Ryan Agoncillo excited about new baby: "I welcome round three."

Ryan Agoncillo shares latest details about their new baby: "I think, she’s now in between the tenth and eleventh week. So, the gender ay makikita sa fourth month pa lang, and the next few weeks, magiging exciting yun."


"Ayos, sarap!"

Ito ang reaksyon ni Ryan Agoncillo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa pagbubuntis ng kanyang asawang si Judy Ann Santos.

Siya Ryan ay bumisita sa presscon ng cookbook ng kanyang asawa, ang Judy Ann's Kitchen na ginanap sa Swatch + Swatch Center, sa Arnaiz Avenue sa Pasay Road, Makati kahapon, June 19.

Dagdag pa niyang pahayag, "Round three, okey ako, ha?

"I welcome round three."

Mas hirap daw magbuntis ngayon ang kanyang misis kumpara noong ipinagdadala nito ang kanilang anak na si Lucho, apat na taon na ang nakalilipas.

Saad ng 37-year-old actor-TV host, "Yun ang sinasabi niya.

"Ngayon raw ay mas mabigat.

"I think, maganda naman yung disposisyon niya lagi, e.

"So whether mabiga o hindi, kaya naman niyang dalhin.

"Pero 'andito pa rin kami sa pag-abang sa paglilihi, kasi I think in a few weeks, lalabas na yun."

HANDS-ON HUBBY. Nasa ika-10 linggo na si Juday sa pagdadalantao at maging siya mismo ay nagsasabing wala pa siyang pinaglilihian sa ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang suportang ibinibigay niya kay Judy Ann?

Aniya, "Ano, the usual trabahong asawa.

"'Di ba, kailangang paghandaan? So as long as she's secure sa kinalulugaran niya, I think we don't have to worry much.

"Right now, shes okay pa naman, wala pa yung sinasabi nilang changes sa isang buntis.

"Wala pa namang mood swings, lagi lang 'yan nakangiti."

EXCITED SIBLINGS. Sa kuwento pa rin ni Juday sa hiwalay na panayam, lagi raw hinihimas ng kanilang anak na si Lucho ang tiyan nito.

Kumbaga, kasing-excited nila ito sa paglabas ng kanyang bunsong kapatid.

Nakangiting pagsang-ayon ni Ryan, "Oo, every morning.

"Kini-kiss niya lagi yung tummy ng mommy niya.

"Well, I'm happy to know, na welcome change ito sa kanila ni Yohan."

BABY NAME. May naisip na ba silang ibibigay na pangalan ni Juday?

Tugon naman niya, "May mga pangalan na naka-line up, but we haven't pinned down anything yet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit kaninang umaga, nag-uusap kami, hindi pa rin kami sure, kung ano, e.

"Siguro, in the next few weeks, may mabubuo naman nang idea.

"Let's see, sa ngayon ang concentration namin ay yung maging healthy ang bata, at maging ang pregnancy niya."

Nagpa-ultrasound na rin daw ang kanyang misis, pero wala pa silang ideya kung lalaki o babae ang gender nito.

Sabi ng Eat Bulaga! co-host, "Yes, na-confirm na namin yung heartbeat.

"We had the first image taken.

"And basically, the baby is now an embryo with a head.

"So kumbaga, mukha na niyang gummy bear doon sa picture.

"I think, she's now in between the tenth and eleventh week..

"So, the gender ay makikita sa fourth month pa lang, and the next few weeks, magiging exciting yun."

MADE IN NEW ZEALAND? Sa puntong ito, ikinuwento namin sa kanya ang biro ni Judy Ann sa presscon proper na hindi niya alam kung saan ba nabuo ang kanilang bunsong anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Base sa kuwento niya, mukhang sa bakasyon daw nila sa New Zealand nabuo ito, pero meron din daw siyang agam-agam na baka raw sa Pilipinas bago sila umalis.

Para raw mas magandang pakinggan, pinaninindingan na lang daw niyang sa NZ ito nabuo.

Natatawang pakli ni Ryan, "Mukhang ganun nga.

"Mukhang ganun ang lumalabas sa bilang."

Ngayong magiging tatay na ulit siya, paano niya ipaparamdam sa dalawa pa niyang anak na ang pagdating nito ay isang magandang regalo sa kanilang pamilya?

Aniya, "The usual 'dad thing'.

"Isang pakete naman 'yan na buo na ibibigay mo.

"Siyempre, mahalin mo, alagaan mo, na ipaparamdam mo sa dalawa na hindi mo naman sila kinalilimutan.

"Mas lalo na ang asawa ko.

"And I think, were all excited to give our love to the fifth member of the family."

CELEBRATING FATHERS' DAY. Father's Day na bukas, June 21.

Paano nila isi-celebrate ito?

Pahayag niya, "As usual, kainan naman ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ganun naman kami.

"It's gonna be a busy weekend.

"Bukas, maybe will just have a lunch or dinner with the family, and that's about it.

"We've always been simple in our celebration naman, and ito namang Mother's Day, nagkataon lang na sumabay sa birthday ni Juday, and nakapag-check in kami sa hotel.

"Pero ngayon, ano kami, working weekend."


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close