Claudine Barretto and Raymart Santiago set aside differences for daughter Sabina’s 11th birthday

Kahit may mga hindi pa nareresolbang usapin sa korte, isinantabi muna ng dating mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago ang kanilang alitan para sa selebrasyon ng ika-11 kaarawan ng kanilang panganay na si Sabina, nitong nakaraang Biyernes, June 19.


Isinasantabi muna ng estranged couple na sina Claudine Barretto at Raymart Santiago ang alitang namagitan sa kanilang dalawa alang-alang sa ika-11 kaarawan ng kanilang panganay na anak na si Sabina.

Biyernes, June 19, muling nabuo ang pamilya nina Claudine at Raymart para sa selebrasyon ng birthday ni Sabina.

Sa Instagram ni Claudine, una itong nag-post ng cake na may mensaheng, “Happy 11th birthday Sabina. Love Mama, Papa, and Saint.”

To our Princess Sabina happy happy Birthday! We luv u so so much!❤️

A photo posted by @claubarretto onJun 18, 2015 at 9:39pm PDT

Kasunod nito ang family photo nila.

Sabi ni Claudine sa caption: “Happy 11th Birthday to our Princess Angel.u have brought to much Joy to our family.We thank God for u every single Day.we luv u so much!we will always be here for u."

A photo posted by @claubarretto onJun 18, 2015 at 9:55pm PDT

Narito pa ang ibang posts sa Instagram ni Claudine sa nangyaring birthday celebration ni Sabina:

Happy Birthday!!!!🎈🎈🎈🎈🎈🎈🎈🎈

A photo posted by @claubarretto onJun 18, 2015 at 9:55pm PDT

Happy Day🎈🎈🎈🎈❤️

A photo posted by @claubarretto onJun 18, 2015 at 10:26pm PDT

Sa kabilang banda, dalawang video naman ang ibinahagi ni Raymart sa kanyang followers.

Sa unang video, binati niya ang panganay na anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi nito, “Happy birthday my Sabina...i love you 😍

Happy birthday my Sabina...i love you 😍

A video posted by raymartsantiago (@raymartsantiago) onJun 18, 2015 at 10:19pm PDT

Did you order LARGE pizza????

A video posted by raymartsantiago (@raymartsantiago) onJun 18, 2015 at 10:23pm PDT

Kahit na may mga kinakaharap pang kanya-kanyang kaso ang dalawa sa iba’t ibang korte kung saan sila-sila rin ang nagdidemandahan sa isa’t isa, nanatiling civil ang relasyon nina Claudine at Raymart dahil sa kanilang mga anak na sina Sabina at Santino.

Sa huling panayam kay Claudine, sinabi nitong, “We’re very civil. Yes, now we're talking,” patungkol sa relasyon nila ni Raymart.

Read: Claudine Barretto says she's civil to estranged husband Raymart Santiago and sister Marjorie Barretto

Si Raymart naman, aminadong mahirap nang maibalik ang dating samahan nila ng asawa.

Read: Raymart Santiago on reconciliation with Claudine Barretto: "Wala nang second chance yun."


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close