Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Piolo Pascual to Judy Ann Santos: “Sana maka-work kita ulit.”

by Bernie V. Franco
Jun 21, 2015
Bukod sa pinasalamatan ni Piolo Pascual si Judy Ann Santos dahil nakilala siya sa kanilang tambalan, sinabi pa ni Piolo na sana muli silang magkatrabaho ng aktres.

“Sana maka-work kita ulit,” bahagi ito ng post ni Piolo Pascual sa kanyang Facebook at Instagram accounts ngayong hapon ng Linggo, June 21.

Kalakip ito ng larawan nila ni Judy Ann Santos, dati niyang screen partner.

Kuha ang larawan sa backstage ng ASAP 20 kung saan naging guest ang aktres.

Pinasalamatan din ni Piolo si Juday dahil nabigyan daw siya ng pagkakataong makilala sa showbiz nang makatambal ang aktres.

“So great to see the person that gave me my biggest break in showbiz... I'll always be indebted to your kindness?... Congrats on another blessing;) Sana makawork kita uli @officialjuday”

Nagsimula ang tambalang Piolo-Juday sa teleseryeng Esperanza noong late '90s na naging pelikula pa. Subalit pumatok at naging phenomenal ang kanilang love team noong early 2000.

Kabilang sa mga pelikulang ginawa nila ay Bakit 'Di Totohanin (2001), Till There Was You (2003), at ang Don't Give Up on Us noong 2006 na pinakahuling project nila.

Continue reading below ↓

Mula noon ay hindi na nasundan ang nasabing pelikula, sa kabila ng hiling ng kanilang mga fans, dahil nagkaroon daw ng samaan ng loob ang dalawa.

Noong 2012, sinabi ni Juday sa isang interview na hindi siya tumatanggi sa posibilidad na magkatrabaho silang muli ni Piolo, subalit ayaw raw niya itong piliting mangyari.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Mangyayari kung mangyayari,” sabi pa ng aktres.

Watch: Judy Ann Santos on reunion project with Piolo Pascual: "Anything can happen... but not this year."

Read Next
Read More Stories About
Piolo Pascual Instagram
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bukod sa pinasalamatan ni Piolo Pascual si Judy Ann Santos dahil nakilala siya sa kanilang tambalan, sinabi pa ni Piolo na sana muli silang magkatrabaho ng aktres.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results