Ruru Madrid says he will court Gabbi Garcia when she turns 18, “Ipapaalam ko po muna sa parents niya kung puwede po.”

Ruru Madrid on his closeness to Gabbi Garcia, "’Di ba, siyempre pagka loveteam, masyadong madikit? So, kami po ni Gab, siyempre dahil very close kami, wala na pong hiyaan.”


Sa muling pagkakataon ay diretsong tinanong si Ruru Madrid kung sila na ba ni Gabbi Garcia.

At sa muli, itinanggi niya ito, “Po? Hindi pa po,” at tumawa ang Kapuso young actor.

Kailan sila aamin?

“Hindi, hindi pa po, e. Pagka naging kami na, aaminin ko po agad.”

Kailan iyon?

“Baka matagal-tagal pa po, kasi siyempre sixteen pa lang si Gab, ‘tapos ako po seventeen pa lang.

“Hihintayin ko siyang mag-eighteen.”


At dun lang niya liligawan si Gabbi?

“Yes!”

Nakausap namin si Ruru sa taping ng show nila ni Gabbi, ang Let The Love Begin sa Annex Building ng GMA Network Center kahapon, Miyerkules, June 17.

Dito ay gumaganap si Ruru bilang si Erick at si Gabbi bilang si Pia.

Wala silang relasyon pero aminado si Ruru na very sweet sila ni Gabbi.

“E siyempre very close naman po talaga kami kaya wala po sa aming malisya.”

Kapag sweet ba ay may malisya na agad?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman po! I mean, 'di ba siyempre pagka loveteam, masyadong madikit?

“So kami po ni Gab, siyemre dahil very close kami wala na pong hiyaan.”

Nanonood rin daw sila madalas ng sine, pero palagi silang may kasama. Ang recent na napanood nila na pelikula ay ang Pitch Perfect 2.

INC CONCERT. Natanong naman si Ruru tungkol sa pag-imbita niya kay Gabbi sa isang pa-concert sa Philippine Sports Arena ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo kung saan kasapi si Ruru.

“E kasi po, 'di ba lagi naman po akong nasa Philippine Arena? So marami rin pong mga fans dun na gusto pong makita si Gab.”

Madalas daw na may event o concert ang INC.

“Kasama po namin sina Jay R, sina Kyla, concert po talaga.”

Tulad ni Gabbi ay hindi miyembro ng INC sina Jay R at Kyla, nag-perform lang ang mga nabanggit sa concert.

“Wala lang po, para magpasaya lang,” kuwento pa ni Ruru.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“‘Di po ba marami kasi akong fans na talagang laging nasa Arena?

“Whenever nandun ako, tini-tweet nila ako na sana one day isama ko si Gab.

“So iyon po yung chance para masama ko si Gab.”

Nag-duet raw sila ni Gab ng Let The Love Begin sa naturang concert kamakailan.

DEVOTEE. Pero sa pagsamba raw ay hindi pa niya niyaya si Gabbi sa sumama sa kanya.

“Wala pa po sa isip namin yun, siyempre nirerespeto ko po yung religion niya ngayon.”

Katoliko si Gabbi, pero wala naman raw masama kung sakaling yayayain niya ang dalaga.

“Pero if ever po puwede rin naman po iyon as long as okey lang naman po sa kanya.

“Basta pagka tinanong ko po sa kanya na, ‘Gab, gusto mo ba na sumama sa akin sa church?’

“So 'pag um-okay siya, siyempre matutuwa po ako.”

Kung siya naman ang yayayain ni Gabbi na sumamang magsimba sa simbahang Katoliko?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi pa po ako kasi nakapasok ng simbahan.”

Kung halimbawa ngang niyaya siya ni Gabbi? Bawal ba sa kanila?

“Hindi naman po bawal. E siguro po kasi yung faith ko po sobrang laki!

“Sobrang laki po ng faith ko sa INC so hindi ko po alam.

“Siguro baka tanggihan ko po pagka in-invite niya ako na pumunta sa church niya.”

COURTSHIP. Sina Gladys Reyes at Christopher Roxas, bago pa man magkaroon ng relasyon noon ay nagpaka-convert na si Christopher sa INC kung saan miyembro si Gladys.

Sabi ni Ruru, “Ganun po talaga, bago ka manligaw ng isang girl, kailangan INC.

“Kasi diyan po mangyayari yung magulo, kunyari kayo na, hindi nyo alam kung saan kayo pupuntang dalawa.

“Maraming mga bagay na hindi puwede sa iyo pero gusto niya yun.”

Paano kung hindi pumayag si Gabbi na magpa-convert sa INC?

“Basta gagawin ko po ang lahat!”

Kapag eighteen na si Gabbi ay sisimulan na niyang gawin ang lahat?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro po. Basta legal naman po.

“Ipapaalam ko po muna sa parents niya kung puwede po.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close