Kean Cipriano defends Alex Gonzaga against negative issues; admits "happily" dating someone

Kean Cipriano and his band Calla Lily are coming up with a new album soon and possibly an indie movie. He says, “There’s still this long process of talking about it.”


Nangiti si Kean Cipriano nang kumustahin tungkol sa friendship nila ni Alex Gonzaga.

Huli silang nagkasama sa katatapos na fantasy series ng ABS-CBN na Inday Bote.

“Well, yung friendship naman has always been there, gets mo?

“Iyon na ‘yon… kung itinatanong sa akin si Alex, ang sagot ko naman palagi, e, lagi naman kaming okey.

“We’ve done lots of projects together… Banana Nite, sa ASAP magkasama kami.

“Sa teleseryeng Inday Bote nagkasama kami, ‘tapos I’m doing a music video for her soon... everything is alright.”


DEFENDING ALEX. Marami ang naintriga na biglang tinapos ang Inday Bote. Ayon sa usap-usapan, mahina raw kasi ang ratings kaya nawala ito agad.

Ano ang masasabi ni Alex tungkol dito?

“Tanungin n’yo na lang po sila,” sabay ngiti ni Kean.

“Hindi, ito lang ‘yon, may mga bagay na sinisimulan nang maganda at tinatapos nang maganda.

“So, yung Inday Bote, yung proseso nun, script, pre-prod, yung pag-edit nun, lahat ‘yon pinaghirapan ng buong crew.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ng director namin, ng mga actors, hanggang sa utility namin na nagbigay ng lahat, alam mo ‘yon?

“So, kung bakit natapos yung show agad, nagri-rate ba or something, it’s beyond what I know.

“I was there as an actor.

"As an actor, I do my job. I’ll be the instrument in storytelling, so that’s it.

“Hindi ko kayang, ‘Kasi ganito ang nangyari, e.’ I really don’t know.”

Napapabalita ring lumaki na raw ang ulo at nagkaroon na ng hindi magandang attitude si Alex.

Ano ang reaksiyon ni Kean kaugnay nito?

“Hindi, e. Wala naman akong nakikitang gano’n.

“Kaya hindi ko… sa ugali at ugali naman, iba-iba ang ugali ng tao, e.

“Ako, may kakaiba ako ugali na hindi mo trip, o ikaw may ugali ka na hindi ko trip, alam mo ‘yon?

“So, who are we to judge?

"And Alex is my friend, so hindi ko nakikita iyon sa kanya ngayon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TAKEN. Dati ay napabalitang meron na silang mutual understanding pero tila naudlot ang tuluyang pagkakaroon nila ng relasyon.

Posible pa bang muling bumalik ang naging espesyal na pagtitinginan nila?

Natawang sabi ni Kean, “Ganito kasi ‘yan… merong masaya kaming nabuo ni Alex na malupit, alam mo ‘yon?

“Pero mahirap sagutin ang tanong na ‘yan, kasi yung tao na nakasama mo, you spend a lot of good times together.

“Kaya ang pinaka tini-treasure ko ngayon ay yung friendship naming dalawa.”

Single pa rin si Alex, si Kean yata ang taken ngayon?

“As always! Hindi lang ako single, double… triple… quadruple!” biro niya.

Is he dating someone right now?

“Yes, happily!” bulalas niya,

So, hindi nga siya single ngayon?

“Actually, I am being taken care of.”

Nali-link ngayon ang musician-actor sa Kapuso actress na si Chynna Ortaleza.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close