Isabelle de Leon prefers more mature guys: "Pero hindi naman yung sugar-daddy level.”

Isabelle de Leon on non-showbiz suitor: "Siguro, talaga pong hindi pa yun ang right time, and right moment. Matangkad siya, pero nagkataon din na medyo malaki ang age gap din namin. Naisip ko na baka hindi pa yun ang right time."


Si Alex Castro ay ilang beses nang nagpakita ng kanyang magandang pangangatawan sa latest episode ng TV5's Wattpad Presents: Jenny and the Magic Arinola, kunsaan si Isabelle de Leon ang kanyang ka-partner.

Dahil nga dito, hindi maiwasan na makantiyawan si Isabelle ng ilang entertainment media, kasama na ang PEP.ph, (Philippine Entertainment Portal) kung hindi raw ba siya nagkaroon ng crush sa kanyang leading man.

Nakausap si Isabelle ng PEP sa pocket presscon para sa seryeng ito na ginanap sa Kimono Ken, sa Tomas Morato, Quezon City, noong June 17.

Reaksyon ni Jenny (na gumaganap bilang si Jenny sa serye) , "May girlfriend na siya.

"Okey lang na magka-crush, kung wala siyang...

"Mabait naman po si Alex.

"Pero crush lang naman, a. Inaano lang.

"Ano? May anak na siya? Hindi ko po alam 'yan, a.

"Pero masaya ako na magkasama ulit kami, pangalawa na 'to, hindi nga lang sa Wattpad yung una."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HUNKY CRUSHES. Mukhang mahilig ang Kapatid actress sa hunky actors base na rin sa line up ng kanyang crushes sa showbiz.

Una nga ay si Daniel Matsunaga.

Pagsasalarawan niya kay Daniel, "Unang-una yung ano niya...kasi, marami naman talaga sa industriya natin ang mga guwapo na talaga namang may abs, pero natuwa lang talaga ako sa kanyang attitude.

"Parang ang humble niya, parang ang galing niyang makisama, yun.

"Yun ang nagustuhan ko sa kanya.

"Pero taken na siya, " sabay tawa niya.

Si Erich Gonzales ang current girlfriend ngayon ni Daniel.

Dugtong pa niya, "Hindi pa kami nagkikita nang personal

"Pero 'pag nagkita kami, hindi ko aaminin sa kanya na crush ko siya.

"Paghanga lang naman yun, at bagay naman sila ni Erich."

Ang pangalawang crush niya ay si James Reid.

Paliwanag niya na natatawa pa rin , "Naka-move on na kaagad kay Daniel.

"Marami rin naman sigurong humahanga sa kanya.

"At may abs."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa niya, "Dati nga ang crush ko ay si Bamboo.

"Kasi ang galing niyang mag-perform ng music niya.

"Sexy siya, kaya siguro wala din sa abs yun, baka nagkataon lang."

NON-SHOWBIZ SUITOR? Sa edad niyang bente anyos, wala siyang boyfriend ngayon, pero may nanligaw din naman sa kanya.

Hindi nga lang niya ito pinangalanan bukod pa sa non-showbiz guy ito.

Aniya, "Usually kasi po, bet niya ako, at bet din niya ako.

"May pagkakataon din po na, muntik na, e. Muntik na talaga.

"Siguro, talaga pong hindi pa yun ang right time, and right moment.

"Matangkad siya, pero nagkataon din na medyo malaki ang age gap din namin.

"Naisip ko na baka hindi pa yun ang right time."

Mas gusto ba niyang kasing edad lang niya o mas mature sa kanya?

Sabi ng TV5 actress, "Siguro. yung medyo mature nang konti, pero hindi naman yung sugar-daddy level.

"Mga twenty-five, o kaya twenty-six, kasi twenty years old pa lang naman ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ganun siguro."

THREE WISHES. Samantala, ang seryeng pinagbibidahan niya na ipapalabas na simula sa Lunes, June 22, ay tungkol sa isang genie na lumalas na arinola instead sa isang lampara.

Kung sakling may tatlong wish siya na hihilingin rito, anu-ano ang mga ito?

Aniya, "Siguro, more love, kasi ang bawat isa ay deserving.

"Kasi, kapag mas maraming pag-ibig sa puso, if there's more love sa family, sa lovelife o sa kaibigan, mas magiging happy tayo lahat.

"Pangalawa, sana ay matagpuan na ako ni 'The One,' hayun.

"Kung nasaan man siya ngayon, sana magpakita na siya.

"And yung pangatlo, sana'y mabigyan pa niya ako ng tatlo pang wish.

"Sana, para mas marami pa akong magawa."


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close