Gabbi Garcia on Ruru Madrid’s statement about courting her, "Tingnan natin.”

Gabbi Garcia has a five-year contract with GMA Network with option to renew for another five years, and she intends to stay Kapuso that much longer. “Ano pa ang hihilingin ko, di ba?” she says.


Itinanggi ni Gabbi Garcia na kinaiinggitan siya ng ibang female young stars ngayon sa GMA dahil isa siya sa maituturing na prinsesa ng network.

Sabi nga niya, “Parang hindi ko naman po masabi na kinaiinggitan.

“Kasi po parang most naman po ng mga teenstars they had their time na rin, 'di ba?”

"Had." Past tense?

“Hindi po, I mean kasi po ako bago pa lang po ako sa showbiz, kaka-one year ko lang.

“‘Tapos isa ako sa mga… sobrang blessed na pinagkatiwalaan ako ng GMA ng ganito nga.”

Pero hindi naman daw niya nararamdaman na tila nalalampasan na niya ang ibang mga datihang youngstars sa GMA.

“Wala naman po akong napi-feel na ganun... wala naman pong ganun.

“Siguro nata-timing-an lang po siya ng projects, ganyan.

“Kasi nga po, hindi naman most of the time may show ka.

“So na-timing lang po na ngayon po nabigyan ako ng ganitong shows.

“Malay natin after this, sila naman.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabbi sa taping ng Let The Love Begin noong Miyerkules, June 17, sa GMA Annex Building.

Dalawa ang regular shows ni Gabbi na bida siya, ang InstaDAD tuwing Linggo at ang Let The Love Begin mula Lunes hanggang Biyernes.

Kaibigan raw niya ang ibang young Kapuso actresses, sina Bea Binene, si Barbie Forteza at Joyce Ching.

“Kasi po magkakatabi kami sa dressing room tuwing SAS [Sunday All Stars], sabay-sabay kaming nagme-make-up, nakakapagtsikahan kami.”

RURU. Hiningan namin ng reaksyon si Gabbi sa sinabi ng ka-loveteam niyang si Ruru Madrid na hihintayin nitong mag-18 siya para ligawan na.

“Talaga? Tingnan natin,” at tumawa si Gabbi.

May usapan ba sila ng mga magulang niya na kapag 18 na siya ay puwede na siyang ligawan?

“Wala pong ganung usapan, ang deal po namin is focus muna ako sa career, ‘tapos magka-college pa ako.”

Freshman na si Gabbi sa susunod na semester at gusto raw niya na maging isang lady pilot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kamakailan ay inimbitahan si Gabbi ni Ruru na mag-perform sa pa-concert ng Iglesia Ni Cristo (INC) dahil request raw ito ng mga fans nila.

Devotee ng INC si Ruru at Katoliko naman si Gabbi. Ano ang naramdaman niya habang nagpe-perform sa concert?

“Siyempre naman po all-out support naman po ako para kay Ruru.

“Nakaka-overwhelm kasi first time ko pong maka-attend sa event ng Iglesia Ni Cristo.

“Ang laki ng venue, ‘tapos grabe yung crowd!

“Hindi ko ine-expect na sobrang ano sila, todo-bigay sila talaga.

“Napaka-warm ng pag-welcome nila, hindi ko ine-expect na ganun.

“First time ko, ‘tapos hindi ako Iglesia, so parang nagulat ako na sobrang warm ng pagwe-welcome nila sa akin.”

Samantala, kasama na rin si Ruru sa InstaDAD. Dati kasi ay walang leading man si Gabbi sa show.

Si Juancho Triviño bilang si Dwight ay leading man ni Ash Ortega bilang si Mayumi.

Ngayon bilang si Zig (Ruru) ay may leading man na si Marikit (Gabbi) sa show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad niya tungkol dito, “Siyempre po masaya kasi kasama ko si Ruru and finally nagkaroon din ng love interest yung role ko.”

Sa social media ay may ilang fans na tila inuudyukan si Gabbi na lumipat sa ABS-CBN.

“Ako naman po very contented and blessed po ako sa GMA.

“Grabe po yung binigay po sa akin ng GMA for the past year.

“So masasabi ko pong magpapaka-loyal po ako sa GMA.

“Hindi rin po biro yung tiwalang ibinigay nila sa akin.

“In fact, parang second show ko pa lang ito, ‘tapos ganito agad ang ibinigay sa akin.

“Ano pa ang hihilingin ko, 'di ba?”

Ang My Destiny ang unang regular show ni Gabbi sa Kapuso Network.

“Happy po ako sa GMA kung anuman yung naibibigay nila sa akin.”

Limang taon ang existing na kontrata ni Gabbi sa GMA, na may option to renew for another five years.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close