Timmy Cruz visible again and still single

Timmy Cruz relates she chose career over her previous relationship and she has had no regrets since. "I was so focused on my boyfriend… nawawala ako lagi dahil mas strong your personality nung lalaki... sunud-sunuran ka. Sabi ko sa sarili ko, ‘Why don’t you rest a bit?’ And showbiz became my rest, believe it or not.”


Nananatiling single ang singer-actress na si Timmy Cruz hanggang ngayon, simula pa noong pumasok siya sa showbiz noong 1980s at pasikatin ang kantang “I Love You, Boy.”

Choice daw niya na hindi muna mag-asawa.

“I’m single, I choose to stay single, it’s a choice... it comes in your life."

Paliwanag ni Timmy, “I went to this really powerful journey before entering show business.

“And I told myself it’s either mangyayari ulit iyon or hindi na mangyayari.

“Sabi ko sa sarili ko, I don’t think I can duplicate that kind of life, that kind of love.

“So focus first on yourself, kasi dati I was so focused on my boyfriend.

“Ngayon, try naman to focus on yourself… noong nag-focus ako sa sarili ko, nagustuhan ko yung life ko.

“Then I started learning more about myself, how beautiful I am inside.

“Modesty aside, you know, I’ve always been trying to relate myself to other people.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“In the relationship before, nawawala ako lagi dahil mas strong your personality nung lalaki.

“I mean, parang sunud-sunuran ka, and sabi ko sa sarili ko, ‘Why don’t you rest a bit?’

“And showbiz became my rest, believe it or not.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Timmy noong Hunyo 16 sa pictorial at pocket interview ng kinabibilangan niyang play, ang The Glass Menagerie, na ginanap sa Infinitif Entertainment Studio sa Barangay Pio del Pilar, Makati City.


CHOICE. Siguro raw, kung pinili ni Timmy noon ang kanyang non-showbiz boyfriend ay may pamilya na siya.

Noong pumasok daw siya sa showbiz ay pinapili siya ng kanyang boyfriend kung itutuloy nila ang kanilang relasyon and eventually magpapakasal, o kung papasok siya sa showbiz pero maghihiwalay sila.

Pinili ni Timmy ang showbiz kahit masakit dahil gusto niyang tuparin ang kanyang pangarap na maging singer at recording artist.

Sa karanasan nga raw na ito siya humugot ng emosyon sa kanyang hit song na “I Love You, Boy.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa niya, “Well, if I had a choice, I would probably be married to whoever my love was.

“Except I don’t know kung makakapasok ako sa show business.

“Pinapipili kasi ako, parang hindi mo pa nakakamit yung pangarap mo, pinapipili ka na, e.

“So, hindi tayo mag-uusap ngayon kung pinili ko yung pag-aasawa.

“Probably nasa bahay ako o nasa abroad ako… he was my childhood sweetheart.

“We’ve been together for a long time and we were together in school.”


GOOD LIFE. Hindi ba siya nagka-boyfriend sa showbiz?

Saad ni Timmy, “Sa show business, let’s just say mayroon akong naging mga kaibigan, and very irresistible sila.

“But I still chose to took care of myself… along the way nakilala ko masyado yung sarili ko and how precious I am.

“You make your choice, and in my forties, I made a choice.

“Sabi ko sa sarili ko, eto yung life na ibinibigay sa akin, pagyayamanin ko itong life na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But I don’t recommend others to stay single, if there’s a chance to get married, at least get married.

“Being single is not an easy life, but in my case, I’m lucky because I have a good life.”

Hindi raw nakikita ni Timmy ang sarili na makakapag-asawa.

“Hindi na siguro, hindi na. I’m a happy girl.”

So, tinutuldukan na niya ito?

“Well, hindi ako magsasalita nang tapos.”

Wala ba siyang naging regret sa buhay niya lalo na sa mga naging desisyon niya?

Sagot ni Timmy, “No, I don’t. I don’t regret anything in my life.

“My life is a good life and if I haven’t passed through the things I did, I wouldn’t be here.”


NOT A LESBIAN. Nilinaw rin ni Timmy na hindi naman komo’t wala siyang asawa ay tomboy na siya.

“I think being single, we cannot label kaagad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You don’t know where I came from and I don’t know where you came from also.

“If I have to tell you my whole history to prove to you that I’m a woman, speak to me now and I’ll be honest.”

Naging isyu na rin kasi ito dati kay Timmy.

“I think because my managers were kind of boyish at one point… Sandra Chavez.

“But I have never seen that light before.”

Ang manager ngayon ni Timmy ay si Cornelia Lee na kilala as Tita Angge.

Hindi naman daw against si Timmy sa mga tomboy o sa pakikipagrelasyon ng mga ito sa kapwa babae.

“I have nothing against it really. I see people in love, woman to woman, and man to man.

"Right now, I’m at this point that I can actually say kung masaya kayo, e, di masaya kayo.”


FIRST PLAY. Bukod sa masayang buhay, masaya rin daw si Timmy sa pinili niyang showbiz career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hanggang ngayon ay aktibo pa rin siya pag-arte at pagkanta, sa kabila ng pagiging abala rin niya sa kanilang family business.

Once a year ay nakagagawa raw siya ng teleserye.

May bago rin siyang album na kanyang pinU-promote, ang Timmy Cruz: Circles of Love, na siya rin mismo ang nag-produce.

Ngayon ay may bagong source of happiness at excitement si Timmy dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay sasabak siya sa isang play, ang The Glass Menagerie, na produksyon ng The Actors’ Repertory Theater at Thinktalk Creative Communication.

Ididirehe ito ni Edith Mandigma at makakasama ni Timmy sa cast sina Arnold Reyes, Michiko Unso, at Kiko Matos.

“This is my first play, I feel excited and at the same time kind of a little concerned if I can actually pull it off.

“Pero I’m happy to accept this role.

“I’m playing the mother, the name of my character is Amanda Wingfield,” ani Timmy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpapasalamat nga si Timmy sa production team ng The Glass Menagerie headed by Direk Edith sa pagbibigay ng oportunidad sa kanya na makagawa ng isang play.

“Biruin mo, after what... I think twenty-eight years in the industry, ngayon lang ako gagawa ng play.”

Bakit ngayon niya lang naisip na pasukin ang teatro?

“Kasi parang gusto ko munang ma-master yung aking artistry sa TV, and then sa movies, and then yung singing ko.

“Ayokong pagsabayin lahat, e, kasi mahaba pa yung buhay.

“So, parang eto na yung time, lalo na ngayon I’m gonna play a mother, tamang-tama sa age ko.

“So, parang yung timing niya tamang-tama, kailangan talaga ng maraming experience.”

Ayon pa kay Timmy, sa tingin niya ay meant talaga na gawin niya ang play na ito dahil hinanap siya at saka inalok ng role na ito.

“You know, they really sought me out, they looked for me, I didn’t look for them.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“What I did was just accept it based on that, they sought me out.

“Kasi when there’s a chance, I just grab it.

“Hindi nila ako pinag-audition, hinanap talaga nila ako.”

Nakatakdang itanghal ang The Glass Menagerie tuwing weekend mula August 30 hangggang October 3 sa iba’t ibang venues kabilang na ang Music Museum, Jaime Cardinal Sin Auditorium ng Paco Catholic School, St, Bridget’s College Auditorium sa Batangas City, at Sacred Heart College Gymnasium sa Lucena City.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close