Preggy Judy Ann Santos on ABS-CBN’s decision to postpone her teleserye until she gives birth: "Halos naiyak ako."

“The last time I talked to them about my pregnancy, I was willing to let go of the project and give it to another actress. Kasi sabi ko, it’s gonna be unfair naman for the rest of the cast na magpapahintay ako," says Judy Ann Santos who was admittedly surprised by ABS-CBN’s decision to delay Someone To Watch Over Me until she’s ready to get back to work.


“Ibang klaseng blessing talaga na may naipundar kang magandang pundasyon sa mga taong katrabaho mo.”

Ito ang pahayag ni Judy Ann Santos tungkol sa desisyon ng ABS-CBN na pansamantalang ipagpaliban ang teleseryeng nakatakda sana niyang pagbidahan, kasama si Richard Yap, ang Someone To Watch Over Me.

Noong nakaraang linggo ay inanunsiyo ng Kapamilya network na hihintayin ng production team ng naturang proyekto ang pagbabalik-telebisyon ni Judy Ann, na kasalukuyang tatlong buwang buntis sa ikatlong anak nila ni Ryan Agoncillo.

Sa parte ni Judy Ann, hindi raw niya inaasahang ibibigay pa rin sa kanya ang naturang proyekto sa kabila ng biglaan niyang pag-leave of absence dahil sa kanyang pagbubuntis.

“Sa totoo lang, I was really surprised with the announcement of Dreamscape when Sir Deo [Endrinal, ABS-CBN business unit head] actually told me kung ano'ng desisyon ng Dreamscape.

“The last time I talked to them about my pregnancy, I was willing to let go of the project and give it to another actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi sabi ko, it’s gonna be unfair naman for the rest of the cast na magpapahintay ako,” sabi ni Judy Ann.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment reporters si Judy Ann sa presscon ng kanyang kauna-unahang recipe book na may pamagat na Judy Ann's Kitchen.

Ginanap ito sa Swatch & Swatch Center sa Makati City noong Biyernes, June 19.

GETTING EMOTIONAL. Ayon pa kay Judy Ann, naiintindihan niya na marami ang umaasang matuloy ang proyekto, kaya noong una ay kinausap niya ang pamanuan ng ABS-CBN na walang problema kung sakaling may pumalit sa kanyang gagampanang papel.

“I really love the project, pero siyempre ayoko naman maging unprofessional dun sa thought na maging sakim ako sa idea na, ‘Hindi, akin lang dapat ito.’

“So, with the last talk I had with Sir Deo, yes, I’m okay na mag-change ng leading lady. Ako na lang ang mag-explain sa ibang cast members.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"That was before the announcement."

Kaya nang malaman ni Judy Ann na sa kanya pa rin nakalaan ang Someone To Watch Over Me ay hindi raw niya napigilang maging emosyunal.

Lahad pa ng 37-year-old Kapamilya actress, “Then the other day [June 17], they issued an announcement that they will be waiting for my comeback.

“Sobra akong... halos naiyak ako, na-touch ako dun sa thought na ang dami palang tao na puwedeng maghintay sa akin.”

Kung saka-sakaling itinuloy ang taping ng naturang teleserye, aminado si Judy Ann na hindi niya kakayaning sumabak sa pisikal na training para sa kanyang role bilang isang NBI (National Bureau of Investigation) agent.

Sa ngayon, bukas pa rin si Judy Ann sa magaan na trabaho tulad ng hosting, book signing para sa Judy Ann’s Kitchen, at endorsements.

“Huwag lang ngarag sa puyatan. Hindi lang masaydong stress sa breakdown scene.

“Basta walang breakdown scene, kaya naman.

“Yung sa Someone To Watch Over Me kasi action yun na NBI teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, dapat mag-training ako sana diyan dapat.

“Since ito [buntis] na yung sitwasyon ko ngayon, mag-training muna ako maging mommy sa bago naming anak [ni Ryan].”

Sa huli, nagpasalamat si Judy Ann sa positibong feedback na nakuha niya mula sa mga katrabaho sa gitna ng kanyang pagdadalantao.

“Actually, some of my endorsements are excited for the coming of our baby.

“Some of them nagbigay din sa amin ng abiso na, 'Sige, maghihintay kami.'

“And we’re really grateful na people are waiting for me makabalik [sa trabaho].”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close