Ai-Ai delas Alas admits the name Gerphil Flores doesn’t ring a bell for her

Ai-Ai delas Alas on non-stop bashings: “Alam mo naman ang mga yun, porke’t uso ang bashing, lahat na lang bina-bash. Ganun lang naman yun. A-accept-in mo lang naman na uso ‘yan ngayon. Basta ‘mema’ lang… me masabi lang.”


Inamin ni Ai-Ai delas Alas na hindi niya matandaan noong una si Gerphil Flores kaya nagtataka ang Comedy Queen kung bakit siya bina-bash ng supporters nito.

Si Gerphil ay naging finalist sa Asia’s Got Talent, ngunit bago ito ay sumali muna siya sa Season 1 ng Pilipinas Got Talent ng ABS-CBN noong 2010.

Isa si Ai-Ai sa naging judge ng nasabing reality show, kasama sina Kris Aquino at Freddie M. Garcia.

Hanggang semifinals lang umabot si Gerphil—na unang ginamit ang pangalang Fame Flores—pagkatapos mag-“No” sa kanya sina Ai-Ai at Kris.

Natatawang pahayag ni Ai-Ai tungkol sa pamba-bash sa kanya dahil kay Gerphil, “Alam mo, sa totoo lang, nakakatawa dahil dati, totoo, hindi ko siya matandaan! Hindi ko matandaan!

“Sabi ko, ‘Ano ba yung sinasabi nila na bina-bash? Ano yun, bakit bina-bash? Ano bang meron?’

“So, nung akala ko tsika lang nang tsika, so dumating yung time na tiningnan ko nga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi sa Instagram ko, parang ‘Ano pong masasabi n’yo na hindi n’yo po pinanalo si Gerphil?’

“Sabi ko, ‘Sino ba si Gerphil?’

“Hindi ko matandaan, so ginoogle ko, sabi ko, ‘A, si ano, yung kumakanta ng… si Fame!’

“Kasi hindi naman siya Gerphil nun, e. Kaya ako, ‘Sino ba si Gerphil?’ Hindi ko matandaan!”

Patuloy pa ng Kapuso star, “In fairness kay Gerphil, nung panahon namin na nandun siya [sa Pilipinas Got Talent], in fairness naman sa amin ni lola [Kris], hindi siya kasing-galing ngayon.

“Magaling si Gerphil ngayon, nag-bloom siya talaga. Nag-bloom siya.

“Noon kasi, parang kinakabahan siya.

“At saka totoo naman na, dito naman sa Pilipinas talaga, hindi naman uso talaga yung opera, yung opera-opera.

“Pero kung nung kinanta niya, kinanta niya nun sa amin, pasok na pasok siya kay Kris nun.

“Siyempre favorite ni Kris yung kantang yun, ‘Impossible Dream.’”

Pero pag-iwas na ni Ai-Ai, “Tama na nga, hindi naman makakatulong 'yan sa Let The Love Begin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Let The Love Begin ay ang kinabibilangan niyang primetime series sa GMA Network. At sa taping ng nasabing programa sa GMA Annex Building, noong June 17, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ai-Ai.

BASHERS. Ano ang masasabi niya na madalas magkaroon ng guestings ngayon sa GMA si Gerphil?

“Okay! E, di fantastic!” bulalas ni Ai-Ai.

Kung pagsamahin sila sa isang show?

Natatawang sagot niya, “Okay, fine, let’s go!”

Pero seryoso niyang dagdag, “Oo naman, siyempre okay lang naman yun.”

Ano naman ang masasabi niya na hindi pa rin siya tinatantanan ng mga bashers?

Sagot ni Ai-Ai, “Alam mo naman ang mga yun, porke’t uso ang bashing, lahat na lang bina-bash.

“Ganun lang naman yun. A-accept-in mo lang naman na uso ‘yan ngayon.

“Basta ‘mema’ lang… me masabi lang.”

Hindi na raw naaapektuhan ng bashers si Ai-Ai.

“Hindi! Bakit ako maaapektuhan?”

Hindi rin daw siya pumapatol sa mga bashers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi. Unang-una, lahat naman bina-bash nila, e.

“Basta mga gusto lang nila!

“Bakit ba kasi nauso ‘yan?

“Hindi, alam mo, kasi binigyan natin sila ng karapatan na mag-ano, e, na magsalita.

“Hindi naman uso ‘yan dati, e. Ngayon na lang naman nauso ‘yan.

“So, deadma.”

NOT RUNNING. Sa kabilang banda, muling iginiit ni Ai-Ai na hindi na tuloy ang plano niyang tumakbo sa pulitika.

“Matagal ko nang sinabing hindi ako tatakbo.”

Bakit nagbago ang isip niya?

Saad ni Ai-Ai, “E, hindi naman talaga nasa puso ko na tatakbo ako, e.

“Sinabi ko naman yun, iisipin ko muna.

“Then, nung sinabi ni Ate Vi [Batangas Governor Vilma Santos] na, ‘Kailangang isapuso mo ‘yan.’

“E, marami pa akong gagawin! Hindi naman nasa puso ko talaga yun.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close