinabahan po ako noong una, prior to recording it.

"Ang taas po ng song... medyo kailangan niya ng power.

“E, yung voice ko po, medyo mahinhin siya na maliit na mahangin.

“So medyo kinabahan ako, but then super na-excite po ako for this song.”

NADINE VS. JAMES. Ano naman ang pakiramdam na magkalaban sila sa Philpop ni James Reid?

“Hindi naman po magkalaban talaga, it’s a healthy competition…”

“Musikaw” na komposisyon ni Melchor “MC” Magno Jr. ang entry ni James dito, kasama ang rapper na si Pio.

Papa'no ang fans nila ni James, posibleng mahati sila?

Tumawa muna si Nadine bago sumagot, “Hindi, ano naman po, sana po like, iboto nila kung ano yung sa tingin nila…

“Hindi lang sa aming dalawa, pero sa lahat po ng entries na kung ano yung sa tingin nilang deserving talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka kung ano yung gusto nila, ‘wag lang naman yung sa amin.”

Masasabihan ba niya si James na dapat talbugan niya ‘to?

“Hindi naman po, wala naman pong ganoon,” nakatawang saad ni Nadine.

“Ako lang po, I’m just happy na parang kahit papaano ay parang natatanggap pa rin kami.

“Nakakakuha pa rin kami ng projects na magkahiwalay.

“Kasi siyempre, we won’t grow din naman kung palagi po kaming magkasama.”

Ano ang comment niya sa sinasabi na may advantage daw silang dalawa ni James sa text voting dahil mas sikat sila?

Sagot ni Nadine, “Hindi ko po kasi tinitignan siya ng ganoon, e.

“Kasi kung titignan mo po, kung pakikinggan mo po lahat ng entries, lahat talaga ay maganda.

“Like ang audience naman nitong Philpop, siyempre yung mga mahilig talaga sa OPM, yung mahilig talaga sa music.

“Hindi lang naman yung fans namin, kundi yung mahihilig talaga sa music.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So hindi naman yung kasi sikat, may fans kami, kaya kami yung pipiliin, hindi naman po ganoon,

“And pagdating naman po sa music, ang mga Pinoy ay may tenga talaga.

“So, may tiwala naman po tayo sa mga kababayan natin pagdating sa bagay na iyon,” nakangiting tugon pa niya.



GIDDY. May pressure ba sa finals night?

“Mayroon po, kasi siyempre ako yung interpreter ni Kuya Mark, e.

“Hindi ba dapat galingan ko po? Mamaya kapag natalo, ako ang masisi.

“‘Kasi ikaw yung interpreter, ganyan.’ Yun po,” nakatawang saad niya.

Mayroon ba siyang preparation para sa finals?

“Wala naman po, basta alam ko po yung song dito,” sabay turo sa puso niya.“Sa puso po dapat talaga at hindi sa isip lang.”

Ang iba pang interpreters ng Philpop 2015 ay ang Side A, para sa kantang “For The Rest Of My Life” ni Ned Esguerra. Ang The Company para sa entry ni Paul Armesin na “Tanging Pag-asa Ko.” Jinkee Vidal para sa “Kilig” ni Soc Villanueva. At Jon Santos sa awiting “Apat Na Buwang Pasko” nina Gino Cruz at Jeff Arcilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabilang din si Anja Aguilar para sa kantang “I Owe You My Heart” ni Melvin Morallos at sina Josh Padilla at Yassi Pressman para sa “Edge of the World” na komposisyon ni Johannes Garcia.

Ang ibang song composers naman ang mismong mag-i-interpret ng kanilang mga kanta—sina Lara Maigue (“Nasaan”); Davey Langit (“Paratingin Mo Na Siya”); Ramiru Mataro with Donnalyn Bartolome (“Walang Hanggan”), at ang 2013 Philpop grand winners na sina Thyro Alfaro and Yumi Lacsamana with Jeric Medina (“Triangulo”).

Lahat ng finalists at interpreters ay kabilang sa Philpop 2015 album na produced at distributed ngViva Records. Maaari ring i-download ang mga kanta sa Spinner. Ang music videos at iba pang exclusive contents ay available ng libre sa PLDT Home Telpad.

Ang grand finals ng Philpop 2015 ay nakatakdang ganapin sa July 25 sa Meralco Theater, na ang grand winner ay mananalo ng isang milyong piso.

Kabilang sa sponsors nito ang PEP.ph, Maynilad, Meralco, Smart, Spinnr, PLDT Home Telpad, NLEX, Metro Pacific Investments, Philex, Sun Cellular, First Pacific Leadership Academy, TV5, MTV Pinoy, Pinas FM, Philippine Star, Radio Republic, Radyo 5, at Viva Records.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close