Judy Ann Santos: "I am on my tenth week of pregnancy."

Judy Ann Santos shares how she learned about her pregnancy last May: "Nag-test lang ako kasi we had a friend from Japan na nagbanggit lang sa akin na, ‘Mars, napanaginipan kita, buntis ka daw.’ Tapos binalikan ko, parang wala pa akong period. So, nag-PT [pregnancy test] ako. Dun lumabas [na] positive."


“Now, I am on my tenth week of pregnancy. [Pero] mukha siyang five months!”

Ito ang natatawang pahayag ni Judy Ann Santos tungkol sa kanyang pagbubuntis sa ikalawang anak nila ng mister niyang si Ryan Agoncillo.

Sa edad na 37, aminado si Judy Ann na medyo hirap siya sa pagbubuntis kumpara sa naranasan niya sa kanyang pagbubuntis kay Lucho, mahigit apat na taon ang nakararaan.

“Siguro four and a half years ago ako nagbuntis, so parang naninibago ulit yung katawan ko.

"Sabi nga nila, each pregnancy is totally different.

"So, ngayon, para sa akin, mas antukin lang ako. 'Wag lang ako malingat, tulog ako.

“Medyo kagaya ngayon, salita ako nang salita, hiningal na ako.

“Nung nakaraan naman, walang ganun.

“Kagaya ngayon, ang tagal kong nakaupo, masakit na yung balakang ko,” paglalarawan ni Judy Ann ng kanyang nararamdaman kaugnay ng pagbubuntis niya.

Nakapanayam ng entertainment reporters si Judy Ann sa launch ng kanyang cookbook na may pamagat na Judy Ann’s Kitchen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ginanap ito sa Swatch & Swatch Center sa Makati City, ngayong Biyernes, June 19.


PREGNANCY STRUGGLES. Patuloy na kuwento ni Judy Ann tungkol sa kanyang pagbubuntis, “May mga ganun lang na naku-compare.

"Kasi yung kay Lucho talaga, parang lumaki lang yung tiyan ko, pero wala akong naramdaman na kahit na anong paghihirap. As in, wala talaga.

“Puwede akong tumakbo, puwede akong humiga on the back.

“I can do anything. Puwede ako magpuyat, hindi ako nakakaramdam ng antok.”

Ultimo pagluluto raw ni Judy Ann ay naapektuhan.

Kaya noong unang gabing nakumpirma ng aktres na siya ay buntis, hinayaan niyang si Ryan ang maghanda ng kanilang pagkain.

“Ngayon, hindi talaga, as in hirap na hirap akong magluto.

“I had a hard time cooking for the first few weeks na hindi pa namin alam na buntis ako.

“For some reason, parang lasang bakal lahat ng niluluto ko.

“Hindi ako makapagtimpla.

“Tapos ‘pag kinakain ni Ryan, ‘Bakit ganun, parang lasang bakal?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iniisip ko, ‘May bakal ba akong nilagay dito? Baka naman may bakal akong niluto?’

“May mga ganun. Yun yung mga hirap.”

Sa ngayon, wala pa umanong partikular na pagkaing pinaglilihian si Judy Ann.

“Basta gusto ko lang malutong. Pero hindi ko siya hinahanap.

“’Pag ‘di malutong, okay lang din. Wala namang issue.

"Pero kung may malutong, siyempre dun tayo sa malutong, basta hindi sunog."


BABY MADE IN NEW ZEALAND. Kuwento pa ni Judy Ann, pakiramdam niya ay “made in New Zealand” ang kanyang ipinagdadalang-tao.

Matatandaang nagbakasyon ang mag-asawang Judy Ann at Ryan sa New Zealand, kasama ang best friend ng aktres na si Beth Tamayo, noong April.

Ngunit nalaman lang umano ni Judy Ann na buntis siya bandang huling linggo ng May.

"We've been trying to have a baby for the longest time, pero hindi na namin masyadong ine-effort-an.

"Parang sa amin [ni Ryan], if it happens, it happens.

"Kasi ako talaga, medyo mahirap ako magbuntis even with Lucho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nag-test lang ako kasi we had a friend from Japan na nagbanggit lang sa akin na, ‘Mars, napanaginipan kita, buntis ka daw.’

“Tapos binalikan ko, parang wala pa akong period.

“So, nag-PT [pregnancy test] ako. Dun lumabas [na] positive.

“And then I called my OB [for check-up].”

Mismong mister ni Judy Ann na si Ryan ang nagkumpirmang buntis ang aktres sa Eat Bulaga! noong June 10.

Sabi ni Judy Ann tungkol dito, “Siyempre hindi muna kami nag-announce until nalaman talaga namin na may heartbeat siya and nakita na namin yung hitsura niya. Parang same lang din with Lucho [noon].”

Ayon pa sa aktres, sobrang ikinatuwa ng dalawa niyang anak na sina Yohan at Lucho ang balitang magkakaroon na sila ng bunsong kapatid.

Ang adoptive daughter ni Judy Ann na si Yohan ay 11 taong gulang, habang ang bunsong anak na si Lucho ay apat na taong gulang sa kasalukuyan.

“For some reason, for the first few weeks na hindi pa namin alam yung pregnancy, both our kids are very malambing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yakap nang yakap, kiss nang kiss. Hindi umaalis sa kili-kili ko.

“Hindi naman kayo ganyan. Puwede naman kayo wala sa tabi ko pero ayaw niyo umalis sa tabi ko.

“Nakakaramdam na pala sila. Siyempre, hindi namin alam nung time na yun.”


Ang bunsong anak ni Judy Ann na si Lucho ay halos hindi umano makapaniwala na nagdadalang-tao ang aktres.

“Si Lucho saw my phone. Piniktyuran kasi namin ni Ryan [yung sonogram na pinost ko] sa IG [Instagram], tapos nakita niya.

“Sabi niya sa akin, ‘What’s that?’

"Sabi ko sa kanya, ‘Sweetheart, that’s our baby.’

"‘Where? Inside?’

"Sabi ko, 'Yeah, the baby’s inside mommy’s tummy.'

“So, yun na, nanlaki na yung mata niya.

"‘You have a baby inside?’ Na-amaze na siya,” pagbabahagi ni Judy Ann.

Anong gusto nilang gender ng kanilang magiging bunsong kapatid?

"Lucho will always prefer a boy. Yohan will always prefer a girl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako naman, basta lumabas tao, kumpleto, normal, healthy. Yun naman ang sinasabi namin [ni Ryan].

"Gusto nga nila twins. Sabi ko, lahat naman tayo gusto twins para may period na ang lahat-lahat.

"Pero kung hindi naman, as long as the baby is healthy."

Ngayon pa lang ay natutuwa si Judy Ann na makitang parehong excited sina Lucho at Yohan na maging kuya at ate.

Sabi pa ng Kapamilya actress/TV host, “Ngayon, every single day maggu-good morning siya [Lucho] sa baby, maggu-good morning siya sa tiyan ko.

“Pagdating sa school, hihimasin niya yung tiyan ko. Pagsundo ko sa kanya, hahawakan niya yung tiyan ko.

“Silang magkapatid, ganun palagi sila.

“Every morning, we would always talk about the baby.

“Yohan is excited to be an ate again.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close