Sarah Lahbati leaves GMA Artist Center, signs up with Viva Artists Agency

Sarah Lahbati on her dream to record an album: “It’s never too late for me to do what I have been wanting to do. I’m still young. I’m only 21. I’m excited to do this, it’s not yet late and I have no regrets.”


Tuluyan nang kumalas si Sarah Lahbati sa GMA Network at GMA Artist Center pagkatapos ng kanyang five-year contract dito.

Noong Huwebes, June 18, pormal nang pumirma ng kontrata ang StarStruck V Ultimate Female Survivor sa Viva Artists Agency (VAA) upang maging contract star ng Viva Entertainment.

Ginanap ang contract signing sa Viva office sa Philippine Stocks Exchange, Ortigas Center. Dinaluhan ito ng big boss ng Viva na si Vic del Rosario at mga anak nitong sina Vincent at Veronique del Rosario.

Matagal-tagal ding namahinga si Sarah sa paggawa ng mga proyekto sa showbiz, mula nang ipagbuntis at isilang niya ang anak nila ni Richard Gutierrez na si Zion, na ngayon ay two years old na.

Natapos ang kontrata ni Sarah sa GMA Artist Center at sa Kapuso network ngayong 2015, kaya malaya na raw siyang makapili kung sino ang gusto niyang humawak sa kanyang career.

Ano ang pakiramdam na isa na rin siyang Viva artist?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Sarah sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “First of all, I wanna thank the Viva family for welcoming me.

“I’m very, very excited to start working again and doing what I love and, you know, I can’t wait to sing and act.

“I know that I’m in very good hands, so I’m just excited to go back to work and do what I love most.”

Ayon naman kay Boss Vic, ngayong nakapirma na si Sarah sa Viva Artists Agency, open ito ngayon sa kahit na anong network. Kung alin ang may magandang offer, yun ang posibleng pag-uusapan pa nila.

Pero kung si Sarah ang papipiliin, saang network niya gustong mapabilang?

Sagot niya, “Kung saan ako okey, I don’t have any preference. Kung saan po may magandang offer.”

Pero kahit saan daw magpuntang network si Sarah, magiging bahagi pa rin siya ng It Takes Gutz To Be A Gutierrez na ipinapalabas sa E! at sa TFC (The Filipino Channel).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


LEAVING GMA NETWORK. Wala na nga ngayon si Sarah sa GMA Network, na nagbukas ng pinto para sa kanya sa showbiz sa pamamagitan ng StarStruck V.

Naging maayos naman daw ang pagpapaalam niya rito.

“Maayos yung usapan namin before this.

“And, you know, this is something I wanna say, I will always be grateful to them because I wouldn’t be here also if not for them.

“They have helped me a lot and I will always be grateful to GMA.

“Maayos yung usapan namin,” giit pa ni Sarah.

Ang boyfriend naman ni Sarah na si Richard ay suportado rin ang mga ginagawa niya ngayon.

“You know, Chard has always been very supportive of me.

“Hindi siya yung tipong, ‘You can’t do this, you can’t do that…’

“As long as he knows that I’m doing something that matters, something that I love, and something na makakaapekto ng audience.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi siya yung tipong nananakal. He’s always been very supportive.”

VIVA ARTISTS. Bilang bahagi na ngayon ng VAA, sino sa Viva artists ang gusto niyang makasama o maka-collaborate sa mga magiging proyekto niya?

Sagot ni Sarah, “I’m excited to meet all the Viva artists.

“But I actually just met Ms. Sarah G [Geronimo] recently during the Belo pictorial.

“Sabi niya, ‘Hi, I’m Sarah!

“’Hi, I’m Sarah!’

“But, yeah, I’m excited to meet all the Viva artists.”

Maliban kay Sarah Geronimo, nasa pangangalaga rin ng Viva sina Anne Curtis at Cristine Reyes. Paano niya magagawang iba sa kanila?

Sabi ni Sarah, “You know, there’s so many things I want to do.

“There’s so much goals I want to accomplish.

“I can’t say that puwede akong ilagay sa isang kahon na ito lang ang puwede kong gawin dahil, you know, I’m hungry to act again, I want to sing, I want to do different things.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko maikukumpara ang sarili ko, but I’m excited to learn from great artists and artists that has been in the industry for a long time.”

Sino pa ang gusto niyang maging leading man bukod kay Richard?

“Aside from Chard?” natawa niyang sabi.

“Well, of course, I’m excited to work with Chard again if given the chance and that would be amazing.

“I’ve been wanting to work with John Lloyd Cruz also because he’s a very good actor.”

RECORDING STAR. Hindi naman itinago ni Sarah na gusto niyang makapag-record ng sarili niyang album at maipakita ang kanyang talento sa pag-awit at pagsayaw.

“You know, I’ve always loved music and I love singing.

“Pero yung talagang palagi kong pinapakinggan is R&B, soul, jazz.

“I like all kinds of genre but R&B yung palagi kong pinapakinggan.”

Nagpa-sample pa si Sarah at isang French song ang napili niyang kantahin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilan daw sa mga paboritong singers niya ay sina Norah Jones at Rihanna.

“They are from two different genre, but yun nga po, I like R&B, jazz and soul. Sometimes it depends on my mood.”

Dahil isang French song ang inawit niya, tinanong si Sarah kung isasama ba niya ito sa gagawing album.

Nakangiti niyang sagot, “Matagal ko na pong pangarap na makakanta ng isang French song sa album ko, and yun din po talaga ang pangarap ko, magka-album, and I’m very grateful that my dreams are coming true.”

Anim na pelikula ang nasa kontrata ni Sarah sa Viva Films at wala raw itong depinidong time frame.

Wala rin daw magiging problema kung sakaling gumawa siya ng pelikula sa labas dahil ang VAA naman ang magma-manage ng career niya.

NEVER TOO LATE. Naitanong din ng PEP kay Sarah kung wala siyang naramdamang panghihinayang na hindi niya nagawa ang talagang gusto niyang gawin noong nasa GMA pa siya—ang makapag-record ng album.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “It’s never too late for me to do what I have been wanting to do.

“I’m still young. I’m only 21.

“I’m excited to do this, it’s not yet late and I have no regrets.”

Patuloy ni Sarah, “Well, when I first signed, I was very young, I was 16.

“So much has changed. I got Zion. Ang dami pong nangyari at ang dami pong nagbago.

“But, I think, lahat ng yun, shaped me up to a more mature person, a more excited person to work…

“And I feel, like, mas hungry ako ngayon to do what I want to do.

“Parang mas workaholic ako ngayon compared to when I was not a mother.”

Handa na siyang balansehin ang pagiging mommy niya at pagiging aktibong muli sa showbiz?

“I know how to balance my work and my personal life.

“It can be hard sometimes, but I always look forward to spend time with Zion, and very important for me to see him grow up.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kakapasok lang niya sa school recently and I’m excited na nakasama ko siya, natutukan ko yung importanteng moment na yun sa buhay niya at sa buhay namin.

“I know how to balance naman my work and my personal life.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close