Juancho Triviño sees entry of Ruru Madrid in InstaDAD as show booster

With three regular shows and guestings, Juancho Triviño is one of the busiest young stars in the Kapuso network, and he is thankful, “Siyempre very excited ako... at masayang-masaya na hindi ako nabakante lately for the past year.”


Umitim ang young Kapuso male star na si Juancho Triviño.

Paliwanag niya, “Nag-beach ako nung Sunday, e. Sa Subic.

“Wala lang, getaway lang, balikan lang.”

May kasama ba siyang special someone sa beach escapade niya?

“Nandun si Ash,” pagtukoy ni Juancho kay Ash Ortega.

Sila na ba ni Ash?

“Hindi po!”

Special someone niya si Ash?

“Special siya kasi loveteam ko siya, iyon yung definition ng special.”

Nakausap namin si Juancho kahapon, June 18 sa GMA Network Center sa thanksgiving presscon ng The Half Sisters kung saan bagong cast member si Juancho.

Tatlong linggo na nga raw na nakakapag-taping si Juancho para sa The Half Sisters na pinagbibidahan nina Barbie Forteza at Thea Tolentino.

“Ang unang naging reaksyon ko dahil sobrang close ko si Thea, sabi ko, ‘Wow makakasama ko si Thea!’

“So tinawagan ko siya agad, ‘May taping ka ba bukas, kasi nasa The Half Sisters na din ako, e!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Na-excite rin daw si Thea nang nalaman na kasama na si Juancho sa teleserye.

Binanggit namin kay Juancho na hindi niya puwedeng ligawan si Thea dahil may Mikoy Morales na ito.

“Opo, e,” ang tumatawang sagot ni Juancho. “Palagi kaming lumalabas nina Thea, ni Mikoy, and my other friends.

“Siyempre very excited ako... at masayang-masaya na hindi ako nabakante lately for the past year.”

Tatlo ang ongoing shows ni Juancho. Bukod sa InstaDAD at The Half Sisters ay regular rin siya sa Bubble Gang.

Kaya labis-labis daw ang pasasalamat niya sa GMA dahil mula Lunes hanggang Linggo, puwera lamang Sabado ay napapanood siya sa telebisyon.

“Nung Saturday may Wish Ko Lang ako,” at tumawa si Juancho.

SHOW BOOSTER. Sa kabilang banda, wala raw problema kay Juancho kung idinagdag sa cast ng InstaDAD si Ruru Madrid para maging love interest ni Gabbi Garcia.

Dati kasi ay si Juancho lamang at ang baguhang Kapuso na si Prince Vilanueva ang mga male youngstars sa show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo, okey lang! Malakas ang following ng GabRu [tandem nina Gabbi at Ruru].

"Magaling silang dalawa and it will help the show.

“For the show naman, hindi naman for me and Ash, e.”

Magkapareha sina Juancho bilang si Dwight at Ash bilang si Mayumi sa InstaDAD. Sa kuwento, nabuntis ni Dwight si Mayumi.

Mabuti at pumayag si Juancho na isang batang-ama ang papel niya na unang beses niyang ginampanan.

“Siyempre before naman yan, dumaan naman sa mga [GMA] boss namin yan, na siyempre in-explain na mabuti yung magaganap sa istorya.

“May tiwala naman kami sa mga scriptwriters na magha-handle nung story so siyempre artistically it will be nice naman.

“Ikagaganda naman ng career ko yun, e. For sure.”

Halimbawang sa tunay na buhay ay may biglang susulpot na babae at magke-claim na nabuntis siya ni Juancho, ano ang gagawin niya?

“Right now, imposible siya, pero kung mangyayari man yun, siyempre magugulat ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I dunno kung ano’ng mangyayari, sabi nila, ikasisira ng career ko yun.

“Pero siyempre magiging inspiration sa akin yun to strive harder.

“Kasi may rason na ako kung bakit ako magtatrabaho bilang para sa pamilya ko kasi, if ever, may bubuhayin na ako.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close