Richard Yap happy for expectant Judy Ann Santos; says cancellation of their teleserye can’t be helped

Richard Yap is proud of his former screen partner Jodi Sta. Maria for her exemplary portrayal of the scorned Amor Powers in Pangako Sa ’Yo remake. He says, "Before in Be Careful With My Heart, alam namin na magaling siyang artista... ‘di na kami na-surprise na she can do this Pangako Sa ’Yo.”


Nang makumpirma ang pagbubuntis ni Judy Ann Santos para sa pangalawa nilang anak ng asawang si Ryan Agoncillo, kasunod nito ang malaking panghihinayang sa pagkakabitin ng teleserye na pagtatamabalan sana ng aktres at ni Richard Yap, ang Someone To Watch Over Me.

Naglabas naman ng statement ang Dreamscape na hihintayin nila ang pagbabalik ni Judy Ann pagkatapos nitong makapanganak at itutuloy nila ang proyekto.

Aminado si Richard na nanghihinayang siya sa pagkakaantala ng kanilang teleserye, pero naiintindihan daw niya ang sitwasyon ni Judy Ann.

“Of course, everyone was ready to start the show already, lahat kami naghintay.

“Actually, nakapag-pilot taping na rin kami.

"But since it’s for her health, naiintindihan naman yun.

“That’s understandable kasi buntis nga siya and her role requires action.

“Talagang naiintindihan namin na ‘di niya puwedeng gawin yun."

Dagdag pa ni Richard, “We’re happy that she’s pregnant because it’s something she really wanted.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi lang nag-timing yung show namin, so we just have to wait.

“If after manganak siya and then gusto pang i-mount ulit ng ABS yung show, we are willing to do that.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Richard sa presscon ng Wansapantaym Presents My Kung Fu Chinito, na pinagbibidahan nila ni Enchong Dee, noong June 17.


ANOTHER SOAP. Pero bukod sa naudlot na teleserye nila ni Judy Ann ay may isa pang soap na sisimulang gawin si Richard.

“Inaayos lang nila para makapagsimula na yung show na yun.

"Teleserye din, ia-announce daw nila this June, na totally different.

“Hindi ko pa alam exactly kung ano yung story, ipi-pitch pa lang nila sa akin.

“Pero sabi nila, inaayos na nila, ginagawa na nila.”


PRAISE FOR ENCHONG. Bago ito, mapapanood muli si Richard sa telebisyon sa Wansapantaym Presents My Kung Fu Chinito, na magsisimulang umere sa darating na Linggo, June 21.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa Kapamilya actor, “Hindi siya mabigat, ‘di siya romance angle.

"So, it’s something that I haven’t tried, which is action talaga.

“It’s a refreshing show, pambata siya, so maganda siya.”

Naging madali para kay Richard ang My Kung Fu Chinito dahil bukod sa nagkasundo sila agad ni Enchong bilang magkatrabaho ay may background pala ang aktor sa martial arts.

Lahad niya, “Ang gaan katrabaho ni Enchong, so parati lang kaming nagtatawanan, and magaling siyang artista.

“Kahit na yung mga action scenes na first time niyang gagawin, ang dali lang niyang natutunan.

“I have a background in martial artis, nag-taekwondo ako dati, nag-aikido, Chinese kung fu.

“Medyo matigas lang ang katawan natin kasi medyo matagal ko nang 'di ginagawa, naibabalik naman kaunti.”

FATHER'S DAY. May selebrasyon ba sila para sa darating na Father’s Day sa Linggo?

Ayon kay Richard. “I’ll be working, kasama ang anak ko, we’ll be in ASAP this Sunday for Father’s Day celebration.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"After that, nandun kami sa UP Town Center for the open kitchen, dun na siguro kami magse-celebrate.

“Usually we just have dinner, basta magkakasama lang kami, celebration na yun.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close