Enchong Dee feels the pressure of being a performer and producer of his concert DeeTour2015

Masaya si Enchong Dee na muli na siyang magbabalik sa telebisyon, via My Kung Fu Chinito, matapos ang isang taong pamamahinga. Bukod dito, gaganapin ang kanyang first major solo concert, ang DeeTour2015, sa July 3.


Halos dalawang linggo na lang at mapapanood na ang DeeTour2015, ang first concert ng actor/singer/dancer na si Enchong Dee.

Doble pressure daw ang hatid nito sa 25-year-old Kapamilya star dahil bukod sa first time niyang mag-concert, siya rin ang producer nito.

Meron naman siyang mga staff na nag-aayos ng lahat, pero iba pa rin daw yung matutukan niya ang paghahanda sa concert.

Saad ni Enchong, “Iba pa rin yung tutok talaga, kasi ito yung gusto ko, e.

"Gusto ko talaga siyang gawin, e, at ngayong magagawa ko na siya, hindi ko na siya palalampasin.

“Ayoko siya na simpleng concert lang na para lang masabing makapag-concert lang.

"It’s really something from my heart."

Bakit ganun na lang kahirap ang paghahanda niya sa kanyang concert?

Paliwanag ng “Chinito Problems” singer, “Iba kasi ‘to. Hindi siya katulad ng ASAP na hingal lang yung iintindihin mo.

"Ngayon, pati yung boses mo, kailangan ko na siyang intindihin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, parang dati nagdadaldal ako bago lumabas ng stage [sa ASAP], ngayon hindi na ako masyadong nagsasalita.”

Ang DeeTour2015 ay gaganapin sa July 3 sa Music Museum, Greenhills, San Juan City.

Ang ilan sa mga bigating guests ng show ay sina Yeng Constantino, Gerald Anderson, John Lloyd Cruz, Rayver Cruz, Erich Gonzales, Bea Alonzo, Joseph Marco, at Enrique Gil.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Enchong nitong Miyerkules ng gabi, June 17, sa grand presscon ng Wansapanataym Presents My Kung Fu Chinito.

Ginanap ang presscon sa Wangfu Restaurant, Tomas Morato, Quezon City.


“MY KUNG FU CHINITO.” Ang My Kung Fu Chinito ay isang original creation na Pinoy superhero.

Kuwento ito ng pagpapakita ng katapangan at pagharap sa mga kinakatakutan sa buhay ng mga tao.

Ilan sa mga kaabang-abang na mga eksenang mapapanood dito ay ang action scenes ng character ni Enchong na si Diego at ang co-star niyang si Richard Yap, na gaganap naman bilang si Chairman Tai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May isang fight scene kung saan nabunggo ang tuhod ni Enchong at halos labinlimang minuto raw siyang hindi makatayo.

Pero tinapos pa rin niya ang eksena dahil kailangang wala siyang double dito.

Kuwento ni Enchong, “Meron kasing eksena na hindi ko natantiya yung tama ng paa ko.

“Tumama siya sa shin, hindi ako makatayo dahil sa sobrang sakit.”

Aabutin daw ng halos isang buwan ang therapy ng kanyang paa.

Sa Linggo, June 21, ang pilot episode ng My Kung Fu Chinito sa ABS-CBN.

Ito ang magsisilbing comeback project ni Enchong sa telebisyon matapos ang halos isang taong pamamahinga sa paggawa ng mga teleserye.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close