James Yap on reunion with son Bimby: “May ilangan, pero okay na kami.”

Bagamat inamin ni James Yap na nagkaroon nga sila ng tampuhan ng anak niyang si Bimby, ayaw nang idetalye ng basketbolista ang naging dahilan nito. Aniya, “Kung anumang merong problema, well, okay naman. Wala nang problema. Pero kung anuman yun, sa akin na lang yun.”


“Ayoko na kasi ng gulo. Ayoko na sana magsalita.”

Ito ang sagot ng basketbolistang si James Yap nang tanungin ng Startalk tungkol sa naging tampuhan nila ng anak na si James ‘Bimby’ Aquino Yap Jr.

Matatandaang inilabas ng dating asawa ni James na si Kris Aquino ang tungkol sa halos tatlong buwan nang pagtatampo ni Bimby sa kanyang ama.

Read: Kris Aquino reveals son Bimby’s tampo with dad James Yap

“Three months ba? Baka four months,” pabirong sabi ni James.

Pero nakangiti rin niyang dagdag, “At least, okay na kami.”

Inamin ni James ang tungkol sa tampuhan nilang mag-ama, pero ayaw na raw niyang ikuwento kung ano ang dahilan.

“Kung ano mang meron kaming mag-ama, and siyempre sa akin na lang yun, kung ano man yun.

“Ang mahalaga is nagkita kami nung Wednesday [June 17].

“And sa palagay ko, masaya naman siya, masaya naman ako.”

Read: James Yap spends advance Father’s Day celebration with son Bimby

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Totoong halos tatlong buwan na raw silang hindi nagkita at nagkausap. Kaya nararamdaman daw ni James na hindi pa sila ganun kakumportable sa pagkikitang iyon.

“Siyempre nami-miss ko rin siya. Hindi nawawala yun.

“Siyempre matagal din kaming 'di nagkita.

“May ilangan, pero okay na kami,” sabi nito.

Nakausap namin si James Yap sa practice ng basketball team nilang Star Hotshots sa Ronac Art Center, sa Greenhills, kahapon ng tanghali, June 19.


MORE TIME WITH BIMBY. Nakausap din namin kamakailan ang legal counsel ni James na si Atty. Lorna Kapunan.

Ayon sa abugado, nagpasabi si James na gusto siyang makausap nito.

Ang naramdaman daw ni Atty. Kapunan kay James, tila gusto sana nitong makasama pa nang madalas-dalas si Bimby.

Sabi naman ni James tungkol dito, “Sino ba namang tatay na hindi gusto makasama lagi ang anak mo?

“Pero siyempre, iyon ang napagkasunduan sa court.”

Nabanggit din ni Atty. Kapunan na gusto rin daw sana ni James na magkahilig ang anak niya sa sports, lalo na sa larong basketball.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay James, “Bakit, hindi ba?

“Pero nasa kanya yun kung gusto niya ng basketball.

“Wala namang problema sa akin kung ano man ang hilig ng bata, suportahan ko siya.”


JAMES AND KRIS AS PARENTS. Hindi lang daw sila madalas na mag-usap ni Kris, pero gustong iparating ni James na gusto rin niyang nagkakasundo sila ng dating asawa sa pagpapalaki sa kanilang anak.

“Siyempre, hindi naman natin maitatago yung sitwasyon naming dalawa ni Kris.

“Hindi naman araw-araw puwede kong makasama ang anak ko.

“Hindi naman kami naging successful bilang kaming dalawa, sana maging successful kami bilang nanay at tatay ni Bimby.”

Pero nilinaw ulit ni James na kung anuman ang isyu nila ngayong mag-ama, at pati ang kay Kris, ay hindi naman daw ganun kalaking problema.

“Kung anumang merong problema, well, okay naman. Wala nang problema.

“Pero kung anuman yun, sa akin na lang yun.”

Bago matapos ang aming panayam, inulit namin ang tanong kung okay na ba talaga sila ni Bimby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni James, “Oo, okay naman. Wala nang problema.

“Well… kung ano man ang nangyari sa amin, e, akin na lang yun.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close