Christian Bautista happy for Rachelle Ann Go’s success in West End: “It’s really her year.”

Christian Bautista is proud of ex-girlfriend Rachelle Ann Go’s enduring success in the international theater scene: “It’s really her year. And I’m very happy. And talagang… sunud-sunod! Grabe! So, hopefully, mas marami pang glory na maibigay niya sa Filipino entertainers everywhere.”


Masaya si Christian Bautista sa patuloy na pag-ani ng tagumpay ng kanyang ex-girlfriend na si Rachelle Ann Go sa West End, partikular na sa pagganap nito ngayong bilang Fantine sa Les Miserables.


Bago ito ay umani rin ng papuri si Rachelle Ann dahil sa pagganap niya bilang Gigi sa Miss Saigon.

Sabi ni Christian, “It’s really her year and I’m very happy.

“I hope I could see her as Fantine.

“And talagang sunud-sunod! Grabe!

“So, hopefully, mas marami pang glory na maibigay niya sa Filipino entertainers everywhere.”

Siya ba ay nai-inspire din sa nagiging direksiyon ng career ngayon ni Rachelle na patuloy na nakikila internationally?

“Yeah, I would love to do one show abroad as well, whether Broadway or West End.

“I just gotta dance! So, medyo mahirap, 'di ba?

“So, kapag natuto na ako… kasi doon lahat magaling, e. Can sing, can dance, can adlib.

“And Rachelle can do all that. So I gotta, you know, prove myself some more.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And hopefully, you know, if it’s the right project, sana,” asam ni Christian,

Noong gumanap si Rachelle Ann sa Miss Saigon, nagpunta siya sa London at pinanood niya ito. Gagawin ba niya ulit ito ngayon at manonood ng Les Miserables?

“Oh, I don’t know. I just don’t know.

“One year naman iyon, e. And habang may visa pa, sayang!” natatawa niyang sabi.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Potal) at iba pang miyembro ng media si Christian sa The PEP List Year 2, na ginanap sa Grand Ballroom ng Solaire Resort & Casino, noong Huwebes, June 18.

Kabilang siya sa nag-perform, kung saan nag-duet sila ni Jonalyn Viray ng awiting “Come What May” na kasama sa latest album ni Christian na pinamagatang Soundtrack.


COLLABORATION WITH JESSICA SANCHEZ. Inusisa rin si Christian tungkol sa sinasabing recording niya with former American Idol finalist Jessica Sanchez.

Saad niya, “Oh yeah! Well, it’s a teaser lang naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, malalaman din natin iyon in the next few weeks or in next few months, what it is.

“Pero the title is 'Two Forever.' We had a great recording and we will release it when the right time comes.

“Napakagaling ni Jessica Sanchez. Ia-announce namin when we release the duet soon.

“Sa ngayon, ano pa… secret pa. Pero ang galing!

“Ang galing niyang kumanta.

"Iba talagang mag-record sa Amerika and sana maganda yung mangyari.

“I’m excited. I can’t wait!

“And kaya ba ng boses ko na i-match yung boses niya na sobrang galing? Pero it came out very well.

“Si Jessica, she has so much work nga sa America right now. Na parang hindi na siya makabalik [sa Pilipinas].

“And she’s proud... I’m proud also that I get to work with her,” pagmamalaki niya.

Dahil sa mga papuring inaani ng Pinoy artists sa ibang bansa, natutuwa si Christian sa inspirasyong naidudulot nito sa ating mga kababayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun nga. It brings inspiration to everyone.

“Nakakalimutan mo yung mga problema mo ng konti.

"Lumalakas yung loob mo na kaya pala, so baka kaya mo rin.

“Well, thank God!” pagpapasalamat niya.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close