Lloyd Lee ecstatic about pregnancy of wife Shamcey

Lloyd Lee is thankful for the bounty of blessings on his 34th birthday: “There’s nothing more I can ask for as a gift. Because I already have it. I have my beautiful wife Shamcey, our baby is coming soon and our first business venture is doing great. We are so blessed and my birthday wish is good health and a happy and wonderful life with my family.”


Three-in-one celebration ang naging pasabog ng mag-asawang Lloyd Lee at 2011 Miss Universe 3rd runner-up na si Shamcey Supsup-Lee para sa kanilang pamilya, kaibigan, at miyembro ng media noong nakaraang June 16, sa Fisher Mall, Quezon City.

Una rito ang grand opening ng kanilang unang business venture, ang restaurant na Pedro ‘N Coi, na matatagpuan sa 3rd level ng Fisher Mall.

Nagkaroon sila ng soft opening four months ago at naging maganda ang feedback ng mga naging customers sa all-time favorite Pinoy dishes nila with a twist.

“Pinaghandaan talaga namin ni Lloyd ang business na ito even before we got married in 2013.

“We want a restaurant business that will cater to a lot of people. Yung makakain na nila ang mga paborito nilang pagkain but we gave it a special presentation.

“That’s why we came up with Pedro ‘N Coi.

“The name comes from our own names. Pedro because the real name of my husband is Lloyd Peter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung Coi naman, that’s my nickname when I was growing up in General Santos City. Tawag nila sa akin ay Coi-Coi,” pahayag pa ni Shamcey.

RESTO CONCEPT. Ang idea nga raw ng kanilang Pinoy restaurant ay galing mismo kay Lloyd na lumaki talaga sa Manila kahit na isa itong Chinese.

“I grew up in Manila. Kaya batang Maynila ako.

“Everyone thinks na porke’t Chinese ang family ko, Chinese restaurant ang itatayo namin.

“In reality, I really enjoy Pinoy food. Lahat ng mga nasa menu ay mga favorites namin ni Shamcey when we were growing up.

“Yung adobo, pansit canton, kare-kare, and others have been the fave food of so many people in Manila. Kaya ito ang dapat naming ibenta sa kanila.

“We just gave it a special presentation para mas attractive siyang kainin and maging topic of conversation.

“Uso na kasi ang mga food pics sa social media, ‘di ba? So we take pride when customers post our food sa Instagram, Twitter and Facebook,” kuwento naman ni Lloyd.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOSTALGIC INTERIORS. Kahit ang interior ng kanilang resto ay hati sa idea ang mag-asawang Lloyd at Shamcey.

Ayon kay Shamcey, “Dito sa baba, side ito ni Lloyd kaya ang mural namin ay the busy street of Manila.

“'Tapos may jeepney. Lloyd kasi is a certified Manileño. Mas alam niya ang Manila kesa sa akin.

“Yung second floor naman ay side ko. It’s like our house in GenSan with the big capiz windows at mga wooden furnitures.”

Dagdag pa ni Lloyd, “The place is very nostalgic. We play music from the ’70s, ‘80s and ‘90s.

“They can also take their selfies with our murals kasi may painting ni Doc Aga [Muhlach] in his Hapi Hayop Clinic [from the sitcom Oki Doki Dok] and Enteng Kabisote [Vic Sotto] in his Enteng’s We Butiting Everything shop from Okey Ka, Fairy Ko. So pang-throwback ang resto namin.”

PREGNANCY. Pangalawang cause for celebration ay ang announcement ng dalawa na buntis na ang beauty queen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Seven weeks pregnant si Shamcey, at tamang-tama lang daw ito dahil mababati na niya ng Happy Father’s Day si Lloyd.

“Yes I am seven weeks pregnant.

“A few weeks ago kasi, I was feeling sick. 'Tapos parang nahihilo ako. Then I was experiencing yung throwing up in the morning.

“When I researched it, symptoms siya ng pagiging buntis. When I took a pregnancy test, it turned out positive.

“'Tapos pumunta pa kami sa OB-Gyn ko and I am pregnant nga.

“Siyempre, unang natuwa aside from us was our families.

“Matagal din silang naghintay na magkaroon na kami ng baby and it happened na. Answered prayer from God,” masayang balita ni Shamcey.

Isang anak nga lang ang gusto ni Shamcey pero hiling ni Lloyd ay dalawang anak naman daw.

“I come from a big family kasi. I am the eldest of four kids. Kaya masaya ang marami kayong magkakapatid.

“Si Shamcey kasi only child siya kaya hindi niya naranasan na magkaroon ng mga siblings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko na gawin naming dalawa para hindi maging lonely ang panganay namin,” diin pa ni Lloyd.

Kung si Shamcey nga raw ang masusunod, gusto niya ay baby girl ang panganay nila para meron daw siyang maaayusan. Feeling daw niya kasi na kapag lalake ang panganay nila ay magiging makulit ito.

Pero para kay Lloyd, it doesn’t matter kung girl or boy ang una nilang baby.

“Just as long as the baby is normal and healthy. Kahit na girl or boy pa siya, it’s a blessing from God and we will love this baby forever.”

LLOYD'S BIRTHDAY. Third surprise sa araw na iyon ay ang mismong birthday ni Lloyd. He just turned 34 years old.

Para kay Lloyd ay perfect timing daw ang lahat para sa kanilang mag-asawa.

“Everything seemed to have fallen into its proper place.

“The baby came at the right time. I’m 34 and Shamcey is 29. Tamang-tama lang to start our family, ‘di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“There’s nothing more I can ask for as a gift. Because I already have it.

“I have my beautiful wife Shamcey, our baby is coming soon, and our first business venture is doing great.

“We are so blessed and my birthday wish is good health and a happy and wonderful life with my family,” pagpapasalamat niya.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close